Chapter 2: Body Guard
NAGHAHANDA na ako ngayon para sa pagdalaw ko sa MoC. Buwan buwan ko na iyong nakagawian. Nakasanayan ko na ang tumulong at pasiyahin ang mga matatandang inabandona at may mga kapansanan. Mga madre ang nag aalaga sa kanila at nakakatuwang isipin na maging ako ay nakakatulong din.
Hindi ako masyadong nakatulog nang maayos kagabi. Kaya medyo puyat ako. Laking pasasalamat ko sa baby cream dahil kahit papaano ay natakpan naman ang eyebags ko.
"Mang Jef? Sasama pa po ba kayo sa loob?" Tanong ko nang matapat na kami sa kulay asul na entrada.
Tinanggal ko na ang seatbelt ko 't binuksan na ang pintuan matapos ay bumaba. Tumayo ako nang tuwid at pinagpagan ang kaunting gusot sa damit ko. Isinilid ko ang buhok ko sa likod ng aking tainga bago hinarap ang body guard na pinaiwan ni mom.
"Hindi na po, Ma'am Eliza. Hihintayin ko na lang ho kayo rito." He answered, I just nod.
Pumihit na ako patalikod. Lumapit na ako sa gate, yumuko ako para makapasok. Napangiti ako nang lapitan ako ng tatlong madre nang makita nila ako. Inilahad nila ang mga kamay nila at isa isa kong kinuha iyong para mag mano.
"Magandang araw, ho, Sisters." Panimula ko.
Nanatili akong nakangiti. Mas lalong lumapad iyon nang mahagip ng mata ko si lola Delia. Tumakbo ako papalapit sa kaniya naramdaman ko naman ang pagsunod ng tatlong madre.
"Kanina ka pa hinahanap ni lola..." Anang sister Celine.
"Lola!" Tawag ko dahilan para mapalingon sa 'kin ang matandang nakaupo sa gilid.
Si lola Delia ang pinakaclose ko sa lahat. Nakikita ko kasi sa kaniya ang imahe ni mommy. Eighty one years old na si lola at medyo malakas pa rin siya. Tumayo ito at lumakad papalapit sa 'kin.
Nakita ko sa mga mata niya ang saya nang makita ako. Kinuha ko ang kamay niya at nagmano. Hinawi ng matanda ang buhok ko sabay halik sa aking noo. Ganito lagi ang sinasalubong niya sa 'kin. Kung 'di sa noo ang halik niya 'y madalas sa pisngi ko. Napabungisngis ako.
"Na miss kita lola..." sabi ko ng malapit sa kaniyang tainga.
"Bakit ngayon ka lang ulit, ija?" Kuryosong tanong niya. Napakamot ako sa ulo.
"Lola, remember? Once a month lang po ako kung bumisita dito..." lumungkot ang ekspresiyon niya sa sinabi ko. "Hayaan niyo po lola, sige. Bibisita ako twice a month, alright?" Bawi ko sa mga sinabi ko.
Nawindang siya sa narinig. Dali dali niya akong hinila para paupuin sa katabi ng upuan niya kanina. Umupo ako habang inaalalayan namin ang isa't-isa. Bumaling ako kanila sister. Nakita ko na nangingiti sila habang pinapanood kaming dalawa ni lola. Sumenyas ako sa kanila na ako na ang bahala kay lola Delia, tumango lang sila at tumalikod na para asikasuhin ang ibang tao doon. Ibinalik ko na ang pansin kay lola at nangunot ang aking noo nang mapansin na nakatitig siya sa 'kin.
"Bakit po? May dumi po ba ang mukha ko?" Malinaw na tanong ko.
Umiling siya.
"Eh, ano po?"
Ipinatong niya ang kamay niya sa lamesa. Umayos siya sa pagkakaupo at muli akong tinignan. Sumeryoso ang kanyang mukha.
"Anong napanaginipan mo?" Pahina nang pahina niyang tanong sa 'kin. Hindi ko masyadong narinig nang maayos kaya pinaulit ko ang tanong niya. "Anong napanaginipan mo?" Ngayon ay malakas na.
Literal na napalunok ako. Anong panaginip ba ang tinutukoy niya? Paanong nalaman ni lola na nanaginip ako? Hindi ko malaman kung sa pamamagitan ba ng mga titig ay nababasa niya ang utak ko pero hindi ko naman iyon iniisip kanina kaya imposibleng mangyari 'yun. Napalunok ako. Hindi na ako makakilos ngayon dahil ramdam ko na ang bilis ng tibok ng puso ko.
YOU ARE READING
Captivating Love
RomanceShe is Eliza Cresh Palmorino. Kasama sa mga binitawang pangako niya sa sarili niya na ang tanging bibigyan niya lamang ng pansin ay ang mga taong interesado sa kaniya. Takot na takot siya sa salitang 'rejection'. Ayaw niyang umiiyak, ayaw niyang nas...