PROLOGUE
"Jusmiyo! Star ano bang meron bakit may mga men in black na sumusundo sayo dito?" Nagtatakang tanong ng ate Sunny ko sakin habang nakatingin parin sa 2 lalaking nakatayo sa may pintuan namin.
"Aba malay ko ate, tatawag na ba ko ng pulis?" Takang tanong ko din kay ate.
"Mrs.Star Agustin Mendezabal, pinapasundo napo kayo ni Sr.Red" Sabi ni mamang men in black # 1
"MRS???" Sabay naming sabi ni ate.
"Opo mam. Kagabi lang daw po kayo ikinasal kaya gusto ni Sr, dun na kayo tumira sa kanila" Yun naman ang kagimbal-gimbal na sabi ni men in black # 2.
"Teka nga Star Agustin ano bang nangyayare dito? KASAL IKAW? KAGABI? Totoo ba ito?" Litong-litong tanong ni ate, akala nya ba sya lang ang nalilito pati ako no!
"Ah...Eh! Teka mga kuya baka naman nagkakamali lang kayo hindi lang naman ako ang nag-iisang may pangalang STAR AGUSTIN eh." Pagpapaliwanag ko with matching hand gestures pa tsaka inemphasize ko narin yung pangalan ko para mas klaro.
"Hindi po mam. Ikaw po talaga yun, ito po yung picture nyo oh" May inabot si MiB # 1 sakin na picture tinignan namin parehas yun ni ate.
O_O - Ako
O_O- Ate Sunny
"OMG! Bunsoy ikaw nga yan. PAANONG KASAL KANA? STAR!!!" Oops! Lagot galit na si ate, masama itooooo.
"Yes.You've heard it right, she's my WIFE" Bigla nalang may pumasok na lalaking GWAPO? sa pintuan namin kaya't napunta ang lahat ng atensyon namin sa kanya.
"Boss" Saba'y na sabi nila kuya'ng MiB.
"At sino ka naman?" Mataray na tanong ni ate habang ako nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"I'am her husband. Kagabi lang kami kinasal" Pagkatapos nun may pinakita syang papel. Binasa ni ate yun ng malakas. At .....
"Bunsoy. May pirma ka dito" Tinignan ko mabuti yung papel at binasang mabuti sa sobrang gulat ko napalakas yung pagkakasabi ko
"IM MARRIED???" O______O
BINABASA MO ANG
Im Married???
RandomKASAL? Isang mabigat na resposibilidad, matagal bago paghandaan ng mga magkarelasyon, isang Holy Matrimony. Pinapangarap ng bawat babae'ng tulad ko pero dapat kapag kinasal ka daw dun lang sa taong mahal mo at mahal ka. Pero pano kapag nalaman mong...