"I love you so much and it's a yes."
Agad akong napatayo at napasigaw sa narinig ko. Fuck. Sobra akong kinabahan. Akala ko ay magno-no pa siya sa akin.
Kinaraga ko siya at hinalikan. This woman is mine. She is mine now. Mine alone.
Inilapag ko siya sa kama at isinuot ang singsing. Perfect. Bagay na bagay sa kaniya.
Ikinumpas niya ito sa hangin at ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan. Sinuklian ko naman ito at ihiniga siya sa kama.
She want to advance the honeymoon? That's alright. Mas pabor pa sa akin. I smirked at that thought.
"Why are you smirking?" nagtatakang tanong nito.
Tumingin ako sa kaniya at idinikit ang ilong ko sa ilong niya.
"My love for you is so unexpected. Andaming nangyari na nakapaggulo ng feelings ko. Nalito, naguluhan, nagselos, naging kumplikado pero heto ako ngayon, engaged na sayo. I know I've hurt you and I'm so sorry for that. Gusto kong maging parte ka ng pamilya ko, especially maging asawa ko, maging nanay ng magiging mga anak ko. Mahal na mahal kita, Laila."
Naluha ito kaya pinahid ko ang luha sa mga mata niya. Hinalikan ko ang bawat isang mata niya. Ito ang matang pinaiyak ko. Nasasaktan ako kapag nakikitang siyang umiiyak. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang malungkot. Kaya ipinapangako ko na habang andito siya sa tabi ko, magiging masaya siya. Hindi ko siya iiwan at ibibigay ko lahat ng basta sumaya lamang sya.
Tinignan ko sya diretso sa mata.
"Are you ready? Are you ready to do this now?"
Tumitig ito pabalik sa akin.
Kinabahan na naman ako kapag ganito sya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nya.
Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang mukha ko.
"Makakapag-antay ka ba? May mga kailangan lang ako ayusin sa pamilya ko. Gusto ko munang ayusin lahat bago bumalik sayo. But I promise you na babalik ako at magpapakasal tayo." madamdaming sabi nito.
I nod and smile at her.
Gusto ko man magtanong ay saka nalang siguro kapag tapos na sya sa mga problema nya.
"If that's what you want. Maghihintay ako sa'yo." she smiled again at me and kissed my cheeks.
"I love you." she said.
I smiled. "I love you too, so much."
"Magpahinga ka na muna and I will ready your food here. I also want to share the good news to my family." tumango ito sa akin at humiga na sa kama.
Sinuotan ko muna sya ng damit at nilagyan ng kumot. Hinalikan ko sya sa noo at ngumiti.
"Just rest. I love you." tumango ito bago ipinikit ang mga mata.
Ilang sandali ko pa syang pinagmasdan bago ako lumabas ng kwarto.
Fuck. Hindi ko alam kung nababaliw ba ako or hindi e. Hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko.
Bumaba ako at naabutang nasa living area sila Mom and Dad pati na rin si Beatrice. Tumayo sila pagkakita sa akin.
"How's Laila, son? Is she alright?" tanong ni Dad.