Chapter 1

8 6 0
                                    

"Okay, and now let's all clap our hands for Acer C. Abarrientos. Acer, you may start now."

"Star wa teasher?" pabalik na tanong ni Acer sa kanilang guro.

Agad na nagtawanan ang mga bata sa loob ng Day Care Center dahil sa inosenteng tanong ng batang si Acer, ngunit agad din namang nawala ang malakas na tawanan hindi dahil sa sinaway sila ng kanilang guro kundi dahil sa masamang tingin ng batang nakatayo sa unahan.

"Acer, you have to share your ambition or your dreams in life. Nagshare na ang ilan sa mga kaklase mo kanina, it's now your turn, so Acer, ano bang gusto mong maging sa iyong paglaki  at bakit?"

"Oh! Okay! Got it teasher!" masiglang sagot ni Acer sabay kuha ng isang coupon bond na may print na picture. Masigla niya itong pinakita sa kanyang mga kaklase.

Muling naulit ang malakas na tawanan nang makilala ng mga bata ang nasa litrato.

"Hahaha! Teacher, gushtong maging lalaki Eysher!" Komento ng isang bata.

"Hindi! Gusto niyang maging artishta! Di mo ba kilala yan? Crush nga yan ni ate eh!"

"Acer wants to be Cardo! Hahaha!"

"Mali! Si Palowna yan!"

"Gushto niya shali bendeta! Magiging criminal siya hahaha!"

"Class, keep quiet. Ano na nga po yung rules natin? Di ba sabi niyo kanina wag maingay? Let Acer tell her dream. Go on Acer and please children, lets listen to her and don't be noisy." saway ng guro sa kanyang klase. Masigla namang tumango ang batang nasa unahan.

"Nanonood ba kayo Ang Probsyano? Di niyo ba narinig shi Cardo? Shabi dun Pulish Sheno Inshpektow! Di shiya criminal! Pulish siyaa."

"Di man shi Cardo sabi nun, si General Bora." bulong ng isang bata sa kaklase niya.

The Escaped FelonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon