G

4 0 0
                                    

Napamulat naman ako ng mata ko ng may naramdaman akong nakasandal sa balikat ko

Napabalikwas naman ako ng makita si Eros na nakasandal sa balikat ko, nagising naman siya at tumingin sa akin

"Gising ka na pala"mahinag sabi, napaiwas naman ako ng tingin

"Bakit ka nandito?"tanong ko, tumayo naman siya at hinawakan ang noo ko, napahawak naman ako roon

Cool fever.

"Nilalagnat ka kanina kaya nilagay ko yan sa noo mo"sambit niya sa akin, ngumiti naman siya sa akin

Yang ngiti na yan...

"Bakit mo ba ginagawa toh Eros?"tanong ko, nanatili siyang nakangiti sa akin

"Sinabi ko sa'yo gusto kong tulungan ka"sambit niya, napayuko naman ako—umupo ako sa may upuan dahil medyo nahihilo na rin ako

"Wag mo na akong tulungan Eros kung yun lang ang pakay mo"sambit ko, napakunot naman ang noo niya

"Bakit ano bang gusto mong maging pakay ko?"tanong niya, tumingin naman ako diretsyo sa mata niya

"Gusto kong mahulog ka rin sa akin"

Pagkatapos ko sabihin yun nakaramdam na lamang ako ng pagkahilo

———

Pagkadilat ng mata ko sumalubong sa mukha ko ang mukha ni Eros na nakatingin sa akin

"Hahatid na kita pauwi"sambit niya, napanguso ako

"Pagod na ako"mahinang sambit ko, nakita ko naman ang ngiti niya

"Bakit ka nakangiti?"taning ko

"I saw your cute pouty face again"

Nagbago ang ekspreyon ng mukha ko ng sabihin niya yun, namumula pa ako

"Uuwi na ako"

Akmang aalis ako ng bigla niya akong buhatin sa likod niya kaya napakapit ako sa leeg niya

"Hoy ano ba Eros!"sambit ko nanatili lang siya kaya hinayaan ko na lamang

Gusto ko rin naman

Ng makarating na kami sa bahay ko, ibinaba niya na ako, nagulat ako ng guluhin niya ang buhok ko

Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya

"Tungkol sa sinabi mo kanina..."

"Kasama rin sa pakay ko ang mahulog sa'yo"

———

Nakatitig lamang ako sa kawalan, nakita na ako ni papa kanina pero hindi lamang niya ako inimikan.

Umuulan sa labas, kasabay rin ng pagulan ang pagtibok ng puso kong napakabilis

"Kasama rin sa pakay ko ang mahulog sa'yo"

Nagtalukbong naman ako ng kumot ko, pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko

kinikilig ba ako?

MagnanakawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon