Chapter 9- Unexpected Twist

5K 90 2
                                    

Namulat sya sa isang lugar na hindi familiar. Masakit pa rin ang ulo nya at medyo nahihilo pa rin sya. Naalala na nya, nagpipirmahan sila ng documents para sa separation ng conjugal property ng bigla syang nahilo at nawalan ng malay. Nasa ospital sya ngayon. Sino ang nagdala sa kanya dito? Si Tim?! Kung ganon alam na ng ex nya na buntis sya.. sa ibang lalaki!

Simula ng bumalik sya mula sa isla medyo madalas ang pagkahilo at pananakit ng ulo nya, parang lagi syang may sakit. Antukin din sya at walang ganang kumain. Gusto nyang ideny sa sarili na buntis sya pero nararamdaman nya lahat ng palatandaan. At sa dinami dami ng tao na hindi dapat makaalam ng kalagayan nya, si Tim pa ang unang nakaalam ng isang bagay na dapat Ay sikereto! Hiyang hiya sya. Pano nya ngayon haharapin ang estranged husband.

Mag-iisip ito ng masama laban sa kanya. Na isa syang cheap at pumapatol kahit sa estranghero. Pagtatawanan sya nito at lalaitin.

" Airah, thank god you're awake!"

Niyakap sya nito ng mahigpit, nang may pag-aalala. Bagay na ikinagulat nya.. hindi inasahan ang reaction ni Tim. Mabilis syang kumawala sa pagkakayakap nito.

" Tim, I know you were shocked, but let me explain okay. Hindi ko ginusto ang mga nangyari, it just happened. "

" You.. you mean alam mo na ang tungkol sa lagay mo?"

" Oo, kahit hindi pa ko nagpapacheck up alam ko. Nararamdaman ko sya. But please do me a favor, kahit ngayon lang, don't tell it with my parents. In time, ako na ang magsasabi sa kanila"

" Airah, they need to know. Pamilya mo sila. You will need somebody to take care of you. Hindi mo kakayaning dalhin mag-isa yan!"

" I know! Pero gusto ko munang mag-isip. Masasaktan Sila pag nalaman nila"

" Okay, if that's what you want I respect your decision. One more thing, I know that we just got our annulment. Maybe you're thinking that I don't love you anymore. But I still care Airah. And if you need me I'm still here. Tawagan mo lang ako. I'll help you."

Naguguluhan sya sa mga sinasabi ni Tim. Himala rin na parang wala itong angas habang kausap nya ngayon. Di ba dapat galit ito sa kanya o insultuhin man lang sya dahil ang dinadala nya Ay mula sa ibang lalaki, bagay na hindi nya naibigay dito! Pero Bakit parang naaawa ito s kanya at ingat na ingat na wag syang masaktan.

" Tim, sandali nga, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Okay lang ako. Wag mo kong kaawaan. Wala ka ng obligasyon sa kin. Tapos na tayo. Kung anuman ang problema ko ngayon, sarili ko na yun, ako na to. Just live your life Tim, don't worry about me"

Tatayo na sana sya ng bigla sya nitong hawakan para alalayan.

" Tim, What seems to be your problem?! Will you please leave me alone? Bahala na si Attorney sa settlement, napirmahan ko na mga papeles. Kung may mga concern ka pa sya na lang ang kausapin mo"

" Go with me!", parang hindi nito narinig ang sinabi nya

" What?!", gulat na gulat sya

" You can go with me. Maraming espesyalistang magagaling sa America. Kaya pa nilang gamutin ang sakit mo", malungkot at emotional na pagkakasabi nito

" Sa-sakit? Tim wala akong sakit. Anong espesyalista ang sinasabi mo?"

Nagkulay papel ito sa tanong nya, halatang nabigla.

" I-I'm sorry! Forget about that!"

" Anong alam mo? Anong sinabi sa iyo ng doctor tungkol sa kin?!", may diin ang pagkakasabi nya. Kinakabahan sya, parang may mali, parang may nangyayaring hindi tama

" Airah.. I-I thought you know it already.."

" Tim ano nga?! Sabihin mo na kasi!"

" You have a brain tumor.. and... it's malignant"

Natigilan sya sa revelation ni Tim. Nanlamig ang buong katawan nya, hindi sya halos makakilos. Pakiramdam nya papanawan sya muli ng lakas. Ang huling mga sinabi ng dating asawa Ay parang bomba na pinasabog sa harapan nya.

" Airah... pwede ka pang gumaling. Gagawa tayo ng paraan. Hahanap tayo ng magaling na doctor"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya sa mga oras na ito.

" Is this a joke? Are you kidding me? Brain Tumor? Wala akong sakit! Nasan ang doctor na tumingin sa kin? Ulitin nya ang ginawa nyang mga test. Papatunayan ko sa inyo na Wala akong sakit! ", hysterical na sya bagamat hindi pa ito lubusang nagsisink-in sa kanya

"Calm down, please. She will be here later. How I wish mali nga ang diagnosis nya. Alam kong nabigla ka Airah, but you know what? You've been sleeping for seven hours. Simula ng mawalan ka ng malay kanina hindi ka nagising kahit ilang minuto lang. I was really afraid, wala namang anesthesia o matapang na gamot na pinainom sa iyo. "

Tinignan nya ang relo. It's five pm. Nahintakutan sya, Ten am sila nagkita ng dating asawa, ganon kahaba ang naitulog nya gayong hindi naman sya puyat ng nagdaang araw.

" Iha, mabuti at gising ka na", dumating ang doctor na tumingin sa kanya

" Doc, Anong stage ng cancer ko sa brain?"

Namutla ito sa tanong nya, halatang nabigla.

" I-I'm sorry Doc. She caught me off guard. I thought she knew it", si Tim ang sumagot

" Ilang buwan, ilang taon na lang ako mabubuhay?", walang emosyong tanong nya sa doctor. Para syang lutang sa mga oras na to.

" Stage four iha. Two years ang pinakamatagal"

" Doc, it's curable. Wala ng imposible sa siyensya at medisina!", si Tim, alam nyang pinalalakas nito ang loob nya

" There is no guarantee Mr. Hidalgo. But let's hope for the best. Wala namang imposible sa diyos"

Nag-uusap pa si Tim at ang doctor pero hindi na nya naaabsorbed. Gusto nyang umiyak pero wala syang mailabas na luha, ni hindi sya makasigaw Kahit mabigat ang pakiramdam nya. Daig nya pa ang sinaksak ng paulit ulit.

Kanina lang iniisip nya na buntis sya, na may buhay sa sinapupunan nya. Pero malayo pala ang balitang ito sa totoong condition nya. At kahit anong words of encouragement ang marinig nya parang hindi nya kayang paniwalaan. She was in a state of shock.

She is 26. Annulled. Met an accident. With stage 4 Brain Tumor. And she's dying in two years!

Three Days Two NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon