Chapter 1: Thief
LUNES na noong pumunta ako sa office ni dad. Syempre dahil hindi ako paladalaw sa opisina niya, gulat at nakangiti niya akong binati nang makalapit na ako sa kaniya.
"Have you already changed your mind, Eliza?" Tanong niya matapos akong halikan sa noo.
Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Hindi pa rin pala nakakalimutan ni daddy ang deal naming dalawa 'kuno'. Lasing ako noong pinapirma niya ako sa isang kontrata kaya wala akong kaalam alam.
Napakamot ako sa batok. "Dad, walang magbabago sa isip ko. Hindi ako business minded katulad ni kuya Zacril." Sagot ko sabay tawa.
Nagkibit-balikat na lamang siya 't tinalikuran ako para bumalik na sa swivel chair niya. Inayos ni dad ang suot niyang dark blue na polo bago umupo.
"Ok, then."
Tumikhim ako. Hinawi ko ang kaunting buhok na nakakalat sa mukha ko at lumakad papalapit sa table ni dad. Ayoko nang magpaligoy ligoy pa. I need to tell him now.
Pumihit si dad paharap sa 'kin. Nakita ko ang magkahalong nagtatanong at seryoso niyang ekspresiyon sa mukha habang nakatingin sa 'kin. Napasinghap ako dahil sa kaunting kaba na dulot ng tingin niya.
"Dad? Ayoko nang magpakasal kay Rod. He's not my type." Walang preno kong sabi.
Nakita kong natigilan si dad sa sinabi ko. Mukha na akong tanga dahil nararamdaman ko na nanginginig na ang binti ko pero nanatili pa rin akong nakatayo. Ayokong bumitiw. Paninindigan ko ang desisyong nabuo sa utak ko kaninang umaga lang. Ngayon ko na ito dapat sabihin.
"Ayokong magpakasal sa lalaking napipilitan lang. At isa pa si mommy lang ang may gusto sa kaniya dad. Hindi ko na hihintayin na dumating ang araw na mahulog akong mag isa na walang sasalo..."
Feeling ko ay nakahinga na ako nang maluwag. Alam kong tama na ang desisyon ko. Ayoko talagang makulong sa lalaking hindi ako mahal. Sino ba naman ang matutuwa? Maliban na lang kung desperada/desperado ang isa sa kanila. Well, hindi ako desperada. At isa pa, wala talaga ni katiting na pagmamahal dito sa puso ko para sa kaniya. Walang kahit ano.
Sa katunayan, hindi mahirap mahalin si Rod. Si Rod na boyfriend ni ate Serine. Noong nakita ni mom na mabait at responsable ang lalaki ay kinausap agad ni mom si ate. Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila but I know na masakit para sa ate ko na ipaubaya at pakawalan ang lalaking mahal niya sa 'kin para sumaya si mom. Nakokonsiyensya ako sa lahat ng ginawa ni mom. I want to make ate serine's life happy. Buong buhay niya ay puro sakripisyo ang ginawa niya. Its time naman para bumawi ako.
"I understand you, anak. Payag ako sa desisyon mo pero hindi ako ang dapat mong lapitan. It's your mom."
"Kaya nga dad. Isa rin iyon sa ipinunta ko dito. I need your help."
Isang matagal na katahimikan ang bumalot sa office ni dad bago siya pumayag sa gusto ko. Hindi ako nagsisising pumunta dito dahil alam kong kahit na anong mangyari, he will help me.
Si mom na lang talaga ang pinakamalaking problema ko. Alam kong hindi papayag 'yon kapag ako lang at walang kasama. Kaya thanks kay dad.
Hapon na noong makauwi ako sa condo ko. Wala na rin si mom pagkadating ko doon, umuwi na siguro kaninang umaga no'ng makaalis na ako. Dumiretso ako sa kusina nang makapasok na ako nang tuluyan. Binuksan ko ang ref at agad na naghanap ng makakain. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng fresh milk. Tinungga ko iyon at nagsalin ulit.
Umakyat na ako sa kwarto ko after ng lahat. Nag palit muna ako ng damit. Isang t-shirt at itim na short ang suot ko ngayon. Tumapat ako sa salamin at pinasadahan ng isang tingin ang kabuoan ko. Kinuha ko ang suklay at ginamit. I took a deep breath as I lay my back at the bed. Ipinikit ko na ang mata ko at tuluyan nang nagpalamon sa dilim.
YOU ARE READING
Captivating Love
RomanceShe is Eliza Cresh Palmorino. Kasama sa mga binitawang pangako niya sa sarili niya na ang tanging bibigyan niya lamang ng pansin ay ang mga taong interesado sa kaniya. Takot na takot siya sa salitang 'rejection'. Ayaw niyang umiiyak, ayaw niyang nas...