XXII.Where is He? (Part 1 of 2)

393 12 2
                                    

A/N: Heellloooo!! xD Sorry talaga kung walang UD ng 1 month!! xD Gomen ne! Gomen ne! Sorry Talaga! Last chapter na 'to ng mission nila Danielle, then proceed na tayo sa mission nila Jiroh. Namiss niyo na ba sila? Hahaha! xD Chapter 22 coming up!!

Danielle's POV

Hanggang ngayon, naghihinagpis pa rin sila Avril at si Dylan sa pagkamatay ni Mark. Nakaalis nga kami sa pagatake ng napakaraming mga zombies pero, isang buhay nanaman ang nawala. Ilang buhay pa ba ang mawawala bago matapos ang apocalypse na 'to? The worst is, matatapos pa ba ang Apocalypse na 'to?

"Sa tingin ko, sa ngayon hanapin muna natin si Kyle." suggest ko sakanila dahil yun naman talaga ang misyon namin ni Kylie. Kailangan na namin siyang mailigtas dahil baka mamaya, mapahamak pa siya.

Tumango nalang sila bilang pag-oo sakin.
"Simulan natin sa Slaughter House. Kung san tayo huling pumunta bago mawala si Kyle." pinalitan ko muna si Dylan sa pagdadrive dahil hindi pa naman niya alam ang daan papunta roon.

"Tara na?" tanong ko sakanila ng makapagpalit na kami ni Dylan ng puwesto.

"Tara na." tipid na sagot niya sakin na para bang tinatamad pang magsalita.

Sinimulan ko nang patakbuhin yung kotse pabalik dun sa slaughter house. Sa pagkakatanda ko, nasa bandang forest 'yun diba? Tsaka sa bandang likod kami lumabas nun.

Sa mga madadaanan namin na mga bahay, napakaraming zombies na kumakain ng bangkay. Halos lahat sa kanila may isa-isang kinakain na patay na tao. At dahil dito, bumagal ang pagtakbo ko..... sa tingin ko bagong invade palang ang mga zombie dito dahil sariwang-sariwa pa ang mga laman nila at ang mga bangkay ay hindi pa umaalingasaw ang mabahong amoy. Pero ganumpaman mabaho pa rin ng makalapit na kami.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo binabagalan? Lalo tayong mahahabol ng mga zombie niyan!" pabulong na sabi sakin ni Dylan. Bakit nga ba? Bakit ko pa binagalan? Onting galaw namin dito patay kami. Onting ingay, patay ka.

"Bibilisan ko na ba?" tanong ko sa kanya sabay tingin sa mirror na nasa taas. Nakita ko naman siyang tumango kaya dahan-dahan kong inapakan yung gas.

Napatigil naman ang marami sa mga zombies na kumakain ng kanilang mga pagkain. At tumingin sa direksyon namin. All of them growled. All of them roared. Kung ikaw yung nandun siguro maiihi ka kapag di ka pa sanay.

Lahat sila tumakbo papunta sa'min. Aakalain mong may stampede dahil sa dami nila. Kulang nalang lumindol. XD

Dun ko na pinaharurot yung sasakyan namin. "I-lock niyo yung mga pinto at bintana niyo!". Utos ko sa kanila na agad-agad din nilang sinunod.

Sinagasaan ko lahat ng humarang sa daan namin. Lahat, lahat ng zombie. Lahat ng humarang sa'min, sinagasaan ko. Ewan ko yung mga nasa gilid? Puro dugo yung salamin namin. Sa harap at sa likod. Pati yung mga bintana. May mga laman-laman pa nga eh. XD

Successful naman kaming nakaalis sa town nayun kahit may mga humahabol pa rin sa'min. Tinodo ko nalang talaga yung pagmamaneho. Buti nalang hindi sila yung mabibilis at malalakas na Class-B. Siguro Class-D lang yun. Buti nalang. Kung hindi, siguro deds na deds na kami ngayon. xD Joke. xD

"Guys tiis lang kayo ng konti ah? Alam ko mabaho at nakakadiri yung mga laman nung mga zombie na yon. Pero sa tingin ko malapit na tayo sa slaughter house dahil ito na yung gubat. "

"Okay lang." nakangiting sagot sakin ni Avril sabay Ok-sign. Pero mahahalata mo parin sa kanya yung pighati (Nabasa ko lang yang pighati na yan at di ko alam ang meaning. XD XD) sa pagkawala ni Mark.

Diniretso ko parin yung kotse hanggang sa makapasok kami sa gubat. Nandito na kami sa may daan at yung sa gilid niya puro puno na? Natatandaan niyo pa ba yun? Yung dinaanan namin dati nila Jiroh? It means na malapit na kami sa slaughter house.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon