"Babe!" sabi ni Ellie. "Tara samahan mo naman akong bumili ng damit ko." dagdag pa ni Ellie. "Hindi ba pwedeng ikaw na lang? Kitang mong naglalaro pa ako eh!" inis na sabi ni Tyler. "Sige na babe,minsan lang naman eehh." paglalambing ni Ellie kay Tyler. Wala nang nagawa si Tyler kundi sumama sa kanyang Girlfriend. Sa kasamaang palad nawalan ng preno ang sinasakyan nilang kotse at bumangga sila sa isang malaking puno. Himala namang nakaligtas si Tyler subalit si Ellie ay hindi na nakaabot pang buhay sa hospital.
"Patawarin mo ako Ellie, hindi kita nailigtas. Mahal na mahal kita." umiiyak na sabi ni Tuler habang nasa puntod ni Ellie. Samantala hindi naman makapaniwala si Ellie sa kanyang sinapit kung kaya't nagmakaawa siya na kung maaari ay muli siyang bumalik at muli pa niyang makasama si Tyler. "Parang awa niyo na po, ngayon lang po ako hihiling ng ganito sa inyo. Pabalikin niyo po ako. Gusto ko pang makasama si Tyler. Mahal na mahal ko po siya. Please?" pagmamakaawa ni Ellie. "Oh sige, pababalikin kita ngunit sa isang kondisyon" sagot sa kanya. "Kahit anong kondisyon makasama ko lang ulit ang pinakamamahal ko." sabi ni Ellie. "Pababalikin kita ngunit mabubuhay sa ibang katawan." sagot sa kanya. "Opo, pumapayag po ako para kay Tyler." umiiyak na sabi ni Ellie. Sobra sobra ang pagmamahal ni Ellie kay Tyler kung kaya't gagawin niya ang lahat makasama lang ulit ito. Natupad nga ang kahilingan ni Ellie na muling mabuhay ngunit sa ibang katawan. Naisipan niyang makipagkilala kay Tyler. "Hi?" sabi ni Ellie. "Hello? Kilala mo ako?" gulat na tanong ni Tyler. "Uhm, ako nga pala si Ell--- , Ella." pakilala ni Ellie.
"Tyler, wait may kasama ka?" tanong ni Tyler. "Wala nga eh," sagot ni Ellie. "Tara, sama kana sakin meryenda tayo." yaya ni Tyler. Habang kumakain...
"You know, your gestures look so familiar." pagtataka ni Tyler. Ngunit nginitian lamang ito ni Ellie. "Parang the same sa dati kong girl that I've just played with." dagdag pa ni Tyler. Napahinto si Ellie nang marinig niya ito mula kay Tyler. Hindi niya inaasahan ito mula sa kanya. "E-e-excuse me, mauna na ako" agad na umalis si Ellie sa kinauupuan niya. "Wait! May problema ba?" sigaw ni Tyler. Tumakbo palayo si Ellie at kasabay nito ang hindi niya mapigilang pagtulo ng kanyang mga luha.---------------------------THE END----------------------------