“Bakit nga ba sa dinami-dami ng tao sa mundo, doon ka pa mapupunta sa taong hindi naman para sayo? Hindi ka ba nagtataka kung bakit kailangan mo pang makilala ang isang taong mawawala rin naman sa buhay mo? Bakit kailangan mong umibig sa isang taong nakalaan para sa iba? Bakit kaya hindi nalang doon sa taong makakasundo mo? Yung tipong alam mong mayroong patutunguhan ang inyong relasyon. Sadyang malupit ba talaga ang tadhana’t tayo’y pare-parehong pinaglalaruan?”
“Well done Ms. Dela Cruz! You may go back to your seat.” Biglang sabi nang teacher namin sa Filipino.
“Thank you, Sir.” At dumeretso na ako pabalik sa upuan ko. Medyo marami pang sinabi ang teacher namin about sa mga susunod na gagawin naming mga essays. Mahilig talaga ako sa mga ganito. Ewan ko ba, nailalabas ko kasi ang aking mga saloobin at nararamdaman ko sa mga ganito kahit medyo tamad talaga ako magsulat. Minsan mas gusto ko pa yung sinasabi nalang o kaya naman itina-type. Hindi pala minsan, madalas pala. Mas madali naman kasi, hindi ba?
“Grabe Thea, ikaw na talaga. Matalino ka na, magaling ka pa sumayaw tapos makata pa. Aba, Althea Dela Cruz…” Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Ayoko kasing tinatawag sa buo kong pangalan.
“Hoy Sabrina Gonzales! Alam mo namang ayokong-ayoko na tinawatag ng ganoon. Sa susunod na tawagin mo akong ganun, hindi na kita tutulungan sa mga susunod na essay na ipapagawa satin ni Sir.” Niloloko ko lang naman siya para tumigil na siya. Hindi ko naman kayang gawin yun sa bestfriend ko.
“Oo na Thea, titigil na. Pero totoo naman kasi yung mga sinabi ko, hindi ba? Maganda ka pa at sporty rin. What more can a guy ask for? Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon single ka parin. Ang dami-dami mo namang manliligaw. Hanggang ngayon ba wala ka paring napupusuan sakanila?”
“Tigil na Thea. Binobola mo lang ako. At oo, wala parin hanggang ngayon. Hay nako! Tara na nga’t baka abutan pa tayo dito nung lalaking sunod ng sunod satin.” Oo, mayroong isang lalaking sunod ng sunod samin ni Sabrina. Ewan ko kung siya o ako ba ang sinusundan nung lokong yun. Basta ang creepy lang niya.
_____
“Hindi naman kelangang magkaroon ng karelasyon para sumaya. Minsan sapat na yung mayroong kang pinagkakaabalahan. Minsan sapat na yung mayroong nagpapasaya sayo.”
Yan ang huling nakasulat sa isang blog entry na binabasa ko. Tama nga naman kung sino man siyang naglagay niyan. Lalo na kung point of view ng isang single na katulad ko ang tatanungin niyo.
*riiiiing*
Ayan na, tumunog na ang bell. Hay salamat! Natapos na rin ‘tong computer subject namin. Ang daming sinabi nung teacher namin pero wala naman atang nakikinig sakanya kasi pakiramdam ko lahat ata kami may iba’t-ibang ginagawa. Yung iba nasa facebook o kaya naman sa twitter. May ilang kalalakihan namang nagdo-dota. Yung iba naman nagbabasa ng kung anu-ano, katulad ko.
“Thea! Cafeteria tayo? Nagugutom ako eh.” Tanong sakin ni Sabrina. Wala naman sana akong balak kumain ngayon kasi kumain ako ng heavy breakfast. Medyo maaga kasi ako nagising pero ito, wala akong choice kaya sumama na rin ako sakanya. Kawawa naman kasi kung mag-isa lang siyang pupunta.
“Ugh. Sige na nga.” May magagawa pa ba ako? Dumiretso na kami sa cafeteria. Hindi naman halatang gutom na gutom ‘tong si Sabrina. Ang dami ba namang binili na para bang ilang araw na hindi kumain.
“Hoy Sabrina! Ilang araw ka bang hindi kumain?” Tanong ko sakanya habang binabayaran na ang binili kong mango shake. Paborito ko kasi ‘to eh at alam kong iisang tao lang ang nakakaalam ng bagay na ‘to. Kamusta na kaya siya? Balita ko kasi kaya siya umalis sa school na ‘to kasi nakakuha siya ng scholarship sa ibang school para sa basketball. Pangarap niya kasi talaga yun eh.
“Althea Dela Cruz! Ano ba. Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko? Lumulutang nanaman yang isip mo oh. Sino bang iniisip mo?” Nagulat ako nang sumigaw si Sabrina. Tama nga siya, lumulutang nanaman ang isipan ko. Bigla ko kasing naalala si Jarred.
Si Jarred nga pala ang first boyfriend ko. First year highschool ako nung naging kami. Tumagal rin naman kami. Buong first at second year ko rin ang halos naibigay ko para sakanya. Akala nga ng iba na kami na talaga hanggang dulo.
Almost-perfect na nga kasi ang relasyon namin. Pero kagaya nga ng karamihan sa mga relasyon ngayon, nauwi rin ito sa hiwalayan. Pareho man naming hindi ginusto ang nangyari, pero narealize ko na para rin naman ito sa ikabubuti naming dalawa. Masakit, oo. Sobrang sakit kung tutuusin. Akala ko noon guguho na ang mundo ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa sobrang sakit at lungkot na nararamdaman ko. Akala ko hindi na ako makakabanggon. Akala ko hindi ko kakayanin pero mali pala ako. Kaya ko palang mabuhay ng wala siya sa tabi ko.
Natutunan kong tumayo sa sarili kong mga paa nang walang Jarred na nakaalalay sakin.
“Bahala ka na nga Althea. Aalis na ako. Hindi ka rin naman nakikinig sakin. Mauuna na lang muna ako sa room tutal mayroon pa akong kailangang tapusing requirements kay Sir Menard.” Nang sabihin ni Sabrina yan, para bang nauntog ako sa realidad na nasa cafeteria nga pala ako’t kasama siya. Hindi na niya ako pinagsalita at umalis na siya. Nagmamadali siyang umalis. Sigurado akong hindi requirements ang tatapusin nun kung hindi mayroon iyong kakatagpuin. Feeling ko bumisita nanaman si Prince dito sa school. Hay nako. Talaga yung boyfriend na yun ni Sab.
Hindi ko na inubos ang mango shake ko’t dinala nalang ito sa library. Dito nalang muna ako. Medyo matagal-tagal pa kasi ang break namin tapos wala pa yung susunod na teacher.
Sinaksak ko sa tenga ko ang earphones ko at nilaksan ng todo ang volume ng ipod ko.
*insert music here*
It's gonna take a lot to drag me away from you.
There's nothing that a hundred men or more could ever do.
Just like the way down in Africa.
It's gonna take some time but I know you're worth fighting for.
I’ll fight for you…
*flashback*
“Jarred, sigurado ka na ba talaga? Hindi ko kayang mawala ka sakin. Hindi mo na ba ako ipaglalaban? Susuko mo ang lahat ng ganun-ganun lang? Jarred, maawa ka naman oh. Paano na ako pag wala ka? Ano nang magyayari sakin? ‘Wag mo naman akong iwan, please.”
“Sorry Thea, kailangan ko ‘tong gawin. Para ‘to sa ikabubuti nating dalawa. Mahihirapan ka lang kapag ipinagpatuloy pa natin ang relasyon natin. Aalis na ako. Hindi na ako dito mag-aaral. Hindi ko kayang mahirapan ka. Long distance, Thea. Long distance. Sa tingin mo ba kakayanin natin yun? Sa una siguro, oo pero paano kapag nagtagal na? Ano nang mangyayari satin? Alam kong mahirap tanggapin at intindihin ito sa una pero maniwala ka sakin, ito ang tamang gawin. Bata pa tayo, Thea. Marami ka pang makikilalang iba.”
“Pero ikaw ang gusto ko, Jarred.”
“Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, Thea. At nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nakilala kita.”
*end of flash back*
Hindi na ako galit kay Jarred. Tama rin naman kasi siya. Noong una siguro oo, pero sa paglipas ng panahon, unti-unti ko ring natanggap ang lahat. Ayokong maging balakid sa mga pangarap ni Jarred at ayaw naman niya na mahirapan ako kung sakaling ipagpatuloy naming ang aming relasyon. Sana makita ko na ulit siya. Gusto ko kasing magpasalamat sakanya. Inaalala parin kasi niya kung ano ang mararamdaman ko kung sakaling nagtuloy-tuloy ‘to. Tama nga si Jarred, hindi ko kakayanin.
(Author's Note: Ayos lang ba 'to? Suggest kayo para mas maganda yung kalabasan ng story ko. Salamat!)
(PS: Ang story na 'to ay may scenes na true to life. Pwedeng isang chapter puro true to life. Hindi ko nalang sasabihin kung alin dito. Yung iba diyan, mixed up lang yung names etc. Basta, enjoy kayo. Haha.)
BINABASA MO ANG
Will the chickboy ever learn his lesson?
Novela JuvenilSi Lance ay isang chickboy. Mapaglaro siya dahil sa kakaibang prinsipyong meron siya. Sino kaya ang babaeng makakapagpabago sakanya? Gaano kadaming problema ang kailangan niyang maranasan para lang mabago niya si Lance? Kakayanin ba niya o susuko na...