UNANG YUGTO

5 2 0
                                    


Unang kita sayo mahal.
Puso ko'y nabihag ng hindi inaakala!
Sa ngiti na halos hindi malimot.
At sa tawang halos wala ng bukas.

NGITI at TUWA dala sa araw-araw.
Sa hindi inaasahan puso ko'y nabihag.
Ngunit , hindi maamin amin mahal.
Puso ko'y nalulumbay sa iyo.

Ngiti ang hatid sa bawat araw.
Tuwa ang bigay sa araw-araw.
Yan ang aking nadarama aking mahal.
Sana ito'y iyong mapansin?

Masakit isipin na hindi maamin.
Ako'y umiibig na sa iyo mahal.
At sana iyong malaman.
Ang aking nararamdaman.

Masaya ako sapagkat ikaw ang dahilan.
Sa aking pagngiti at pagtawa.
Puso ka'y saya sa bawat nadarama.
At ikaw lang ang kapiling.

(Patawad! Patawad! Ako'y duwag.)

Mahal nais ka mang kapiling.
Ay aking hindi magawa.
Sa araw-araw na nagdadaan.
Takot ang kapalit ng saya.

   SA AKING BUHAY!
IKAW LANG ANG NAIS.
NGUNIT IBA ANG NAIS.
LUNGKOT ANG DALA NITO.

PANGAMBA ang iyong hatid.
Sa aking buhay.
TAKOT ang bigay mo.
Sa pang araw-araw.

Mahal nais kong umamin.
Ngunit , hindi ito magawa.
'Salamat' Nais kong sabihin.
Dahil ika'y dumating sa aking buhay.

Nais ko mang sumuko.
Ngunit hindi ko magawa!
Dahil MAHAL KITA!
Yan ang nagpapahinto saakin.

Sumuko at iwan ka.
Ang unang pumapasok sakin.
Pilitin ko mang gawin.
Hindi ko magawa.

Pero ba't ganon ka'y hirap.
Ka'y hirap ng itago.
Ang aking nadarama.
Para sa iyo Mahal.

Oras ang nalalabi, Ngunit.
Ito'y sinasayang ko lamang.
Sa pagpatak ng araw Mahal.
Ikaw unang pumapasok sa aking isipan.

'PAALAM' nais lumabas sa aking bibig.
Masakit isipin ngunit kailangan tanggapin.
Puso ko'y nawawasak at nalulumbay.
Sa bawat banggit ng PAALAM.

LUNGKOT at IYAK ang kapalit.
Sa pang araw - araw Mahal.
Sa iyong sinabi na...
PAALAM NA AKING KAIBIGAN.

Hindi ko inaakala na ika'y lilisan.
Ka'y bilis ng panahon.
Parang kaylan lang unang ka palang nakita.
At ngayon ika'y papalayo na.

Pasensya ako'y naging duwag.
At hindi naamin ang aking nadarama.
Para sa iyo mahal.
Na ika'y aking mahal.

LUNGKOT at PIGHATI ang syang nadama.
Ng ika'y lumisan sa aking buhay.
Labis ko itong pinagsisihan.
Hindi ko man lang nasabi ang aking nadarama para sayo.

Ang aking huling tanaw mula sayo.
Ika'y papalayo mula saakin.
Iniwan mo akong nagdurusa.
At ito'y pinagsisihan bakit ka pa minahal.

Patawad labis akong nasaktan.
Sa iyong ginawa saakin.
At sa puso kong nalulumbay.
Patawad mahal , Patawad.

Puso ko'y labis na nalumbay.
Sa iyong pag lisan mahal.
Ang makita kang lumalayo mula sakin.
Ay siyang kinaguho ng aking buhay.

Araw/buwan at taon ang nakalipas.
Pinilit ko mang kalimutan ka.
Ngunit ka'y hirap gawin.
Lalo na alalang mong ka'y sarap balikan.

Subalit kahit ito'y mahirap.
Ito'y pinilit kong paring gawin.
Dahil puso ko'y labis na nasaktan.
Sa iyong pag iwan sakin mahal.

At ito'y labis kong ikinalungkot.
Dahil sa pag iwan mo sakin ng biglaan.
Masakit man isipin sapagkat ang nadama ay....
Hindi man Lang namin Sa sandaliang panahon.

(At Sa nakalipas na araw..)

Ako'y tuluyan ng nakalimot.
Sa mga pasakit na iyong ginawa.
At sa pag iwan saakin sa ere.
Sa mga nadaang araw at taon.

Ngunit dumating ang araw na hindi inasahan.
Ika'y biglang bumalik.
At nakatayo saaking harapan.
Iyong sinabi ang aking kinabigla.

At ang iyong sinabi ay....
Na ikaw ay may tinatagong pagtingin mula sakin.
Bakit mo pa sinabi kung huli na ang lahat.
Ngunit bakit mo ito inilihim? At saakin pa.

Patawad kung hindi ko na maari.
Masuklian ang iyong pag ibig.
Dahil ka'y dami nangyari sa loob ng mga dekada.
Aking Dating kaibigan.

Huli na ang lahat para ito'y pagsisihan.
Sa loob ng maraming taon.
Ako'y nagdurusa. Patawad ngunit.
HULI NA ANG LAHAT.

Tama NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon