Say Something. (May's POV)

23 0 0
                                    

Say Something (May's POV)

 

 

“Happy 2nd Anniversary Honey, ito gift ko oh, I Love You” - tuwang tuwang sabi ko kay Ray sabay abot ng anniversary gift ko sakanya na nakabalot ng color black na gift wrap kasi yun ang paborito nyang kulay.

“Ahmm... May, I need to tell you something” - sabi sakin ni Ray ng diretso ang pagkatitig sa mga mata ko, sobrang seryoso ng mga mata nya nun.

“Ano yun honey ko?” - kahit seryoso na yung pakiramdam ko dahil sa mga titig nya sakin, sinubukan ko pa rin sabihin ang mga salita na iyon na may mga ngiti sa labi ko at puno ng sigla.

“Actually, I do not know how to start it, pero kailangan ko ng sabihin sayo 'to, ngayon na...” -seryoso pa rin ang pagsasalita nya, natatakot na ko actually :( hindi ko alam, pero may masama akong pakiramdam.

“Ano ba yun? Bakit sobrang seryoso mo naman honey ko” - sabi ko sakanya

 

 

“Let's stop this” - sagot nya sakin ng diretso, mata sa mata.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nya, basta ang alam ko lang nun ay parang biglang lumamig yung panahon, pakiramdam ko na parang lumakas yung ihip ng hangin, at kinikilabutan ako.

“Paanong let's stop this honey?”

“Let's have a break up” - maikling tugon nya sa akin. 5 maiikling salita lamang yun, pero paulit ulit na lumalabas pasok sa tenga ko.

“Huh?? Ano bang sinasabi mo honey ah? Wag mo nga kong biruin, ikaw talaga ah! Masyado kang palabiro”

 

 

“Im not joking May, all I am saying right now are all true, let's have a break up please?” -please?? Nagmamakaawa na syang hiwalayan ko na sya? Pero bakit?

 

“Bakit honey?? Bakit?! May nagawa ba ko? Hindi, hindi alam ko nagbibiro ka lang, tama na please honey naiiyak na ko eh, sige na ako na naloko mo, surprise mo siguro to no kasi anniversary natin ngayon? Ikaw talaga kaya mahal na mahal kita eh. Lagi mo nalang ako sinusurpresa” -pagpipilit ko sakanya, pagpipilit ko sa sarili ko na isa lang tong malaking joke at mamaya may lalabas at sisigaw sa paligid namin na "Surprise! Nabiktima ka!"

 

“No May, it’s not what you think, hindi na kita mahal, hindi ko na kaya pang makipagrelasyon sayo. Nagsasawa na ko…” - diretsong diretsong pagkasabi nya sa akin. Para bang wala na talaga syang nararamdaman sakin na kahit anong espesyal kaya ganun.

Say Something. (May's POV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon