IKATATLOMPU'T APAT NA KAPITULO

71 7 0
                                    

IKATATLOMPU'T APAT NA KAPITULO

"Lyndon..."

"Hindi ko siya pinatay... Hindi..." umiyak si Lyndon at nasapo ang kanyang mukha.

Nagkatinginan ang iba sa kanila, samantalang ang iba naman ay tulala pa rin dahil sa mga nangyari.

"Guys... umalis na tayo dito. Baka madatnan tayo ng-" naputol ang pagsasalita ni Lira nang biglang may sumigaw.

"Julius!"

Napatingin ang lahat kay Diomel nang pumasok ito. Mangiyak-ngiyak ito nang makita ang patay na katawan ng kasama. Galit na galit na tumingin ito sa mga taong nandoon.

"Mamamatay kayong lahat!" sigaw nito.

Nabalot ng takot ang mga ito. "T-teka, Diomel, a-anong gagawin mo?" nanginginig na tanong ni Francenne. Ang ibang kasama naman nila ay hindi na makaimik dahil sa takot, samantalang ang iba...

"Please, maawa ka, Diomel!"

"'Wag mo kaming patayin!"

Nangilabot ang lahat nang ngumisi si Diomel. Lumabas siya ng silid at agad na sinarhan sila ng pinto.

"Diomel, anong balak mo?! Hoy!" sigaw nila habang sinusubukang buksan ang pinto. Kinakalampag nila ang pinto pero hindi pa rin ito bumubukas.

Sa kabilang banda, si Diomel ay kasalukuyang naglalagay ng gas sa paligid ng silid. Obviously, balak niyang sunugin ang mga ito.

"T-teka, amoy gas!" sabi ni Andrea.

Sandaling natahimik sila at inamoy ang paligid.

"Tangina, oo nga!" bulalas ni France.

"Balak niya yatang sunugin tayo dito!" sigaw ng iba.

Nagsisimula nang magpanic ang karamihan sa kanila. At walang makapagpakalma sa kanila dahil pati mismo ang mga malalakas nilang kaklaseng lider ay mga nanghihina na rin ang mga kalooban.

"Putanginang buhay 'to." bulong ni JM nang makaamoy na siya ng usok ng apoy. Kapansin-pansin din ang apoy sa may pinto.

Habang nagkakagulo ang lahat, nilibot niya ang silid na umaasang may mahahanap na pwede nilang labasan.

"Teka, sa kahoy gawa ang kwartong 'to... Baka naman madali nang masisira 'to?" pag-iisip niya.

Pinuntahan niya si Christian Oliver na tulala pa rin at tinawag ang mga kaibigang lalake.

"Mga p're, gan'to gawin natin, subukan nating sirain 'yung pader ng kwarto. Baka sakali kasing madali lang siya masira dahil gawa lang naman sa kahoy." napabuntong hininga siya at tinignan isa-isa ang mga kasama. "Let's die fighting. Okay ba 'yon, mga p're?"

Sumang-ayon sila at nagtulong-tulong para masira ang pader. Humanap sila ng mga materyales na pwede nilang gamitin para masira ang pader.

"Guys, bilisan natin!" sigaw ni Mark Jayson. Saktong pagsigaw niya ay may nahulog na mga kahoy na mula sa kisame.

Nabalot na ng usok ang buong silid at nagsisimula nang masira ito.

"Tara na!" sigaw ni Renz. "Sugod!"

Nagsitakbuhan ang karamihan palabas nang masira na nila ang pader. Walang may pake kung saan na sila mapunta basta lamang makalabas ng silid kaya nagkawatak-watak silang lahat.

"Lyndon, tara na!" sigaw ni Kevin kay Lyndon na tulala lang sa tabi ng bangkay ni Julius.

Napatingin si Kevin sa paligid. Napapalibutan na sila ng apoy. Nagsimula na ring magsihulugan ang mga malalaking kahoy dahil sa sunog.

"Hindi pwede... Hindi ako pwedeng umalis. Walang kasama si Julius..." sabi nito.

"Ano bang sinasabi mo?! Patay na si Julius, p're, kaya tara na!" nagpapanic na sigaw ni Kevin. Hawak-hawak na nito ang braso ng kaibigan.

"Kevin, Lyndon, ano pang ginagawa niyo dyan?" hinihingal na tanong ni Mark Joshua. Nagtataka siyang tumingin sa dalawa.

"Si Lyndon ayaw pang umalis." sagot ni Kevin. "P're, tara na!" aya nito kay Lyndon.

"Ayoko... Dito lang ako. Kung gusto niyo, iwan niyo na ako." walang buhay na saad nito habang nanunubig ang mga mata na nakatingin sa bangkay ng namatay na kaklase.

"Pero p're..."

"Sige na... umalis na kayo..."

"Ayoko." madiing sabi ni Mark Joshua. "Kung hindi kita kasama, ayoko na rin."

"Ano?!" gulat na sigaw ni Kevin. "Ano ba kayo? Mga p're naman!"

Tumingin ang dalawa sa kanya. "Sige na, Kevin, umalis ka na. Iligtas mo ang sarili mo. Okay na kami dito." sabi ni Mark Joshua.

Inis na napakamot si Kevin sa kanyang ulo. "Tsk. Bahala nga kayo." At naupo siya sa tabi ng dalawa.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Mark Joshua sa kanya.

"Ano pa ba, eh 'di sasamahan kayo. Nangako tayo, 'di ba? Hanggang kamatayan dapat magkakasama tayo."

"Ang korni natin 'no, mga p're?"

"Sinabi mo pa."

***

"Guys, teka, nasaan si Andrea?" tanong ni Fren.

"Ay shit, baka nadapa na naman 'yon!" sabi ni Elizabeth. "Anong gagawin natin?"

"Babalikan malamang! Tara!" saad ni Lira.

Tumakbo pabalik sila Fren, Francenne, Ivy, Lira, Elizabeth, at Camille sa nag-aapoy na silid. Nakita nila si Andrea sa may bungad na nabagsakan ng kahoy pero buhay pa naman.

"Andrea!" sigaw nila.

"Kumalma ka lang, Andrea. Aalisin ka namin dyan!" paninigurado ni Camille.

"Guys, 'w-wag na... Tumakbo na kayo palayo. Iligtas niyo ang sarili niyo..." paos na bulalas ni Andrea.

"Hindi pwede! Sama-sama tayong aalis dito!" naiiyak na sabi ni Ivy.

Pinagtulungtulungan nila ang pagbuhat sa mabigat na kahoy na nakadagan kay Andrea at naalis naman nila ito.

"Andrea!" pag-iyak nila. Tinulungan nila itong makatayo at tsaka sila nagyakapan.

"Guys..." pag-iyak ni Andrea. "Sabi ko sa inyo, tumakbo na kayo eh..."

"Huy, anong problema? Okay naman ah? Nailigtas ka naman namin?" nagtatakang tanong ni Francenne habang sumisinghot-singhot dahil sa pag-iyak.

Umiling si Andrea. "Hindi... k-kasi..."

Bago pa makapagsalita ang sinuman sa kanila ay sabay-sabay na bumulagta sa lupa ang kanilang mga katawan.

"Tsk. Bubuhayin ko pa sana siya kung hindi lang siya madaldal. Muntik pa sabihin na nandito ako. Hays." umirap si Diomel na lumabas mula sa punong pinagtataguan nito.

Hinipan niya ang kanyang hawak na baril at ngumiti.

"Okay, 28 down, 18 to go!"

+++

29 dead, 20 still alive. :> 3 chapters left, folks at #M49Wakas na! :D

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon