"Yes! Yes! Ye----s"tili ni roxanne sa sala ng bahay.
Sa lakas ng tili niya, napalabas ng kusina ang kanyang ina kung saan abala ito sa pagluluto ng tanghalian.
"Ano bang nangyayari sa'yo Roxanne?Bakit ka sumisigaw?
Nagtataka nitong tanong, may hawak pang sandok habang papalapit sa kanya.
Excited na ipinakita niya sa mama niya ang hawak na cellphone.
"Ma! Nakahuli ako!"masaya niyang sabi.
Lalong kumukunot ang noo nito sa pagtataka.
"Ano'ng nahuli mo?ano ba iyan?
"Nakahuli ako ng pokemon, 'ma! Nahuli ko si pikachuuuu!" Muli siyang tumili dahil sa sobrang tuwa.
Isang linggo palang niya naida-download ang bagong game application na iyon sa cellphone. ang pokemon Go ay isang free to play, a location based augmented reality game. Isang laro na kung saan manghuhuli ng mga pocket monster o mas kilala sa tawag na pokemon na gamit ang GPS at internet connection.
Matagal na niyang inaabangan na magkaroon niyon sa pilipinas dahil noong isang buwan pa nauso iyon sa ibang bansa. At kahit kailan, hindi siya pahuhuli sa uso.
"Yes! Maipagyayabang ko na sa mga bhesties ko na ako ang unang nakahuli kay pikachu", nagtatalon pang tili ni Roxanne. Napahawak siya sa ulo nang biglang siyang tuktukan ng mama.
Maang siyang tumingin dito.
"Aray,'Ma!Ang sakit no'n,ha? Bakit n'yo ginawa iyon?"
Angal niya.
Inirapan siya nito."para kang baliw! Akala ko, natanggap ka na sa trabaho kaya ka masayang masaya riyan. iyon pala, iyang lintik na pokemon go na naman ang pinagkakaabalahan mo,"
Sermon nito."Aba Roxanne Jasmin, ikaw nga'y maghanap hanap ng trabaho nang may magawa kang matino sa buhay mo? Hindi iyang paglalaro sa cellphone ang pinagtutuunan mo ng pansin. Hindi mo ikakayaman iyan, anak." Tumalikod na ang mama niya at bumalik sa kusina.
Roxanne pouted." Noong isang linggo lang ako nawalan ng trabaho. Si mama talaga," iling iling niya bulong.Her name was Roxanne jasmin monteverde, or Roxy for short. Twenty seven years old and a physical therapist.
Noong isang linggo lang siya nawalan ng trabaho dahil nagpunta na sa states ang matandang babae na pasyente niya na halos isang taon di niyang inalagaan sa sakit na stroke.
Siya ang nagturo dito kung paano gumalaw at kumain nang ligtas. Nagaw naman niya ang trabaho nang maayos dahil nakakapaglakad na ang matandang babae bago umalis ng bansa.
Ngayon, naghihintay na lang siya ng tawag sa ospital na pinasahan niya ng resu'me. At habang wala pa siyang trabaho, inaabala niya ang sarili sa paglalaro ng pokemon Go kaysa buruhin ang sarili sa loob ng bahay.
Si Roxanne pa naman ang tipo ng babaeng naghahanap palagi ng thrill, iyong excited palagi sa bagong bagay. Walang lugar ang kalungkutan sa buhay niya. Ang gusto niya, palagi siya, chill lang. Ang katwiran niya, problema na nga, poproblemahin pa ba niya? Natutunan niya ito sa isang mahalagang tao sa buhay niya noon.
In other words, Roxanne was a jolly person. An optimistic one. Hanggang maari, tatawanan lang niya ang mga dumarating na pagsubok sa buhay niya. Hindi siya bibigyan ng pagsubok ng diyos na hindi niya kakayaning i-handle."PAANO ba iyan? Gaya ng usapan, kailangab mo akong ilibre dahil ako ang unang nakahuli kay pikachu,"
Malapad na ngiting sabi ni Roxanne sa matalik na kaibigang si michelene.
"Oo na! May isang salita ako,"nakasimangot na sabi ni mich.
"O-order na lang ako sa pizza para makakain din kami." Inabot nito ang telepono sa tabi at tumawag sa isang pizza parlor.
Naiiling na pumayag na lang si Roxanne katulad niya, mabilis,na nahumaling sa larong Pokemon Go ang kaibigan at ito ang madalas niyang katunggali sa laro.
Nag-uunahan silang makakumpleto ng mga pokemon master.
"Kainis! Mahuhuli ko na sana si pikachu kanina pero may isang nakakainis na lalaking umaagaw sa kanya. Bad trip!" Nasa tono ni mich ang panggigigil. "Kapag nakita ko uli ang lalaking yun, titiyakin kong hindi magiging maganda ang araw niya. Maghihiganti ako!" Gigil na pinalo pa ni mitch ang binti ng nakahigang so eris.
"Aray ko naman! Huwag mo sa akin ibaling ang galit mo sa lalaking iyon,"
Reklamo ni eris na bumangon sa mahabang sofa at isinara ang librong binabasa.
Naroon sila sa bahay nina eris dahil hindi nila mapipilit ang kaibigan na lumabas ng bahay para magpunta sa mall. Kabilang si eris sa team bahay at literal na taong bahay dahil introvert at walang social life.
They were best friends since high school. Nagkahiwalay man sila ng punasukang university noon sa college, hindi magiging hadlang iyon para mawala ang matibay nilang samahan.
"Sorry, beh," hinging paumanhin ni mich.
"Nakakainis kasi siya,eh! Hayun kasi, mahuhuli ko na si pikachu,'tapos, bigla siyang sumulpot sa kung saan at inagaw ang pokemon ko".
Natatawa Na lang si roxanne habang nakikinig sa sentimyento ng kaibigan. Kaya pala hindi maipinta ang mukha ni mich nang makita niya kanina.
"Hay naku,wala akong hilig sa mag ganyang bagay. magbabasa nalang ako maghapon ng librong gusto ko kaysa mainitan sa labas habang nanghuhuli ng pokemon o kaya katulad mo na handang maki pag-away,"sabi ni eris at tumayo."magpapatimpla lang ako ng juice kay manang Cora.doon nalang tayo sa garden lawn magkuwentuhan at pleas lang, change topic na tayo. Ayokong pag-usapan ang pokemon na iyan,"iiling-iling nitong sabi at naglakad patungo dining area.
Nagkatingina naman si roxanne at mich, at sabay sabing,
"Ang KJ."
Hindi nagtagal, dumating na nag in- order nilang pizza.
"Ang sarap talaga ng libre",bulalas ni roxannw habang ngumunguya.
"Sa susunod, ako naman ang nagsasabi niyan,"ani ni mich
Tinatawan lang ni roxanne ang kaibigan na madalas niyang natatalo sa pustahan.
"Teka, maiba tayo. Wala ka parin bang trabaho hanggang ngayon, Roxy?"tanong ni eris at ibinaba ang baso ng juice sa mesa
Umiling si roxanne."wala pang tumatawag sa akin. Naghihintay lang ako. but for now, I'm enjoying my free time with you, bhesties. At ine-enjoy ko rin itong bagong laro ko."tiningnan niya ang cellphone na nakapatong sa mesa at sinulyapan ang pokemonna hinihintay niyang mag-evolve.
Iiling-iling lng na kumagat ng pizza ni eris,alam na mapupunta na naman ang usapan sa kinababaliwan nilang laro ni michelene.
"Oo nga,"sang ayon ni Roxanne. "Minsan naman sumubok ka ng bagong bagay sa buhay mo, hindi iyang pocketbook ang palagi mong hawak mo."
Umismid si eris."huwag ninyo ngang pakialaman ang pagiging adik ko sa pocketbook.dito ako masaya," katwiran nito.
"Pinapaasa kalang naman ng romance pocketbook na iyan, eh.tignan mo,taas-taas na ng standard mo pagdating sa lalaki.pati buhay mo naaapektuhan. Wala ka nang social life.paano,binuburo mo ang sarili mo dito sa loob ng bahay at nagbabasa lang ng libro,"iiling-iling na sabi ni mich.
"Bakit?makakahanap ba ako ng forever diyan sa Pokemon Go na iyan?"nakaismid na sagot ni eris.
Nagkatinginan sila ni mich.
"Bakit?Makakahanap ka rin ba ng forever diyan sa pocketbook?" Balik-tanong ni Roxanne. "Hindi,'di ba? Hindi ka kasi lumalabas ng bahay. Look at you, para ka nang bampira, hindi ka naarawan." Bukod sa pagkahilig sa pagbabasa ng pocketbook, isa ring "Precious-Hope"
Si eris. Nagsususulat ito sa gabi at dakilang mambabasa naman sa araw.
"Saka na ako maglalaro ng pokemon go na iyan kapag isa sa inyo nagka-boyfriend,"sabi ni eris.
Nagkatinginan uli sina Roxanne at mich. Mukhang malabong mangyari iyon dahil wala sa kanila ang may boyfriend.
Minsan nang nagka-boyfriend si Roxanne pero sadyang hindi sila itinadhanasa isa't isa. Sinubok sila ng maykapal at nawala ang boyfriend niya. Pero hindi niya isinasara ang kanyang puso. Sadyang hindi pa lang uli tumitibok. Titiyakin niyang titibok
Lang iyon sa lalaking karapat-dapat na lalaki.
Si michelene ay NBSB, or no boyfriend since birth. Wala paring nagpapatibok sa puso nito tulad ni eris.
Iyon nga lang,mas matigas ang puso ni michelene kaysa kay eris.
May pusong bato kasi kaya madalas na nakakatagpo ng lalaking kaaway kaysa lalaking mamahalin.
"Malay mo naman, makilala ni Roxy ang forever niya sa paglalaro ng Pokemon Go." Komento ni mich.
Inirapan ni Roxanne ang kaibigan."Hindi na, Uy! Mas gusto kong i-enjoy ang sarili ko ng paghahanap ng pokemon kaysa hanapin ang forever ko." Tatlong taon na rin mula nang mawala ang boyfriend niya kaya matagal na siyang naka-move on. pero aaminin niyang napakahirap nang mga sandaling iyon. Halos hindi niya makayanan.Pero iniisip nalang niyang mas magiging masaya ang dating boyfriend kung magpapatuloy siya sa buhay kahit wala ito sa tabi niya
"Sa nabasa ko sa news feed sa fb, habang tumatagal daw, wala nang thrill ang paglalaro ng pokemon go samantalang ang ka-forever mo, forever daw ang may thrill."Ani ni eris.
Umiling si Roxanne. "Okay,fine. Masayang laruin ang pokemon Go.
Parang relasyon, sa umpisa lang masaya,"Katwiran niya.
"Humuhugot ka na naman, beh. Gaano kalalim iyang pinaghuhugutan mo?" Tanong ni eris
"Malalim, beh. Hindi mo maaarok."pakikisakay ni Roxanne
Nagtawanan na nalang silang magkakaibiganat ipinagpatuloy ang pagkain ng pizza.
ALAS-OTSO na nang gabi nang magpasyang umuwi nina Roxanne at michelene. nagkahiwalay rin sila sa daan nang makarating sa isang kanto.
"Bye! Mag-iingat ka!" Nakangiting paalam ni roxanne sa kaibigan.
"Ikaw rin!"ani ni mich habang hawak parin ang cellphone nya.
"baka magkabanggan uli kayo ni pichaku guy,ha.ingat!" Tudyo niya.
"Bye na nga!"
"Bye."
Naglakad palabas ng subdivision si roxanne.
Tumingala siya sa langit at humanga sa ganda ng kulay at hugis ng buwan. Bilog na bilog iyon at pulang-pula.
Hindi siya lunatic pero may kakaibang ganda ang buwan nang sandaling iyon na bumighani sa mga mata niya.
Biglang naalala ni Roxanne ang dating boyfriend na mahilig mag-stargazing. Madalas siyang isama nito noon ng kung saan-saang matataas na lugar para pagmasdan lang ang buwan at mga bituin sa langit.
"Nami-miss na din kita,Angelo,"mapait niyang bulong at bumuntong hininga. Kahit wala na sa buhayniya ang dating boyfriend, madalas pa rin niya itong maalala.
Ang Sabi niya nga, "Memories never- Fade," lalo pa at sa taong minamahal niya noon.
Tumigil saglit si roxanne parang mapagmasdan pang lalo ang buwan. Hindi naman siya nag-aalala sa paligid dahil ligtas sa subdivision na iyon, walang makakapasok na masamang-loob dahil sa gate pa lang ay haharangin na ang mga ito ng security guards na naka-duty.
Hindi alam ni roxanne kung bakit kinuha niya ang cellphone at kinuhan ng litrato ang magandang buwan.
May maipo-post tuloy siya sa FB mamaya pag uwi.
Ngumiti siya nang makita ang litrato; It was Really Beautiful.
Kumunot ang noo ni roxanne nang mag-blink ang phone. Umawang ang bibig niya nang makitang nagbigay ng impormasyon ang pokemon go na mayroong pocket monster sa malapit."Nearby Pokemon, anong pokemon kaya?"pagkausap niya sa sarili habang nakatutokang tingin sa gadget.
Nanlaki ang mata niya nang makitang isang jiggly puff ang nasa malapit lang. Sa pagkakaalam niya wala pang ganoon pokemon si mich.
Biglang siyang na excite at hinanap ang eksaktong lugar mula sa GPS ang kinaroroonan ng pokemon.
"This is exciting! Mukhang mananalo na naman ako kay mich," tuwang-tuwa niyang sabi habang naglalakad.
Ilang hakbang lang pala ay naroon na si roxanne sa eksaktong lugar na kinaroroonan ng huhulihing pokemon. Nag-angat siya ng tingin at nakitang mukhang haunted house pa yata ang kinaroonan ni jiggly puff.
Napakalaki ng bahay pero walang kailaw-ilaw. Poste ng ilaw sa kalye lang yata ang nagsisilbing liwanag sa loobng bahay.
Sunod-sunod siyang napalunok, atras-abante sa kinatatayuan. Itutuloy ba niya ang panghuhuli o uuwi na lang? Pero hindi siya makakatulog, hindi mapapakali kung hindi niya mahuhuli ang pokemon." Hindi naman totoo ang multo," pagpapalakas niya ng loob."walang multo, Gawa-gawa lang ng tao iyon."
Pinuno muna ni Roxanne ng hangin ang baga bago umabante. Dahan-Dahan siyang naglalakad papunta sa gate, bahagya iyonh itinulak. Sa gulat niya, hindi nakalock iyon. Bakit ang suwerte ko? Abandona na siguro ang bahay. Sayang, napakalaki pa naman at maganda ang disenyo.
Tuloy-tuloy na naglalakad si roxanne sa malawak na bakuran, nagsilbing liwanag ang flashlight ng cellphone para makita niyang dinaraanan. Hanggang sa makarating siya sa malaking fountain. Naroon si jiggly puff, parang kumakanta pa sa harap niya. "Wait For me. I will catch you," she said with a smile on her lips.
Handa na siyang hulihin ang cute ng pokemon at babato na lang ang pokemon nang biglang------
"Who are you?" A baritone voice said from behind her...........