Tatlong katok mula sa'king pinto ang nagpabalik sa ulirat ko."Acer! Buksan mo 'to!" sigaw ni nanay sa labas.
Dali dali naman akong pumunta sa may pintuan, nagkunwaring galing sa pagtulog at binuksan ng kaunti ang pinto.
"Bakit nay?" tanong ko rito na may kasama pang pagkusot kusot ng mata.
"Ayos ka lang ba? May narinig akong kalabog dito kanina tapos antagal mo pang buksan ang pinto! What's happening here?" tinangka niyang buksan ang pinto nang pigilan ko ito.
"Nay, natutulog na kasi ako kaya matagal kong nabuksan yung pinto, I also drop my materials, yun siguro ang narinig mong kalampag kanina. Masyadong madumi ang kwarto ko nay, bukas na lang ako maglilinis, antok na kasi ako eh." mahabang sagot ko na sinabayan pa ng paghikab para naman effective.
"Ganun ba? Oh sige, matulog ka na. Goodnight Ace." paalam niya saka isinara ang pinto.
Isang malaking buntong hininga naman ang pinakawalan ko.
Bumalik ako sa kama at inalalang muli ang mga nangyari. Kung si General nga yun, bakit niya 'to ginagawa? Ano bang hinahanap niya? Bakit kailangan niya pang isa isahin lahat ng bahay ng subdivision namin? Ano ba talagang nangyayari sa kanya?
Or, is it really him? Damn it! What is really happening?!
Kinuha ko ang baril sa pinagtataguan ko. I made a secret cabinet here in my bedroom and para saan pa ang pagiging artist ko kung di ko yun magagamit? I used my creativity para takpan ito at magmukhang invisible sa mata ng ibang tao.
Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang bag na may laman ng baril at I.D ni Nashville. Akala niya ba ganun niya lang kadali mahahanap ang I.D niya? Kung hindi niya ito hihingin sakin ay hinding-hindi niya ito makukuha.
I looked at my gun. I am now owning a Kimber Classic Carry Elite handgun. This gun is really cool at sa tingin ko'y masyado 'tong sosyal base pa lang sa kulay nito, at ayoko ng itanong kay tito kung magkano bili niya dito.
As a former Police Officer, alam ko naman na madami siyang koneksiyon kung kaya't nakukuha niyang makabili o makapagpagawa ng ganitong klaseng mga armas. Wala namang kaso sakin yun, pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit niya ako nito binigyan. Sa mga nagyayari ngayon at sa mga ipinapakita niya saking aksiyon, mas nagdududa ako kung part pa rin ba 'to ng training namin or may iba pa siyang rason.
I looked at the grip of my gun at nakita ang nakaukit na dalawang letra rito.
Kelan ko kaya 'to magagamit?
Ibinalik ko sa lagayan ang aking baril at napatingin sa I.D na katabi nito. Agad ko namang kinuha ito at pinagmasdang mabuti ang mukha ng nasa litrato.
BINABASA MO ANG
The Escaped Felon
ActionAcer is a secret agent that was framed-up, nakulong sa kasalanang di niya naman ginawa. Isang aksidente ang magbabago sa kanyang buhay. She was given a new life, new people to protect her and a new identity to live, she's now Jack. Ano ang papel ni...