Chapter 6

3 1 0
                                    

Dali-dali kong tiningnan ang labas ng bintana at baka sakaling nandito pa din ang taong kumuha ng I.D at di pa nakakalayo ngunit bigo ako.

Napangiti naman akong bigla dahil sa nangyari, bigo man akong makita at mahuli ang taong nanloob sa kwarto ko at kumuha ng I.D, pero nagtagumpay naman ako sa pinaplano ko.

Agad kong isinara ang bintana at nilock ito ng mabuti. I immediately opened my laptop at binuksan ang isang app na magsisilbing gabay ko sa aking plano. Ikinonekta ko ang aking cellphone sa laptop para makuha ang impormasyon at imbes na dalhin pa ang laptop ay maaari kong maisagawa ang plano gamit lamang ang cellphone ko.

I quickly opened the app in my phone and saw a red light flashing on the screen.

Gotcha!

Salamat kay Kim na tumulong sakin sa paggawa ng tracking device at sa pagkabit nito sa I.D na talagang di mo mahahalata. Siya rin ang gumawa at naginstall ng app sa laptop ko para masundan ang taong may hawak ng I.D kahit saan man ito pumunta.

Ibang klase talaga ang mga IT at programmer! Nakakabilib!

Agad kong kinuha ang kaninang suot suot ko at mabilis itong isinuot muli. Lumabas ako ng bahay na di namamalayan ng aking mga magulang. Mabilis kong pinaandar ang kotse na nasa tapat ng bahay namin na hiniram ko lang kay Megan. Ito din ang laging gamit gamit ni tito sa tuwing umaalis siya kasama ako at dahil wala siya ay nakuha kong mapilit si Megan na ipahiram ito sakin.

I have my driver's license at marunong naman ako magmaneho ng kotse. I put my phone on the dashboard of the car. Malinaw kong nakikita ang pulang ilaw na nawawala wala dahil sa paggalaw ng target. It is a tracking device, at wala nang kawala sakin ang agent na to. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at sinundan ang itinuturong daan ng tracker.

Huminto sa paggalaw ang pulang ilaw hudyat na narating na ng taong sinusundan ang kanyang paroroonan. Masusi ko namang sinuri ang paligid at mukhang umuwi sa bahay niya si Nashville!

Pambihira! Mukhang pornada pa ang plano ko ah!

Di siya dapat mawala sa paningin ko, pero kailangan ko ding umuwi. Hindi pwedeng dito ako sa sasakyan matulog at magpaumaga para lang hintayin ang lalaking ito kung kelan siya muling aalis.

Maingat akong nag U-turn sa maliit na espasyo ng kanilang lugar. Sa tingin ko'y di masyadong madami ang nakatira rito dahil mapapansin mong kakaunti at magkakalayo dito ang mga bahay.

Muli kong itinuon ang atensyon sa daan at muling pinaandar ng matulin ang sasakyan. I looked at my wrist watch at eksaktong alas 10 na ng gabi. Muli kong sinilip ang aking cellphone na kasalukuyan pa ring nakalagay sa dati nitong lalagyan, I saw the red light still flashing pero di ito gumagalaw.

Kailangan kong matulog ng maaga ngayon para magising ng madaling araw bukas. Kailangan kong maunahang magising si Nashville. Baka malaman niya ang plano ko at matuklasan niya ang ginawa ko sa I.D niya. I need to track him para malaman kung saan talaga ang agency nila.

***
Naalimpungatan ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog nang biglang tumunog ang alarm clock ko. Agad ko naman itong pinatay at saka dali daling nag asikaso.

Pasado alas kwatro pa lang ng umaga nang narating ko ang lugar ni Nashville. Mabuti na lang at mukhang di pa ito nagigising at wala pang balak umalis. Mahigit isa't kalahating oras din akong naghintay nang biglang umandar at gumalaw ulit ang pulang ilaw sa cellphone ko.

The target is already awake.

I smirked.

Be ready to be captured darling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Escaped FelonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon