The Trouble Maker

6 0 0
                                    

Sa isang kilalang eskwelahan sa lugar ng Crux, mayroong isang baguhan na estudyangteng matahimik na nakadungaw sa bintana ng classroom nila habang napapaligiran siya ng mga nagkakagulo niyang mga kaklase.

May nagtatawan dito, nag babatuhan, nag susuntukan, sigawan at iba pa. Nag mumukhang siya lang matino sa klase. Dahil narin sa baguhan siya hindi siya nakikisali sa kung ano man ang nagaganap sa loob ng kanilang classroom. "Ganito ba talaga sila kagulo?" Bulong niya sa sarili sabay buntong hininga.

Hindi pa oras ng klase. Isang oras pa bago ito mag simula.

Napatahimik at napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa nang biglang padabog na bumukas ang pinto. Lahat napatingin sa direksyon na 'yon maliban lang sa lalaking pinag uusapan natin.

"Den?" Pag banggit sa pangalan ng isa sa kaklase niya. Nag simula ang bulungan at pag tsi-tsismisan ng mga tao sa loob ng classroom habang nakatingin sa lalaking tila may hinahanap mahalagang tao at gusto niya itong saktan.

"SINO DITO 'YUNG BAGONG SALTA??!!!! ASAN  SIYA?!!!??!" Pasigaw niyang sabi. Walang sumagot sa tanong niya gawa narin na tila natatakot sa kanya ang mga tao rito. "WALANG SASAGOT SA TANONG KO??!!!" Muli niyang sigaw. Nagulat ang lahat ng bigla niyang bagsakan  ng malakas na suntok ang blackboard sa harap. Sa sobrang lakas tila masisira ito ngunit hindi.

Dahil sa takot ang lahat ng tao sa kanya, napaturo ang lahat sa isang lalaki na nasa sulok ng silid. Ang lalaki ay matahimik na nakadungaw sa bintana at walang pakialam sa kung ano man ang nagaganap sa paligid niya.

"HOY IKAW!!" Sigaw ng nag ngangalang 'Den' base sa sinabi ng isang estudyante kanina. "HOY!!!" Tinawag niya itong muli sabay turo sa lalaki. Ngunit wala paring tugon mula sa lalaking nakadungaw sa bintana. Nag dulot iyon ng bulung-bulungan.

Nag sanhi ito ng sobrang inis at pag kagalit ni Den. Kumuyom ang dalawa nitong kamao at agad na lumapit sa lugar kung saan naka pwesto ang lalaki. Malakas na sinuntok ni Den ang lamesa ng lalaki. Walang karea-reaksyon ang lalaki sa ginawa ni Den. Patuloy lamang siyang nakatulala sa walang hanggan at 'di pinapansin ang lahat.

"Hoy bingi kaba?! Hindi mo ba ako kilala?!" Galit na galit na sigaw ni Den dahil 'di man lang siya binibigyan ng kahit konting atensyon. Kitang kita sa mukha ni Den ang sobrang galit at pag kainis. Ekspresyon na gustong gusto na niya itong saktan at patayin.

Hindi na nakapag timpi si Den at susuntukin na niya ito ngunit nang malapit nang tumama ang kamao niya sa mukha ng lalaki, natigil ito nang biglang pumasok ang teacher nila at sumigaw "DENNIS!!" Napatingin ang lahat sa kanya. "Nag sisimula ka nanaman ba ng gulo dito, Dennis? Ha?!"

"Hi-Hindi po Mister Hades" biglang bait na paliwanag ni Den, tila isa siyang maamong tupa. "Kung gagawa ka lang ng gulo sa klase ko mabuti pa't lumabas ka na lang" mahinahon na mungkahi niya habang nag lalakad papunta sa teacher's table sa harap.

"Ah! Opo ser sige po! Hehehe" sabay kamot ni Den sa ulo. "Hoy ikaw, mamayang uwian sa field, gitna ng eskwelahan, magkita tayo. Subukan mong hindi pumunta, tapos ka sakin" pabulong niyang pag babanta sa lalaki. Siniguro niyang silang dalawa lamang ang makakarinig nun, at lumabas na nga si Den.

Pag labas ni Den saka itinuon ng lalaki ang atensyon niya sa teacher nila na nag sasalita sa hirap. Mag sisimula na ang klase.

PITONG oras na nakakabagot na klase ang lumipas. Inaayos na ng lahat ang kanya-kanya nilang mga gamit ganun din ang lalaking pinag uusapan natin kanina. Sa kalagitnaan  ng pag aayos ng lalaki sa kanyang mga gamit, lumapit sa kanya si Mister Hades. "Kamusta ang unang araw mo?" Tanong niya.

In My HandsWhere stories live. Discover now