Ibang Characters naman muna.
---------
Kristine's POV
" Hoy Kristine! Bilisan mo nga dyan! Kung makakilos ka sobra ka pa sa pagong. Napakabagal! Hayss." sermon sakin ng bestfriend kong si Therese. Makapagsalita naman.
Kasalukuyan kaming nasa classroom kasi nag-aayos kami ng mga gamit namin. Recess na kasi.
" Opo. Etoh na po madam. Happy?" sarcastic kong sagot sa kanya habang naglalakad na.
" Yeah whatever! Nga pala. Si Era? Hindi ba siya sasama saten?"
" Diba sabi niya mauuna na siya sa canteen? Kaya malamang nandun na siya." sagot ko
Ay BTW guys. Nakalimutan kong magpakilala. Hehe. I'm Kristine Lopez nga pala. And itong kasama ko ngayon ang one of my bestfriends ko. Si Therese. At ang isa ko ring bf (bestfriend) ay si Era. Kahit madalas kaming nagbabangayan na tatlo, hindi parin nawawala ang pagkakaibigan namin.
" Kristine ano ba?! Kanina ka pa nakatulala. Look. Muntik mo nang makabangga si Hazel." sambit ni Therese at umirap pa saken. Muntik ko na daw makabangga si Hazel, kaklase namin.
" Next Time kasi, wag kang tutulala-tulala." tapos nauna na siyang maglakad.
Nagtataray nanaman tong si Therese. Hayaan niyo na. Ganyan talaga yan.
Pumunta na kami sa cafeteria para kumain.
" Oh mga bess. Look oh, umorder na ako ng fave na-" hindi na natuloy ni Era ang sasabihin niya kasi biglang nagsalita si Therese.
" Umm, di muna ako sasabay na kumain sa inyo. I have something to do. Bye." medyo malungkot niyang sabi at kinuha na niya ang bag niya at umalis.
" Anyare kay Therese? Is there something wrong?" siguro nga nagalit talaga siya kanina.
" Ahh-Uhmm... M-may pinapagawa siguro s-si maam sa kanya." tumango nalang si Era sa pagsisinungaling ko. Kumain na kami.
" Uy, Kristine. Narinig mo ba yung mga sabi-sabi about sa library?" tanong niya habang sinusubo ang pagkain.
" Sus. Naniniwala ka don?" sambit ko.
" May sinabi ba akong naniniwala ako? Hello. Nagtatanong ako kung narinig mo na yung mga sabi sabi about sa library. Duh!" at umirap pa siya. Nagpeace sign nalang ako.
" Hayaan mo na yun. Di naman pala totoo eh. At isa pa, To see is to believe kaya kung makita ko man o maramdaman na may kakaiba dun eh malamang maniniwala ako." pagpapaliwanag ko.
" Eh kung pumunta kaya tayo dun?!" aya niya.
" Wag na. Waste of time lang yan. Eh wala naman tayong makikita dun eh" sabi ko at sinubo ang ice cream
" Hindi daw natatakot."
" Eh hindi naman tala-"
" Pakipot ka pa. Eh nirarason mo lng na waste of time, pero ang totoo natatakot ka. Oh Come on Kristine, don't be a fool." sabi niya saken. Ang totoo kasi, nakaramdam ako ng kaba nang ayain niya akong pumunta dun, kaya sinabi ko na waste of time lng.
" Ok.Ok. I'm afraid na."
" Aamin din naman pala. Alam mo, tinetest lng nman kita kung matatakutin ka o hindi."sabi niya.
What if kung pumunta kaya kami talaga dun? May makikita ba kaming something different? Wala naman diba? Siguro.
Pagkatapos ng break namin bumalik na kami ni Era sa classroom.
Pero bago kami pumunta dun, nadaanan namin yung way papuntang library.
" I can feel something. Tara?"
" Wait. Era, don't tell me na pupunta tayo sa library?" tanong ko.
" Yes." sagot nya.
" Fine. Basta ikaw lng papasok ha?" hindi na sya sumagot at hinila nalang ako.
Nang makarating kami sa library,totoo nga sinasabi nila, nakakakilabot.
Dahan-dahang inikot ni Era ang doorknob.
At pumasok kami.
" See? Wala namang kakaib---"
" Kristine, tingnan mo. May mirror." tinuro niya yung mirror na sinasabi niya.
"Ang creepy naman tingnan ng mirror na yan." sabi ko.
Dahan-dahang lumapit si Era sa mirror este pati rin pala ako.
" Era wag mo ngang hawakan yang mirror na yan!" sigaw ko nang hahawakan niya sana yung creepy mirror. Pero si Era parang wala lang siyang narinig. Instead, I grab her arm nalang.
" Era, sabi nang wag mong hahawakan diba?! Bingi ka ba o tanga?! Paano kung may sa maligno pala yang salamin na yan, ha?!" And again parang wala lang siyang naririnig at nakatingin sa kung saan at nakatulala sya.
" Era!" sabi ko at inaalog sya.
" S-s-sa li-li-kod m-mo." utal nyang sabi at tinuro ang sinasabi nya. Lumingon naman ako pero wala akong nakita.
" Anong sa likod ko? Malamang mga libro! OMG! Era. What's happen-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.
" T-tumingin ka sa salamin at makikita mo." sabi nya sakin. Weird.
" Ano ba?!" kunot noo kong tanong sa kanya.
" Basta! Tumingin ka nalang!" sigaw nya. Kaya kahit weird tong gagawin ko eh tumingin nalang ako. Laking gulat ko nang may nakita akong babaeng nakangisi saken. Duguan at nakasuot ng school uniform namen pero punit punit na! At meron rin syang nametag pero hindi ko na mabasa ang pangalan nya dahil natatabunan na ito ng dugo!
Lumingon ako pero wala akong nakita kundi ang mga libro na nakalagay sa book shelves. Tumingon ulit ako sa salamin at nandyan ulit sya, pero this time lumapit sya nang kakaunti kung nasaan ako nakatayo.
" Who are you?! Get Lost!!" sigaw ko. Lumingon ulit ako pero nawala nanaman sya. At kinakabahan akong tumingin sa salamin.
Nasa tabi ko na sya!!!
" AHHHHHH!!!!!" sigaw ko.
Naramdaman kong parang may sumasakal saken. Pero wala naman.
" Magpakita ka saken! Sino ka ba ha?! N-na *cough sa-sa *cough k-kal *cough -a-ako." sabi ko. Pero teka asan ba si Era? Tiningnan ko at wala na pala sya. Walang hiya ka Era! Pagbabayaran mo na iniwan mo ako dito!
Hinigpitan niya pa ang pagsakal saken at tuluyan nang nandilim ang paningin ko.
--------
Ang haba. xD (Para Saken, mahaba na to) Atleast nakabawi ako. Hehehe. Vote and comment kayo guys. Pweaassse! *puppy eyes xD
BINABASA MO ANG
The Haunted Library
Mystery / ThrillerGugustuhin mo pa bang magpunta sa library kung buhay mo ang nakataya? Hope u like it!