rain

22 1 0
                                    

shhhhh..... umuulan nanaman. Ang ganda talaga ng ulan. Ang sarap sa pandinig ng bawat patak nito. Weird siguro akong maituturing dahil gustong-gusto ko ang ulan. Ang sarap tignan.

"miss, wala ka bang payong?" sabi ng lalaking biglang humawak sa braso ko nung hahakbang na ako papunta sa ulan. Tinignan ko lang sya. Kaming dalawa lang dito dahil kanina pa uwian.

"ah eto payong, hati na lang tayo." sabi nya at sinukuban ako ng payong niya.

Maglalakad na sya pero hindi pa rin ako gumagalaw, pinagmamasdan ko pa ang ulan.

Nagulat ako ng bigla nya akong akbayan at naglakad na, "Miss, ok lang. Wag ka na mahiya. Wala naman akong balak na masama."

Nakarating kami sa isang convinience store. Mukhang may bibilhin sya. Nandun lang ako sa loob habang nakatitig pa rin sa ulan. Ang ganda.

"miss, gusto mo rin ba?" tanong nya sakin habang may hawak syang cup noodles, umiling lang ako. Pero nung bumalik sya sa kinauupuan ko dalawa yung hawak nya.

"sige na, ok lang libre ko naman," sabi nya at ngumiti. Kinain naman namin ang noodles na binili nya.

"salamat." sambit ko.

"nagsasalita ka naman pala hahaha" sabi nya ng masaya. Habang tumatawa sya, tinitigan ko lang sya.

"San ka ba tumutuloy, miss?" sabi nya at hinatid ako.

"Salamat kuya noodles," pagpapasalamat ko. Tinawanan naman nya ako.

"hahaha you know what, I like you" sabi nya habang nakatingin sa mata ko.

"okay. Salamat ulit, uwi ka na." sabi ko habang papasok na.

"Chester nga pala." sabi nya, tumango lang ako at sinara na ang pinto.

Hindi pa rin tumitigil ang ulan,

tulad ng pagtibok ng mabilis ng puso ko.

Simon Chester Diaz, ang lalaking gusto ko. Ang lalaking matagal ko nang pinagmamasdan sa malayo. Napakasaya ko.

Just like the rain, bigla na lang dadating.

***

Naglalakad-lakad ako sa open field ng university. There, I saw circle of friends, lovers and heartbroken people, I can tell by just looking at them. Matagal-tagal na rin simula nang makita ko si Simon.

Naupo lang ako sa isang bench and kinuha ko yung cellphone ko. Magssoundtrip.

Don't break my heart, before I give it to you

Don't tell me no, before I ask you to

Don't say it doesn't fit, before you try it on

There's too much to loose to be wrong

And it feels like there something here

But I want to see it before it disappear--

"Hi!"

Nagulat ako dahil nakita ko nanaman ang mukha niya.

"Kuya noodles..." nasabi ko na lang at tinawanan nya ako.

"Chester name ko hahahaha hindi Noodles pft haha" sabi pa nya ng matawa-tawa

"ikaw ba, anong name mo?" sabi nya habang nakangiti.

"Eyn"

"Eyn as in eyn lang?"

"Raine Marie, Eyn ang nickname ko," sambit ko.

"Simon Chester Diaz" habang sinasabi nya yun sinabayan ko sya. "W-Wait, kilala mo ko?" sabi nya na para bang gulat. Tumango lang ako.

"Kilala mo na ako nung umulan o bago pa nung ulan?"

"nung bago palang umulan." hindi ako nakatingin habang nagsasalita, tinitignan ko lang ang paligid.

"anong college ka ba?" tanong nya sakin.

"commerce"

"commerce ka pero kilala mo ko?! ang layo kaya ng building nyo!" sabi nya na di makapaniwala.

tinignan ko sya na nagsasabing 'so?'

"ah hehe sorry oa ako"

***

Simula nang pagkikita namin sa field, palagi na lang nagsasalubong ang landas namin. Kung nasan ako naroroon din sya. Marami syang kaibigan, ipinakilala pa nga nya ako nung nagkita kami bigla sa coffee shop.

Tuwing nagkikita kami may kasunod na ulan. Ang weird lang.

Just like the rain, di mo kayang pigilan ang pagdating nito. Sa pagdating na yun, maaaring may mabago.

Isang araw sobrang busy ko, nalate na ako sa pag-uwi. May naramdaman nanaman akong braso, napangiti ako dahil naalala ko nung una kaming nagkita.

"Ch-- uhh Alexandra," dismayado kong sabi.

"Eyn, si Chester..." sa pagkakasambit nya ng pangalang iyon, parang hindi yata gumanda ang pakiramdam ko. Para bang may mali.

"a-anong nangyari?"

"may tinext sya sakin, ipabasa ko raw sayo" sabi nya at pinakita ang 'text' na iyon.

'Alex, mukhang last na 'to haha. Napansin ko kasing napakalakas ng ulan at itong sinasakyan kong bus ay walang control. Kelangan ko na yata mag paalam pero bago pa yun may hihingiin lang akong favor. Kilala mo pa si Rain? Si Rain na nakita natin sa bookstore noong nagmamakaawa kang mangopya ng assignment hahaha. Basta sabihin mo 'to kay Rain.

Hi Rain! alam mo ba natuwa ako nung makita ulit kita dun sa field? Tinitigan muna kitanun bago lumapit, ang ganda mo. Crush na nga yata kita nung nasa convinience store palang hahaha naalala ko pa yung Kuya noodles hahaha. Nung time na nakilala ka, bigla ako natuwa kay tadhana dahil lagi nya tayong pinagkikita, sorry ah umuulan di kita masusukuban ng payong :( Mag-ingat ka palagi ah. Babantayan kita palagi pagnabangga na itong bus na sinasakyan ko. Mamimiss kita sobra! I like you soooo much! yun lang! Stay safe. Take care. Goodbye.

-SIMON CHESTER DIAZ'

Napaiyak ako pagtapos ko basahin yun. Finorward ko pa nga sa number ko. Di nya ba alam na dahil sa text na yun, bigla akong nakaramdam ng sakit kasi bawat pagkikita namin, lalo akong nahuhulog. Napansin ko yung pinapanood ng guard sa tv.

"Bus nahulog sa bangin. WALANG NATIRANG BUHAY."

Sigurado akong ayun yung bus nya. Ang sakit lang malamang wala na sya.

Parang ulan, pagnagtagal ka maaari kang magkasakit.

Sobrang sakit.

Kung dati'y mahal ko ang ulan. Ngayon nama'y ayaw ko na, takot na ako sa ulan. Ulan ang dahilan kung bakit nadulas ang bus na sinasakyan nya. Sinusumpa ko ang ulan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rain (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon