*Iris P.O.V.*
Kumakain kami ng dinner ng biglang may tumawag kay Micko. Mukhang emergency kaya lumayo siya samin. Pagbalik niya, halata sa mukha niya na may problemang nangyari.
“Any problem? “ Tanong ko sa kanya.
“Nagkaproblema daw kasi sa pinapagawa ni mom na resort sa Palawan. Di ba may background ka naman sa Management? Can you help me? “ Nagulat ako sa sinabi niya, pati ata siya nagulat sa sinabi niya. Bago pa niya madugtungan yung sinabi niya I just smiled at him.
“Ok. Kelan mo ba balak puntahan yun? “ Tanong ko sa kanya.
“Mamaya sana. We’ll stay there for three days. Ok lang ba? “ Three days? Not bad.
“Sure. “ nakangiti kong saad.
Kanina pa naming naayos yung problema. Akala ko nga malala, hindi pala. Haha. Nagtataka nga ako kung bakit 3 days kami dito. Eh halos kalahating araw pa lang kami dito, naayos na namin.
Nung medyo gumabi na, naisipan naming magbonfire. Kaming dalawa lang.
“I told you to forget about me. “ Walang emosyong saad ko. pero deep inside ang laki ng ngisi ko. Jusme. Nababaliw na ata ako. Haha
“I- I cant. I’m sorry. “ malungkot niyang saad tapos nagiwas siya ng tingin. Hindi ko na napigilang hindi ngumisi, hahaha.
“Gotcha. Haha. “ Sabi ko na may kasama pang tawa. Nilingon naman niya ako at nilapitan magkatapatan kasi kami kanina.
“Ah, ganun. “ Tapos kiniliti niya ako. Bwisit. Haha
“Tama HAHAHA na. Ano ba. “ saway ko sa kanya.
“I miss you.” He said then hugs me. Uso naman pakipot ngayon di ba? Tinaggal ko yung kamay niyang nakapulupot sa bewang ko. Gusto ko ng matawa ng nakita yung mukha niya. Kaso hindi magiging masaya ang naisip ko. hihi.
“Miss? Really? Hindi mo nga ako inintay magising. Nagpakasal ka agad sa lintang yun. Niloloko mo ba ko? “ Sigaw ko sa kanya. Ang hirap palang magpretend na galit ka no?
“I don’t have a choice. Utos sakin ni Mom na magkunwaring walang naaalala. Nagulat na nga lang den ako, ikakasal na kami. Hindi ako makahindi. Dahil I need to pretend I don’t remember anything. Just for me to protect you. “ Protect me? Teka niloloko ko lang naman siya bakit parang tinotoo niya?