IKATATLOMPU'T LIMANG KAPITULO

73 7 0
                                    

IKATATLOMPU'T LIMANG KAPITULO

Mabilis na tumatakbo ang mga nakatakas mula sa nasunog na abandonadong silid.

"Sige lang, bilisan niyo ang pagtakbo! Mahahabol ko rin kayo, akala ninyo!" halakhak ni Diomel habang mabilis na naglalakad kasunod nila.

"Argh! 'Pag ako hindi nakapagpigil, papatayin ko 'yan!" badtrip na angil ni France habang tumatakbo.

"Shhh! Kita mo nga 'yung nangyari kay Lyndon nang patayin niya si Julius! Tapos magsasalita ka pa ng ganyan? Tsk!" hinihingal na saway ni Marielle kay France.

"'Wag na kayo magtalo! Bilisan na lang natin sa pagtakbo!" sigaw ni Xian.

"Tangina, si Angelo!" sigaw ni Joshua James.

Napahinto sila nang makita nila ang mga bangkay ni Joanna at ang mga kasama nito. Napatingin sila kay Angelo nang itapat niya sa kanila ang hawak niyang baril.

"Joanna... Leunize... Angelika..." naiiyak na sambit ni Lyka.

"Si ate Karen... Janna... Renalyn... Ronagrace..." tulalang bulalas naman ni Cricel.

"Fran..." napaluhod si Pauline sa sobrang panghihina. Inalalayan naman siya ni JM.

"James Paul..." bulong ni Hope.

"Hayop talaga kayo!" nag-aalab sa galit na sigaw ni Chyarrel.

"Uy, Angelo, anong nangyari sayo? Nabugbog ka ng mga 'to?" patuyang tanong ni Diomel kay Angelo nang makarating ito.

Binalewala ni Angelo ang pang-aasar ng kasama. "Si Julius?"

Agad na napalitan ang ekspresyon sa mukha ng kausap. "Wala na."

Rumehistro ang galit sa mukha ni Angelo. Tinutok nito ang baril kay Chyarrel na pumunta sa harap nila.

"Chyarrel, ano bang ginagawa mo?!" sigaw ni Chanel. "Bumalik ka rito!"

Pero hindi siya pinansin ni Chyarrel at may tapang na hinarap ang mga pumapatay.

"Gusto niyo pumatay, 'di ba? Patayin niyo 'ko, sige!" sigaw nito.

"Chyarrel, tumigil ka!" sigaw ni Chanel habang lumuluha. Pinigilan naman siya nina Quincy at Lyka nang napansin nilang susugod na rin ito.

"Chanel, 'wag ka mag-alala, kami nang bahala sa kanya." Bumaling si Chanel kina Stan Lee at Mark Jayson na tipid na nakangiti sa kanya.

"A-ano?" parang nabibinging tanong nila Lyka.

Ngumiti lang sila Mark Jayson at lumapit sa kinaroroonan ni Chyarrel.

"Tara na." Hinila ng mga lalake ang mga babae paalis doon.

"Anong tara? Paano sila-" naghihisterikal na tanong ni Chanel habang kinakaladkad siya nina JM.

Nagdilim ang mukha ni JM. "Inalay na nila ang sarili nila bilang pain. 'Wag na nating pakialaman ang desisyon nila."

***

"Umalis na ba sila?" mahinang tanong ni Chyarrel kina Mark Jayson.

"Yes, ma'am." biro ni Mark Jayson.

"Ma'am ka dyan. Tss. Sira."

"Oy, tama na landian." pag-awat ni Stan Lee bago pa makasagot si Mark Jayson.

Ngumisi sina Angelo at Diomel. "Akala niyo ba mapipigilan niyo kami? Pagkatapos namin sa inyo, sila naman ang isusunod namin." sabi ni Diomel.

"Huh. 'Yon ay kung hahayaan namin kayo." matapang at may kumpyansang saad ni Chyarrel.

"Ang yabang ah." taas-kilay na sabi ni Angelo.

"At least hindi mamamatay-tao." pambabara ni Stan Lee.

Dumilim ang mukha ng dalawa. Halatang napikon sa mga sinabi ni Stan Lee kahit totoo naman.

"Puro satsat! Simulan na natin!"

Itinapat nina Angelo at Diomel ang kanilang mga baril sa kanila. Nagulat sila nang tumawa si Mark Jayson.

"Mga duwag? Hindi ba kayo marunong makipaglaban ng patas? Tsk." panunuya nito.

Sa sobrang pagkapikon ng dalawa, binato nila ang kanilang mga baril sa kung saan at umismid.

"Oh, ano? Tara. Duwag pala huh." pikon na hamon ni Angelo.

Napangisi si Chyarrel sa katalinuhan at katusuhang taglay ni Mark Jayson. May kwenta rin naman pala ito sa buhay niya.

"Game." sabay na sabi nina Chyarrel, Mark Jayson at Stan Lee.

+++

Happy birthday sa bunso ko! Hi France! :> Miss ka na ni ate. :( Best wishes!

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon