JENNIE'S POV
Naglalakad na kami ni Jisoo papunta sa kabilang building kung saan nandoon ang room namin. Kakatapos lang namin kumain sa canteen kasama yung nakilala namin kanina. Medyo weird nga lang yung isang babae na name ata is Lisa dahil minsan nahuhuli ko syang nakatingin sakin. Gusto ko sana syang tanungin kung anong problema nya sa muka ko pero hinayaan ko nalang since wala naman akong pakialam pero nung minsan na napatingin ako sa kanya napansin kong maganda sya, bagay sa kanya yung bangs at kulay ng buhok nya ang cool nya tignan.
"Dapat pala kinuha ko yung number ni Rosè para maging friends natin sila" nanghihinayang na sabi ni Jisoo.
"Sus! ang sabihin mo type mo si Rosé kaya gusto mo makuha number nya! tsss umaandar nanaman yang pagka bisexual mo" mapang asar na sabi ko sa kanya, bigla naman sya namula sa sinabi ko.
"Ang ganda kaya nya! Tapos bagay pa sa kanya yung red hair nya at muka pa syang chimpmunk hahaha ang cute" sabi ni Jisoo habang kinikilig sa tabi ko.
"Edi abangan mo mamaya sa gate ng school hingiin mo number" sabi ko at nag rolled eyes sa kanya.
"oo nga nu! haha sige samahan mo ko ah! napansin mo ba kanina na laging tumitingin sayo si Lisa? Feeling ko bes Bisexual din yun, naaamoy kong magkalahi kami" sabi ni Jisoo habang nakatingin sakin at nakangiti.
"oh?! ano naman ngayon?" iritang sabi ko sa kanya.
"baka bet ka nya bes ayyyiiieeee!!" kinikilig na sabi ni Jisoo at ako naman nakataas ang kilay habang nakatingin sa kanya.
"tigilan mo ko chichu ha! alam mong hindi ako bisexual" sabi ko sa kanya pero hindi ko din sure sa sarili ko kung BI ba ko or hindi kasi minsan may nagugustuhan din akong girl pero iniisip ko baka girlcrush lang at hindi na hihigit dun.
"sows! isa palang naman naging jowa mong lalaki hindi pa nag work out😂 wag ka nga pakasigurado dyan baka malaman ko isang araw kayo na ni Lisa hahahaha" mapang asar na sabi ni Jisoo habang tumatawa ng malakas.
"tumigil ka na nga tara na!" sabi ko sa kanya habang namumula ang pisngi dahil sa sinabi nya.
Natapos na ang klase namin ni Jisoo at nandito kami ngayon sa gate. Hinihintay namin yung sundo namin at si Rosè para makuha ni Jisoo yung number nya, pa simple din to minsan ey.
"ayun si Rosè oh! dalian mo na lapitan mo!" pagmamadali kong sabi kay Jisoo habang tinutulak sya.
"oo na! eto na! madaling madali lang te?!" sabi nya.
"Hi Rosè!" sigaw ni Jisoo habang naglalakad si Rosè kasama si Lisa at napatigil silang dalawa.
"Hi Chichu bakit mo ko tinawag?" tanong ni Rosè.
"ahh hihingin ko lang sana yung number nyo para may contact tayong apat, friends naman na tayo diba?" nakangiting sabi ni Jisoo. Aba!? nadamay pa ko sa pag bigay ng number! tsk konti nalang talaga mabibigwasan ko na to!
"ahhh ok sige" nakangiting sabi ni Rose at nagpalitan na kaming apat ng number.
"OK! save! hahaha oh bukas sabay sabay ulit tayo sa canteen ah see you tomorrow guys!!" masayang sabi ni Jisoo habang kumakaway sa dalawa.9
"See you!" sabi naman ni Rose at Lisa habang kumakaway din. Napatingin naman ako kay Lisa at bigla syang ngumiti sakin, "shit ang cute nya! nginitian nya ko!" sabi ng utak ko. Nabigla ako sa naisip ko at napailing, ayyss hindi tama to!
"Oh? ano nangyare sayo? bakit umiiling ka? para kang ineepelepsi dyan?" nakangiting sabi ni Jisoo.
"wala! uwi na ko nandyan na sundo ko bye!" sabi ko sa kanya habang naglalakad palayo.
"Bye! Ppoong!" sabi ni Jisoo sakin. Hayss nakakairita pag sinasabi nya yung poong na yun😑
Nakarating na kami sa mansion at agad akong pumasok sa kwarto ko para magbihis at humiga na sa kama. Naiisip ko padin yung Lisa na yun lalo na yung ngiti nya sakin.
"AAARRRRGGGHHHH!" sigaw ko habang ginugulo yung buhok ko. Hindi ko talaga sya maalis sa utak ko nakakainis!
"Hey Honey what's wrong?" nag aalalang sabi ng mom ko habang kumakatok sa pinto.
"oh mom! nothing! may iniisip lang ako ang hirap kase nung project ko" pagsisinungaling ko kay mom.
"oh? ok! baba ka nalang sa dining if you feel hungry humingi ka ng food kay yaya arrasso?" sabi ni mom.
"yes mom! thankyou!" sabi ko sabay tunog ng phone ko. Nakita kong may nagtext sakin and guess who? si Lisa!!! My ghhhaaad!! Dali dali kong binuksan yung message nya sakin.
*LISA*
"hi Jennie it's me Lisa😊 nakauwi ka na ba? gusto ko lang mag thankyou ulit sa inyo sa pag tanggol sa bestfriend ko kanina tska pwede ko ba kayo i treat sa saturday since wala naman pasok? pa thankyou ko sa inyo, pleasee😊""aahhh ok! see you on saturday."
*Reply**LISA*
"thankyou Nini goodnight☺️"Biglang nag init ang pisngi ko dahil sa tawag nya sakin "binigyan nya ko ng nickname! yeeeeiihhhh!" sabi ng utak ko. Hayyss tumigil ka na nga brain tatanggalin kita sa ulo ko ey!
"ok goodnight Lili"
*REPLY*Napangiti ako sa reply sa kanya dahil binigyan ko din sya ng nickname hahaha parang hindi ako makakatulog ng maayos ngayong gabi. Nag on ako ng sounds sa phone ko para makapag relax ang utak ko at makatulog but i still can't erase my smile on my face hanggang sa di ko namalayan nakatulog na ko.