Walang katapusan nagkaroon ng hangganan
Kwento nating akala ko'y walang katapusan.
Hindi mauubosan ng dahilan para patuloy na lumaban.
Yung parang mundong hindi mapapagod sa pag ikot.
Yung ilog na hindi mauubosan ng tubig sa pag-agos.
Pagmamahalang hinding hindi makakapos.
At ang puso'y patuloy na mag mag-babaga't mag-aapoy.
Yung lambingang daig pa ang pagkaing nilalanggam.
Ang sarap siguro ikwento ng alamat natin no?
Mababasa sa libro, at hahanga ang mundo
Sa ikaw at ako.
Ikaw at ako, TAYO.
Tayo na punong puno ng pangarap,
Pangarap na sing dami ng aliptaptap na kumikutitap,
Oh kay sarap mangarap ng ikaw ang kayakap.
Mga pangarap na parang bituin na ating susungkitin.
Ngunit ngayo'y naging suntok sa buwan kung aabutin.
Sapagkat ang ating alamat ay puno na ng lamat.
Ang walang katapusan ngayo'y nagkaroon ng hangganan.
Kwentong atin ng tinuldukan.
Ngunit ang tanong ko, saan nga ba nagsimula ang lamat sa ating alamat?
Saan? Kailan? Paano? Bakit?
Ang mga tanong na sumagi sa isip ko.
Saan?
Saan napunta ang pangakong magpakailanman hindi kita iiwan?
Saang parte ng mundo naligaw ang puso ko?
Handa naman sana akong hanapin to.
Pero paano pa hahanapin ang pusong ayaw na magpa alipin.
Alipin ng laro ng hangin, kaya ako'y tuloyan ng tinangay sa himpapawirin.
Napadpad sa dilim, at nalaman ang sekretong lihim.
Pagod na ako ang alingawngaw nya sa dilim.
Pagod na hindi na kayang mapawi ng pagpapahinga,
Kaya ang puso ko'y nahimlay na.
Nahimlay sa pag-asang maayos pa.
Pasensya na pero siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa.
Kailan?
Kailan mo matatanggap na wala na ang tayo.
Ang meron nalang ay ang IKAW at AKO, na may magkaiba ng direksyon sa mundong to.
Nasa hilaga ka, sa kanluran naman ang tungo ko.
Nahirapan ako, pero natagpuan ko ang sarili ko.
Nagtagpuan ko sa tagpuang hindi ikaw ang katagpo,
Kundi ang sarili kong unti unti ng binubuo.
Nakita ko ang kasiyahang hindi naka depende sa bagay na meron ako.
Oh sa kung ano man kaligayang kakabit nito.
Naging matapang ako kahit wala ang naging kakampi ko.
Salamat sa mga turo mo, ang iilan do'y baon ko.
Na magiging armas ko sa bagong direksyong tatahakin ko.
Sana mapatawad mo ako sa laban nating sinukuan ko.
At ang patuloy na panalangin ko ay ang kaligayahan mo.
At sana balang araw mapatawad mo rin ako.
Sa dami ng napagtanto ko, meron pa rin tanong sa utak ko.
Yun ay "Paano?"
Paano? Paano tayo nagging buwan at araw?
Panandaliang pinagtagpo pagkatapos ay muling pinaglayo?
At Bakit?
Bakit mas pinili nating ipako ang mga pangako.
Napako sa krus, sa krus ng pait at pasakit.
Tayo ba ang may gusto nito? O ang tadhana na ang sumuko sa ating kwento?
Sa dami ng tanong ko, isa ang sigurado ako,
Sigurado akong magiging masaya rin tayo sa kanya kanya nating kwento
Kwentong hindi na kailangan ng kung ano anong elemento,
O ng kung ano pang sensyang ihahalintulad dito.
Dahil sigurado akong magtatagumpay ang ikaw at ako.
Sa kanya kanya nating mundo.
Pero sana pag nagtagpo tayo, buo na ulit ang puso mo.
Masaya ka na sa kung ano man ang nilalaman nito.
Hindi man ako, sigurado akong mas karapatdapat sya sayo
at mas bebenta ang kwento nyo.
Mag a-apply pa akong reseller nito.
Panalangin ko ang kasiyahan mo at katatagan mo
Sa lakbay ng laro ng buhay habang tayo'y nabubuhay.
Masakit man matalo wag ka mag alala hangat hindi ubos ang life line mo, tuloy ang laban mo.
Hindi hihinto ang ikot ng buhay hangat anjan ang gulong mo.
Wag kang susuko mag bubunga rin ang itatanim mo, dahil sigurado ako naka-kapit ang ugat ng pangarap mo.
Maraming nag mamahal sayo, isa na don ang pamilyang pinagmulan mo.
At mga kaibigang nakasuporta sa pag-angat mo.
Mararating mo rin ang alapaap ng tagumpay.
At magkakaroon ka rin ng kasiyahang walang humpay.
Salamat sa ilang pagkakataon,
At bilang na panahong tayo'y nagmahalan.
Ito na ang hangganan ng ating walang hanggan.