Jam's POV:
Yes! Mabilis natapos ang Hell Week namin, whooo!!! Nakahinga na rin ako ng maluwag. Ngayon ay nasa airport na ako. Kasama ko ang buong grupo. Hindi na ako sinamahan ni dad dahil I insist na ako na lang at kaya ko."Bro, ingat ka dun 'a" paalala sa akin ni Wyatt. Ngiti na lang ang isinagot ko rito at saka nagyakapang pang lalaki.
"Pagmay time ka bro, wag mo akong kalimutang pasalubungan 'a!" Grabe talaga 'tong si Oliver 'e, hahaha!
"Aray! Ano bang problema mo?" Nakita kong binatukan sya ni Jasper. "Hindi sya magbabakasyon dun at hinding hindi sya mag-shoshopping dun, okay? Kaya tumigil ka dyan" Natawa na lang ako sa kanila dahil napakamot na lang si Oliver sa batok habang nakatingin si Jasper dito ng may inis.
Hahaha! Ang ganda nilang panooring mag-away, hahaha!
"Ingat ka James" Napalingon ako nang magsalita si Delialah. "Uwi agad 'a! Baka kasi..."
Tumingin sya sa likuran nito at napasunod ako ng tingin at nakita ko na si Hadley nga pala ang nasa likod nito. "Baka kasi ano?"
"Mamiss ka nya" dugtong ni Adalyn. Napangiti ako ng onti na hindi mahahalata ng iba. Hindi ko pa rin kasi nakakausap ng maayos si Hadley simula nung nangyari. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya inaaproach o gumagawa ng paraan para magkaayos kami, naguguluhan lang talaga ako sa mga sitwasyon ngayon.
"Nananahimik ako dito 'o! Dinamay nyo na naman ako" inis na sabi ni Hadley.
Lumapit ako kay Hadley. "Don't worry, I'll be back." Nakatingin lang ako ng diretso kay Hadley na iniiwasan ang tingin ko. Wala akong nagawa kundi yakapin sya ng mahigpit.
"Anong gina..."
"I'm sorry" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at niyakap ko na lang sya ng mahigpit. Dapat talaga hindi pa ngayon ko 'to gagawin pero hindi ata kakayanin ng konsensya ko na hindi kami magka-ayos. Maya maya ay naramdaman ko naman ang pagresponde nya sa yakap ko na ikinatuwa ng buong sistema ng katawan ko.
"Just be careful" Napabitaw na lang ako na ngumiti.
"I'll always be" Pagkasabi ko nun ay hinalikan ko sya sa forehead at ngumiti sya. "Ehem ehem"
Nawala ang moment na yun nang may kumontra. "Baka sa sobrang sweetness nyo ay maglaho kami dito"
"Napaka-kj mo talaga minsan Adalyn"
"Wala ka lang jowa 'e!"
"Parang kayo meron 'a!" Yan na lang ang narinig naming mga tarayan ng grupo ni Hadley.
"Bro, bigyan mo naman ako ng powers mo! Lakas ng effect 'e"
"Oo nga! Tulungan mo rin kami Jam, wag unfair"
"Pagbalik nyan mga bro, tutulungan nyan tayo" Yan na lang din ang mga narinig kong banat ng barkada ko.
"Hoy! Ano ba kayo? Wala akong powers, tsaka diskarte lang yan mga tol!" Natawa ako sa sinabi ko habang nagulat ako na poker face lang ang ibiigay nilang ekpresyon sa akin.
"Makasabi ang TORPE!" pang-asar ni Oliver. May diin pa yung "torpe" na word, tsk!
"Kung ako sayo Hadley, ayaw ko ng mga lalaking torpe! Kaya kung walang manliligaw sayo...ako na lang" banat ni Oliver.
Binutakan ko ito para matauhan, sunod naman sina Jasper at Wyatt. "Hoy! Aray! Masakit na 'a!"
"Wag mo na kasing agawin ang may nagmamay-ari na, okay?" sagot ni Jasper.
Maya maya ay naglast call na para sa flight ko.
"Bye guys! See you in a few days!" Kumaway na lang ako sa kanila at naglakad na papalayo.
"Bye Hadley!!" pahabol ko sa kanila na ikinagulat ng lahat. Narinig ko anmang nagkantyawan ang buong grupo na ikinangiti ko.
Nagkaayos na rin kami ni Hadley. Maluwag na ang loob ko na okay na kami. Sana lang walang mangyari sa pag-alis ko.
Hadley's POV:
Nakaalis na si James at nakabalik na rin kami sa tinutuluyan namin, and I was startled nang biglang nagvubrate ang phone ko. Sino na naman kaya 'to? Imposible namang sila Wyatt, 'e kakausap lang namin.From: Unknown Number
Hey! Just wanna ask you if you're busy, and if not...mind you'd call me? Btw its me, Zeigfred (insert smiley face)Psh! Wala ba syang magawa? Pero sabagay...wala rin naman siguro syang mapagkaabalahan.
"Hello?"
"Hey Hadley!"
"Bat ka nagpapatawag?"
"Well I just want to invite you to have a vacation, since its our sembreak"
"Huh?"
"Don't worry nandun si Stan and if you want, you can also invite your friends including James. I also want to apologize to him in person"
Tsk! Nangaasar ba 'to? Ang nega mo talaga Hadley kahit kelan! Makikipagbati lang naman sya kay James 'e, what's wrong with that, right?
"Actually Zeigfred James is not around and I'm not sure if the guys will join. My decision depends on their decision. Well...I'll ask them later and before I forget, I already told them that were okay already."
"Anong sabi nila?"
"Well...they over reacted. Pero pagkatapos kong sabihin sa kanila nung tungkol sa pagbabati natin ay hindi na nila ako kinontra at hindi na sila nanginis" Nakarinig naman ako ng maluwag na hinga sa kabilang linya.
"Well if that's the case...then ask them if they're willing to join. I'll give until Monday to have an answer, is that okay?"
"Uhmm...okay. Pero san ba yung venue?"
"Sa Baguio. May isang hotel na pagmamayari ang mga Ocampo, dun tayo lahat magstastay" Napatango na lang ako. And then I remembered about Jack, walang magaalaga at magaasikaso sa kanya. "Well Zeigfred...I changed my mind na pala. I can't join"
Nakarinig ako ng pause. "Wait, why?"
"Walang magaalaga kay Jack. Remember that I have a little brother"
"Then bring him with you. That's not a problem, at makakapagbonding din kami ng kapatid mo. Nakakamiss na rin yung makulit na yun 'e" I heard a short laugh sa kabilang linya. "Fine! But I'll ask for the guys' decision"
"Yeah I know"
Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Napahiga na lang ako sa kama at napaisip kung paano ko 'to sasabihin sa kanila. I wish they'll accept the offer. Minsan na nga lang din kami makapagbonding outside at walang stress.
"I'll just ask them tomorrow"
Sarah's POV:
Patulog na ako nang may nagtext sa phone ko. Nagulat ako nung si Stan ang nagtext.From: Stan Ocampo
Hey Sarah, sorry for disturbing you especially in this late hour. I just wanna ask you if you wanna join a vacation in Baguio? Para rin makapagrelax at makalayo muna tayo sa stress. Don't worry may hotel kami sa Baguio kaya...no problem. You can invite your friends, just let me know if you'll join. Thanks! Goodnight and Sweet dreams.Vacation? Well...papayag naman siguro ang grupo kung outing yan. Mga gala ang mga yan 'e, but still I'll ask their permission. Majority wins na lang. Excited na ako kung papayag sila! Bukas ko na lang rereplayan si Stan sabay ng decisions ng grupo. Pero may problema ako.
Si Jasper.
Papayag kaya yun? Hayst! Bahala na si Batman! Alam ko namang maiintindihan nya ako at kasama naman sya.
Sorry for the typographical errors, kung meron man :)
Sorry po dahil one chapter lang ang naupdate ko. Busy po kasi sa school works. Isiningit ko na lang 'to para sa inyo😊

BINABASA MO ANG
Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018
Novela JuvenilWelcome to Unique Academy! Dito lahat maguumpisa ang lahat lahat. Friendship, Relationships, Enemies, Rebels and so much more. Kaya nga sya tinawag na "Unique Academy" right? Kasi...Unique ang mga happenings dito. They learn how to be themselves and...