Chapter 3: Para alalayan ako.
PAGKATAPOS kong kumain ay nag ayos na rin ako agad. Ako na ang bumaba para ligpitin ang mga pinagkainan ko at para uminom na rin. Nakalimutan niya kasi na magdala ng tubig kanina... Well, hindi niya na kasalanan 'yon, Eliza, dahil first of all, wala sa trabaho niya iyon.
Mahinang dighay ang inilabas ko matapos uminom. Isinauli ko na sa ref ang tubig at tumapat na sa lababo para masimulan na ang paghuhugas.
"Ako na."
Sumibol ang kaba ko sa dibdib nang bigla na lang siyang magsalita sa likuran ko. Hinampas ko siya sa braso dahil doon pero parang ako pa ang nasaktan. Tinaasan ko siya nang kilay, ngisi lang ang isinukli niya.
"Ako na." Pag uulit niya sa sinabi kanina. Irap na lang ang naisagot ko.
Tinalikuran ko na siya para simulan na ang paghuhugas. His presence made me feel uncomfortable. Medyo idinikit ko pa ang aking katawan sa haligi ng lababo para bigyan ng malaking distansya ang aming pagitan. He took a deep breath.
Inayos ko na ang sarili ko at sinimulan na ang paghuhugas. Pinipigilan ko ang aking kaluluwa na muli siyang harapin at kausapin. Para akong kinakain sa kahihiyan tuwing iisipin ko pa lang ang pakikipag usap sa kaniya. Ayokong marinig ang boses niyang nanunuya at nag uutos sa isang malamig ngunit malambing na paraan. God! Am I exalting him?
Sa gilid ng aking mata ay lumitaw siya. Nagulat ako at napatingin sa kaniya nang agawin niya ang plato at sponge na hawak ko. His eyes went pitch-black and dusky. Napagtanto ko ang sarili kong nakatingin sa mga iyon kaya inagaw ko ang platong hawak niya para malipat ang atensiyon ko.
Buong akala ko ay hindi niya iyon bibitawan kaya nang malipat sa kamay ko ay dumulas ito at bumagsak sa lapag. Sa sobrang taranta ko ay lumuhod ako at dinampot ang bawat piraso ng basag sa plato.
"Ouch!" My tears are now roaming around inside my eyes. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako umiiyak. Dahil ba sa sugat ko o dahil sa kabang nararamdaman ko?
"Oh, shit! Sorry..." narinig kong mura niya nang makita ang may dugo kong kamay.
Lumuhod siya at dinaluhan ako. Kinuha niya ang kamay ko at saglit na tinignan iyon. Inalalayan niya akong tumayo at pinaupo sa malapit na couch. Hindi pa rin ako natitigil sa pag iyak.
Umalis siya at bumalik dala ang mga gamot para sa sugat. Umupo siya sa tabi ko at hinarap ako. Kinuha niya ang kamay ko at tinitigan ako. I tried not to look at him back but I just... hindi ko makontrol ang mga mata ko. Letse!
"Why did you do that? Hindi mo trabaho iyon." Basag niya sa katahimikang kanina pa pumapagitna sa 'ming dalawa.
"Hindi mo rin trabaho 'yon." I said, casually.
Nagtiim bagang si Pleix sabay lunok. I saw how his adam's apple moved and it sent shivers down my spine.
Sinimulan niya nang gamutin ang sugat ko. Medyo mahapdi iyon pero tinitiis ko. Ayokong isipin niyang maarte ako sa oras na mapadaing ako dahil sa sakit.
"Malaki ang binayad nila sa 'kin, Eliza. At Sobra 'yon para sa trabaho ko. Sinabihan na ako ng Mrs. Palmorino, susundin ko 'yon kahit na pati ikaw ay kamuhian ako."
Medyo tinamaan ako dahil sa sinabi niya. Napaisip isip tuloy ako dahil doon. Anong bang mali sa ginagawa niya? Tama, nagmamagandang loob na nga ang tao and I should just be thankful to him.
Binitawan niya na ang kamay ko pagkatapos gamutin. Inayos niya na isa isa ang mga gamit na nasa table bago ako binalingan muli. Para siyang naghihintay na may lumabas sa bibig ko.
YOU ARE READING
Captivating Love
RomanceShe is Eliza Cresh Palmorino. Kasama sa mga binitawang pangako niya sa sarili niya na ang tanging bibigyan niya lamang ng pansin ay ang mga taong interesado sa kaniya. Takot na takot siya sa salitang 'rejection'. Ayaw niyang umiiyak, ayaw niyang nas...