Bianca's POV
"Hindi na kayo bumabata. Malaki na rin si Calvin."si Oshin. Bumisita kasi kami ni Calvin sa bahay nila.
"Hindi ko alam kung bakit hindi pa ulit kami nabibiyayaan."sagot ko.
"Ano ka ba? Okay lang 'yan. Saka ayaw mo no'n, pwede mo nang ipagkatiwala kay Calvin ang magiging kapatid niya. Pitong taon na siya oh. Binata na."
"Beshy, sana biyayaan na kami ulit."malungkot kong saad.
"Nagpacheck-up ka na ba?"tanong ni Oshin.
"Oo. Ang sabi ng OB, medyo mahihirapan nga daw ako magbuntis. Bukod sa bata ako nagbuntis kay Calvin noon, nakunan din ako."
"Baka nga hindi pa ito ang panahon."
————————————————
Mag-aapat na taon na kaming kasal ni Vincent, pero hindi pa ulit kami nakakabuo. Nasa akin ang problema kaya naman nahihiya na din ako kay Vincent minsan. Lumalaki na si Calvin at hindi na siya 'yung bata na katulad dati ay nalalambing pa namin.
Lumabas ako ng banyo at katulad ng inaasahan nandoon sa kama si Vincent na naghihintay sa resulta ng hawak kong pregnancy test kit.
"Ano? Is it positive this time?"si Vincent.
"Bie....."hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Napaupo na lang ako bigla. "Wala pa din. Pang-ilang beses na ba 'to?"iyak ko.
Niyakap ako ni Vincent at pinakalma. "Okay lang 'yan ha. Makapaghihintay naman tayo, 'di ba?"nakangiting sabi nito sa akin. I hug him tight and say sorry. Alam kong nasa akin ang problema. "No need to sorry, Bie. Kung hindi pa kaloob ni Lord, 'wag natin ipilit."
"Kailan pa Vincent? Ginagawa naman natin lahat ah. Tumigil ako dito sa bahay para hindi mastress. Nagyoyoga session din ako para maging fit ang katawan ko for pregnancy. Pero bakit ganoon?"reklamo ko.
"Hindi tayo susuko okay? 'Wag ka nang umiyak Bie."
—–————————————
Ilang buwan na rin kaming nagpabalik-balik sa OB para magpacheck-up. Nagsayaw ma rin kami sa Obando dahil sa kasabihan ng iba na kapag sumayaw ka dito ay bibiyayaan ka nila ng anak. Marami din kaming nakasabay dito na kagaya namin ang sitwasyon.
Dahil nga tumigil ako sa pagtulong kay Vincent sa kompanya, madalas lang ako sa bahay. Habang nanonood ng Korean Drama, I saw a food na nagpacrave sa panlasa ko. Parang gusto ko ng pancakes. Pero yung plain.
Dahil nakakaramdam ako ng katamaran, iniutos ko na lang sa mga maid ang pagbili ng mga ingredients at pagluluto ng pancakes. Bago pa man maluto ang pancakes ay dumating na ang mag-ama ko. I decided to went to our room para magpalit ng pajama at T-shirt.
Nadatnan ko ang mag-ama na kumakain ng pancakes. And guess what, nilagyan nila ito ng garlic butter. "Hey guys? May pancakes pa ba?"tanong ko. Umupo ako sa tabi ng mag-ama ko.
"Mommy, here." Iniabot ni Calvin ang isang platong may pancakes. Kaya lang naamoy ko at nakita kong may garlic butter ito. "Wala na bang plain na pancakes?"tanong ko sa kanila.
"Yaya! May pancakes pa po ba?"sigaw ko.
Lumapit ang isang sa mga maids. "Mam, pasensya na po. Pero ayan na po lahat."saka itinuro ang nasa glass table.
"Ha?"
"Bie, masarap din naman kahit may garlic butter."si Vincent.
"Ang sama-sama n'yo." Bigla ako nakaramdam ng pagkadismaya. "Bakit ba kasi nilagyan n'yo lahat ng garlic butter?! Napakadadamot n'yo!"
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
Fiction généraleWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...