Matt
Hapon na pumasok si Amber. I wanted to ask her why she was absent pero hindi ako makahanap ng tyempo. Para kasi siyang matamlay.
If I were in her place, I would prefer having space and to be given time to think. Besides, nando'n din naman ang mga kaibigan niya.
The day ended nang hindi ko man lang siya nakausap.The ambiance was cooperative as I read 'Atomic Habits' in my room. Payapa at tahimik lang ang paligid habang nakaupo ako sa'king off-white na accent chair. Sa tabing mesa ay nakapatong ang green tea na kakahigop ko lang.
At bigla na lang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Mula do'n ay pumasok si Johnny. Nakasuot siya ng gray na long sleeves at denim pants. Pawisan siya at para bang kagagaling niya lang mag-overspeed dahil hinahabol ng mga pulis.
Tiniklop ko ang hawak na aklat at umupo nang naka-de cuatro.
"Bro, samahan mo naman ako," nakabuntong-hininga niyang ani.
"Palubog na ang araw ah, sa'n naman tayo?" Nakakunot-noo kong tanong.
"Basta. Tara na!" Out of the blue ay hinila niya 'ko sa braso paalis.
"Teka Johnny, hindi ko pa nauubos 'yung tsaa!" Pahabol kong sigaw pero hindi niya 'yun pinakinggan.
Hindi ko na nabigyang pansin pa ang suot kong plain Guitar white shirt at black slacks lang at umangkas na lang sa Honda CRF niya. Nang walang helmet.
Lord, sana hindi pa po ito ang huli kong biyahe.
Pa'no ba naman kasi, kung makabusina pa nga lang 'tong mokong na 'to, para na kaming riding-in-tandem. Kaya ayaw na ayaw kong siya ang nagda-drive eh.
Napapikit akong nakahawak sa likuran at tsaka na lumipad ang kaluluwa ko sa pagpaandar niya.
Maya-maya'y tumigil na kami sa isang eskinita bago ang city kung sa'n nakatira si Johnny.
Ewan ko ba kung bakit nagsayang pa siya ng gasolina para puntahan ako kahit isang oras ang biyahe (na ginawa niya lang halos kalahating oras).
"Why are we here?" Tanong ko sa kaniya na ngayo'y inaayos ang buhok sa salamin ng motor niya.
"Hindi na ba magulo?"
Tumingin ako sa relo na kung 'di dahil sa isang ilaw sa poste ay hindi ko mababasang 7 pm na.
"I can barely see you, Johnny." Napagalaw ako ng ulo.
"Ngayon, dinala mo lang ba'ko rito para tumambay at tanungin kung maayos kang tingnan?" I crossed arms.
Lumapit siya sa'kin. "Bro, we're attending a vigil." Huminga muna s'ya bago dugtungan 'yun.
"Namatay kasi 'yung Nanay ng nililigawan ko." Napakamot siya sa ulo.
Tumango na lang ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa isang hindi kalakihang bahay na nakasementong dingding at walang pintura.
There was quite a crowd of sympathetic people which can be easily guessed as their neighbors.
Humakbang ako kaisa at nabaling ang tingin kay Johnny na ngayon ay parang na-estatwa.
"Huy." Kinalabit ko siya at tsaka napansing nakatuon sa isang banda ang paningin niya. 'Yun ata 'yung nililigawan niya. Isang babaeng hanggang leeg ang medyo may kakulutang buhok. She's a six-footer.
Napatikhim ako. Never saw him paralyzed like this unless nakakakita ng chic na naka-two piece. But right now, he's only staring at one girl on a black printed t-shirt at pedals na ngayo'y may kinakausap.
BINABASA MO ANG
Was Always Yours
Teen Fiction(Under Editing) When Matt Tyu Tan meets Amber Kate Antique, an ideal student in the school he just transferred to and she claims to have met him already years ago, would he remember her? And if not, would he even be able to forget how she makes him...