"Pagmamahal ay hindi laging masaya dahil may karugtong itong sakit."
Isabela ang kanyang pangalan, ang babaeng umibig kay
Juanito pero ang lalaki ay walang pagmamahal na nararadaman para kay Isabela.Sa unang araw ng klase ni Agatha ay nakasalubong niya ang isang lalaki pero hindi naman siya pinapansin nito.
Sa nagdaang araw ay palagi siyang inaabuso bully ika nga sa wikang ingles, ng mga kaklase o sa mga ibang estudyante sa kanilang paaralan.
Isang araw ay binuhusan siya ng tubig sa mga ibang estudyante, umiyak siya ng umiyak pero may nakita siyang dalawang pares ng sapatos sa harapan niya, pero hindi niya pinansin ito , at nagpatuloy lang sa pag-iyak , ang nasa isip niya lang ay kung bakit ginawa ito sa kanya at wala naman siyang ginagawang masama sa kapwa.
Maya-maya ay hindi pa rin nawala ang pares ng sapatos sa harapan niya, inangat niya ang kanyang paning habang may luha pa ring umaagos mula sa kanyang mga mata, binigyan siya ng isang panyo mula sa binata, at ang binata na yung ay ang nakasalubong niya sa unang araw ng pasokan."Ako pala si Gabrielle." wika ng binata
"Agatha ang pangalan ko." sabi din ni Agatha sa binata
"Diba ikaw yung babaeng nakasalubong ko noong unang araw ng pasokan?" wika ni Gabrielle
"Oo, ako nga iyon." tungon naman ni Agatha kay Gabrielle
Tinulungan ni Gabrielle si Agatha upang tumayo dahil naka-upo pa rin ito sa sahig bunga nung binuhusan siya ng tubig.
Simula nung araw na yun ay naging magkaibigan sila, pqlagi na silang magkasama.
Sa umaga sinusundo ni Gabrielle si Agatha upang kasama sila pumasok sa kanilang paaralan, sa hapon naman ay sila rin ang magkasamang kumain, at sa uwian naman ay sila na rin ang magkasama dahil ihahatid siya parati ni Gabrielle.At sa panahon na magkasama sila ay nagiging iba ang tingin ni Agatha kay Gabrielle, gusto na niya itong kasama araw-araw, gusto na niya itong kausap magdamag, at doon na niya nararamdaman ang pagmamahal para kay Gabrielle.
Sa mga nagdaang araw ay mas lalong lumago ang kanyang pagmamahal para sa binata pero hindi kayang sabihin ni Agatha ang nararamdaman niya para kay Gabrielle dahil natatakot siyang ibabaliwala ang kanyang nararamdaman.
"Tara na Isabela, baka mahuli pa tayo sa ating klase." sabi ni Juanito kay Isabela
"Oo na, andyan na ako." tungon naman ni Isabela kay Juanito
Nagkasama silang pumunta sa paaralan nila.
"Sige mauna na ako, Isabela." sabi ni Juanito kay Isabela
"Sige." tungon ng babae
Kaya pumunta na rin si Isabela sa kanyang silid-aralan.
Sa loob ng silid-aralan ang kanyang iniisip ay si Juanito, kung paano niya matapat ang kanyang nararamdaman para kay Juanito.Ng matapos na ang kanilang klase ay masigla siyang pumunta sa garden ng paaralan dahil doon talaga ang tambayan nila ni Juanito para ipagtapat ang kanyang nararamdaman, pero pagkarating niya doon ay siya rin ang magulat sa kanyang nakita, may ibang babae na kahalikan ang binata, pinanood niya ito at hindi niya nararamdaman ang pag-agos ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Napatingin si Juanito sa kanya na walang emosyon ang nababasa sa mga mata ng binata.
Papunta sana si Juanito kay Isabela pero tumakbo ang babae papalayo sa binata, pero hindi niya alam na hinabol siya ni Juanito, at naabutan siya ng binata at niyakap siya mula sa likod nito."Bakit ka tumakbo?" wika ni Juanito
"Bitawan mo ako." tungon din ni Isabela
"Di kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi kung bakit ka tumakbo ay umiyak." sabi ng binata