Chapter 2

121 0 0
                                    

Lance's POV ~

Hay nako! Nakakapagod namang mag-abot ng mga flyers sa mga tao. Bakit ito pa kasi ang na-assign samin? Bwisit namang project 'to oh. “  bulong ko sa sarili ko.

"Hoy Lance! Tapos ka na bang mag-enganyo ng mga iba pang students na nandito?" tanong sakin ni Jet.

"Medyo patapos na. Sa library at auditorium nalang ang wala." sagot ko sakanya.

"Ako na sa library, hah?"

"Ayoko nga. Mas malapit yung library eh. Tsaka mas marami na akong napuntahan sayo kaya ikaw na dun sa auditorium." Bago pa siya maka-angal sakin, inunahan ko na siyang tumakbo papunta sa direksyon ng library.

Althea's POV ~

Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala si Jarred. Jarred, kamusta ka na kaya? Sana masaya ka ngayon. Sana nakakita ka na ng babaeng magmamahal sayo. Yung hihigitan yung pagmamahal na naibigay ko sayo.

Naputol ang pagde-daydream at pagre-reminice ko tungkol kay Jarred nang maramdaman kong mayroong kumulbit sakin.

"Ahh shit!" Napasigaw ata ako. May earphones kasi ako kaya feeling ko mahina parin yung boses ko.

“Quiet! You’re in the library.” Sabi ng librarian samin. Pareho naman kaming tumingin sakanya at para bang nagso-sorry kami sa ingay na nagawa namin.

"Sorry Ate. Gusto ko lang namang ibigay sayo 'to at imbitahan kang bumili sa booth namin bukas." sabi nung lalaki sa harapan. Narinig ko naman ng ayos ang gusto niyang sabihin pero nakayuko parin ako. Nahulog kasi yung mga gamit ko nung ginulat niya ako.

"Ahh. Ganun ba. Ginulat mo naman kasi ako, Kuya" sagot ko sakanya habang unti-unti kong inaangat ang ulo ko para harapin siya.

*insert drum roll here* *insert my shocking face na hindi ko ipinapahalata here*

Nagulat ako sa nakita ko. Si Lance Reyes ang nakita kong nag-aabot sa akin ng isang flyer. Nagtataka ka siguro kung sino si Lance Reyes noh? Siya nga lang pala ang isa sa pinakamagaling sumayaw sa school namin. Gwapo rin siya't maputi. Tamang-tama lang ang tangkad para sa edad niya. Hindi siya ang campus-hearthrob pero hindi naman nalalayo ang itsura niya kay Victor o kay Carlo pero madalas parin siyang nilalapitan ng mga babae. Balita ko, chickboy rin ‘to katulad ni Victor eh.

"Ate! Ate! Aasahan kita bukas hah? Sama mo narin yung mga kaibigan mo kung gusto mo. Salamat Ate." As usual, naputol ang pagde-daydream ko sa mga sinabi niya. Ano ba yan, nabibighani pa ako sa nakikita ko eh. Joke!

"Ahh, oo, sige. Susubukan ko silang isama. Ikaw ba yung magbantay sa booth niyo?" Hindi ko alam kung bakit ko naitanong sakanya yun.

"Hindi lang ako. Pati mga kasama ko sa group project na 'to. Pero malay mo, masaktuhan mong ako yung nagbabantay, diba?" Medyo ngumisi siya ng konti. Amp! Ang gwapo naman nitong lalaking 'to.

"Sana. Sana nga masaktuhan ko na ikaw para libre nalang kami. Hahaha. Joke. Pero sige, kelangan ko nang umalis. Kita nalang tayo bukas kung sakaling maabutan kita." Ayoko mang umalis muna pero kailangan eh. Baka ma-late ako sa next class namin. Tinext na ako ni Sabrina't hinahanap na niya ako kasi sabay daw kaming papasok for our next class.

Sabrina's POV ~

Asan na ba yun si Althea Dela Cruz?! Tinext ko na siya para sabay kaming pumasok pero mukhang nawawala nanaman siya sa oras. Hay nako.

"Sabrina! Sabrina!" Kilala ko yung boses na yun. Alam kong kay Thea yun.

"Sabrina! Sorry ah? Nawala kasi ako sa oras tapos may ano pang nangyari kanina sa library..." Aba aba, ano kayang nangyari at ginawa nito sa library.Tumingin ako sakanya na na para bang alam ko kung ano yung nangyari.

"Hoy Sabrina! Alam kong may iniisip kang nangyari. Wala noh. May nagabot lang sakin ng flyers para sa food booth tomorrow. Punta tayo ah?" Itong si Althea talaga oh. Kilalang-kilala na talaga ako.

"Ano ba daw binebenta dun sa booth na gusto mong puntahan bukas? Diba sa mga juniors yun na project?" Ewan ko ba dito kay Althea. Pumayag-payag pa kasi tapos ang masama pa dun, nangako pa ata siya. Tsk tsk.

"Yung totoo? Hindi ko rin alam kung anong binebenta nila eh. Pero sige na, samahan mo ako hah?" Sinasabi ko na nga ba eh. Wala paring pinagbago 'tong si Althea. Pumapayag na lang ng basta-basta. Masyado kasing mabait. Tsk.

"Osige na nga. May magagawa pa ba ako?" Syempre wala.

(Author's Note: Sorry medyo maikli lang 'to. Comments, suggestions para mas ma-improve ko 'tong story ka? Hahaha.)

Will the chickboy ever learn his lesson?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon