42

589 32 6
                                    

Jenna

Umalis yung buong squad namin ngayon kasama yung Wanna One pero hindi ako sumama, sa bahay nila Patricia at Daniel yata sila ngayon. Dinahilan ko nalang na nilalagnat ako kaya 'di ako makakapunta.

Wala akong mukhang maihaharap sa kanila.

Lalo na kay Jaehwan

Tas kasama pa nila yung Jae Ra na 'yon. Tss.

Kagabi, hindi talaga ako makatulog. Sabi ni Ayhessa hindi pa huli ang lahat para magbago, alam kong hindi pa nga pero hindi ko alam kung paano uumpisahan.

Ang humingi ng tawad kay Jaehwan o ang makipaghiwalay kay Haknyeon?

Sarili ko nakang niloloko ko dito, alam ko namang hindi ako masaya kay Haknyeon, alam ko ring hindi ko siya mahal pero ginawa ko pa rin 'to.

Nagpalamon kasi ako sa maling akala. Akala ko kasi mahal ko pa si Haknyeon, akala ko magiging katulad ulit ng dati kapag nagkabalikan kami.

Kaso, hindi.

Mas lalo lang lumala. Nasaktan ko pa si Jaehwan.

Isa pa 'yan, hindi talaga maalis sa isip ko si Jaehwan. Laging Jaehwan, Jaehwan, Jaehwan. Kaya ayokong humarap sa kanila, lalo na sa kanya. Natatakot kasi ako na baka tama yung hinala ko.

May gusto yata ako kay Jaehwan

**
note: HIIII PROMOTE KO LANG PO YUNG IBA KONG EPISTOLARY HEHEHEHE

ANIME - BAE JINYOUNG EPISTOLARY
ONGNABLE - ONG SEONGWU EPISTOLARY

THANK YOU GUYS LOVE YOU ALL 💛

❝ secret keeper ❞ ➳ k.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon