Ice 2

49 3 0
                                    

Ice 2

-ISAAC-

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa isang tumpok ng estudyante na nakabara sa daanan. Hindi ko alam kung bakit ganito sila kagulo.

"Isaac, wag mo kalimutan yung group work natin mamaya. May meeting tayo tungkol dun mamaya." sabi ng isang lalaki.

Hindi ko pinansin ang sinabi ng kaklase ko, na hindi ko na papangalanan dahil hindi naman siya importante, at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Hay naku. Isnabero talaga." bulong ng isang estudyante.

Ayan na naman sila. Eh ano naman kung dedmahin ko sila?

Dinedma ko lang ang kanilang bulung-bulungan at pumasok na ng tuluyan sa loob ng classroom.

"Omaygad ang lamig."

"Andyan na ang yelo."

"Tumabi kayo sa dinadaanan niya, baka magyelo kayo."

Isa pa yan. Hindi ko nga talaga lubusang maisip kung bakit yelo ang tawag nila sa akin. Hindi naman malamig ang hininga ko. Hindi din naman nakakayelo ang titig ko. Minsan talaga, basta may masabi nalang ang mga tao.

Mga ilang minuto pa at nagsigawan na ang mga lalaki sa loob ng clasroom. Hindi ko naman lubusang maisip kung  bakit sila nagti-tilian diyan na parang ewan.

Mas lumakas ang tilian ng lalaki ng niluwa ng pinto yung apat na sikat na babae ng school namin. Actually, kilala ko naman sila pero hindi katulad ng ibang lalaki na lahat nalang ng kilos, alam. Masyado kasi sila sikat sa school tuwing may events. Kahit nga sa ibang school ay sila ay kilala.

Matapos ang isang makabasag-tengang tili mula sa mga lalaki ay dumating kaagad ang teacher namin sa aming first subject. Mathematics. Favorite kong subject to kaya kailangan kong mag-exert ng effort.

Hindi ko pa pala naipakilala ang sarili ko. Ako si Isaac Santiago. May palayaw akong Ice. Ako yung typical niyong guy. Oops. I take that back. Ako yung typical na nerdy at geeky niyong guy. May salamin na kasing kapal ng kilay ko ang lens. Pimples na kasing dami ng decimals sa numerical value ng Pi. At syempre hindi mawawala ang pinakasikat kong eyebags na naglalaman ng mga hardwork ko.

Marami din nagsasabi na masungit ako at isnabero. Hindi marunong makipag-socialize. Ang feeling ko daw, eh ang pangit ko naman daw. Isa pa, mahirap lang kami ng mama ko at may sakit pa siya. Iniwan din kami ng ama ko kaya mahirap ang buhay para sa akin. Hindi katulad ng mga estudyante dito sa eskwelahan ko na halos lahat ata ng luho nila ay nasusunod. Mga rich kid kasi. Atsaka dahil mahirap ako, hindi din maiiwasan ang maging tampulan ako ng tukso dito. Ang tanong, pano naman nakapasok ang isang, hamak na mahirap, katulad ko sa eskwelahan para sa mga rich kid?

Syempre nagpursige ako no! Hindi kaya ako bobo! Full scholarship ang binigay ng eskwelahan sa akin kasi daw for the first time, may nakaperfect ng kanilang entrance exam. Masyadong OA ang eskwelahang ito!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Melting IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon