Chapter 7

5.5K 84 0
                                    

Sam's POV

Nandito ako ngayon sa classroom, hinihintay ang pagdating ng aming Instructor. May kanya-kanyang mundo ang mga kaklase ko, maraming nagkwekwentuhan yung iba naglalaro sa cellphone nila, may natutulog, at kung anu-ano pa.

Samantalang ako nandito ulit sa likod nakatunganga, tulog kasi 'tong katabi ko si Victoria, kaibigan ko. Kaming dalawa madalas na magkasama dahil siya lang naman ang naging close ko ngayong college. Mabait, matalino at totoong kaibigan siya. Nakwento ko na ata sa kanya lahat ng nangyare sa buhay ko.

Bigla akong natauhan sa pagdadaydream ko sa pagdating ng Instructor namin, ginising ko na rin si Vic. Mukhang mabait ang Instructor namin parang Nanay ko. Yey!

Habang nagsasalita si Ma'am biglang bumukas ang pinto at iniluwa  nito ang estudyanteng late.

O_O Teka? siya nanaman, infairness! consistent siya, laging late.

Good morning Ma'am, sorry I'm late.

Sabi niya..

Nagulat naman lahat ng kaklase ko.Anong meron? Pati 'tong si Vic natulala pero nung makarecover.

OMG Sam!!  Kaklase natin siya!! Shems!  Ang swerte natin girlash..

Pabulong niyang sabi sakin. Natutuwa siya dahil nagning-ning ang kanyang mga mata.

Oh ano naman ngayon? Kaklase ko nga siya sa human 1 eh. Ang OA mo feeling mo naman artista siya at tuwang tuwa ka dyan.

Naiiritang sagot ko sa kanya.

Samantalang si Jaysel naman kinakausap ni Ma'am.

Ano?! kaklase mo pa siya?!  Tanga ka ba?!  Hindi mo siya kilala?! Anak siya ng may-ari nitong school natin.  Mukha siyang anghel pero masama daw yan sabi nila. Mag-ingat ka girlash..

Banta sakin ni Vic pero what?!! anak siya ng may-ari nitong school. Bakit hindi ko alam yun. Tanga ko. Pero bakit ganun? sabi ni Vic masama siya pero bakit ang dami niyang tagahanga. Hindi ko gets! haha

Hindi ko na sinagot si Vic dahil umupo na sa tabi ko si Jaysel.

Diniscuss lang naman ni Ma'am yung background ng subject namin, rules at ang requirement namin for finals.

Sa project namin, by pair daw sabi ni ma'am. Ano naman kayang project yun? Inayos na ni ma'am ang magkasama sa proyekto at kung minamalas ka nga naman, partner ko si Jay. Pero okay na rin, atleast matalino kaming dalawa. Hahaha!

Jaysel's POV

ano bang project ang pinagsasabi ng matandang 'to. -_- Wala akong maintindihan.

Haay.. namimiss ko na ang friends ko. :(  Huli ko silang nakita nung nag-inuman kami sa condo ko.

What the?! Define life tas prinsipiyo sa buhay? yun lang ang requirement namin sa finals. Bakit kailan pa ng partner? Paker naman, ang daming ka-echosan nitong matandang 'to.

.

.

.

.

Pauwi na akong condo, wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw na to pero feeling ko pagod na pagod ako. Haay..

Nandito ako ngayon sa terrace ng condo ko, kailangan kong magrelax kaya heto nagyoyosi ako, saka nagcoffee na rin.

Biglang tumunog phone ko.. Tumatawag si Mama..

Hello Ma! Bakit?

Anak, hindi mo man lang ako maalalang itext o tumawag ka man lang sana. I miss you! Mag-ingat ka parati. I love you..

Sorry Ma medyo busy ako this past few days. Yeah, I miss you too and I love you.. Ingat rin po kayo Ma, see you soon. Alam kong may bus. trip kayo this coming week. Pasalubong ko ha.

Sige anak. Magpahinga ka na.. Bye!

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng nanay ko. Biglang tumunog ang door bell ko. Sino kaya yun? Bihira lang naman ako magkaroon ng bisita eh. Kung hindi mga kaibigan ko, si kuya at ate lang naman.

Pinatay ko na yung yosi ko at pumasok sa para tignan kung sino ang taong nasa labas ng condo ko.

Anong ginawa mo dito? Paano mo nalaman ang lugar ko? Stalker ka!

Malamang si Ate nanaman ang nagsabi  sa kanya kung saan ako nakatira. Anong problema niya?

Wow Jay! Ang dami mo pang sinasabi dyan. Pwedeng papasukin mo ako, ganyan ba ang pagwelcome mo sa bisita mo. Tss!

Pinapasok ko na siya kahit labag sa kalooban ko. Ayokong makipag-away sa dragon ngayon.

Bakit ka nga nandito Pau? Gusto kong magrelax, ayoko ng istorbo ngayon eh.

Ang sama mo Jay! May pinapabigay lang ang Ate mo, nagkita kami kanina kaya yun. Magkalapit lang naman tayo ng lugar , kaya okay lang. Shet! Amoy sigarilyo ka Jay..

Sabi niya sakin saka niya inabot yung paper bag saka maliit na envelope. Binuksan kong una yung envelope..

Tsaraaan!  o_O  Ohhh!.. Money. wow!

Sumunod yung paper bag, t-shirt na v-neck lang naman white ang kulay.

Pau salamat dito ha. Pwede ka nang umalis!  Pang-aasar ko sa kanya, itinutulak ko na siya palabas ng condo ko.

Walanghiya ka Jay! Wag mo nga akong itulak. Mambababae ka nanaman siguro noh?

Hindi noh! Wala ako sa mood mambabae ngayon. Sige na, uwi na!!

Salamat ha! Ang bait mo, sobra!! Nagugutom na ako Jay, dito na ako magdinner ha. Magluto ka na, dali.

Bwiset talaga 'tong dragon na to. Hindi papatalo, alangang ako ang magluto, tae niya.

Wala siyang nagawa siya rin ang nagluto ng pagkain namin samantalang ako nandito sa terrace at umiinom ng isang bote ng beer at nagyoyosi.

Tapos na siyang magluto, kakaen na kami. Adobo at inihaw lang naman na talong ang ulam namin. Ayos na 'to.

Habang kumakain kami, nagkwento lang naman siya ng tungkol sa sarili niya, kay ate, love story nila ng boyfriend niya at kung anu-ano pa.

The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon