"Anak gising na! Tang ina mo tanghali na!", pasigaw na sabi ng nanay ko kahit kalmado sya. "Alas sais na o, pasukan na ngayon. Bumangon kana.", dagdag ulit nya.
Dahan dahan akong bumangon.Dahan dahan ding kumain at uminom ng kapeng ubos na ng maalala kong diko pa pala hinahalo kaya matabang. Makupad akong kumikilos na tila bawat kilos ko ay kinabukasan na matatapos. Ultimo nga pagligo ko e inabot ng kalahating oras na dati e wala pang kalahati ng kalahating oras kung gawin ko.
Nakabihis na ko ng biglang lumapit si nanay, dala ang isang pakete ng hair wax. "O ayan. Ilagay mo sa buhok mo ng magkastyle at gumwapo ka naman.", mahinahon na sabi nya na para bang pinapalubag ang loob ko matapos nya kong i-enroll sa eskwelahan na kailanman ay diko pinangarap na pasukan. Pero dahil nakaenroll na ko e wala na kong nagawa kundi ang pumasok. "Tae" na lang ang huling nasabi ko bago ko pumasok -- isang indikasyon na wala sa loob ko ang pagpasok sa bagong paaralan.
Malapit sa tabing dagat ang paaralan na papasukan ko ngayon na isang mabahong amoy ang umaalingasaw sa tuwing mahangin na dimo alam kung sa katabing tuyuan o sa pinagsama samang hininga ng mga teacher at estudyante ba nagmula. Ewan ko ba. Basta mabaho. Yung tipong mapapamura ka sa sobrang baho.
Pagpasok ko sa gate ng school, bigla akong nakadama ng konting kaba. Nagdadalawang isip na lang akong lumapit sa covered court ng eskwelahan. Isang pangit na teacher ang nagsasalita sa stage ( diko na maalala yung pangalan , basta pangit sya ). Taimtim akong nakinig sa mga sinabi nung pangit na titser hanggang marinig kong tinawag nya yung pangalan ko, "Geronimo, Rudie. I-F, Technical Building."
Tahimik akong pumila sa tapat ng room namin kasama ang iba pang estudyante na kabilang din sa seksyon na yon. Sinasabi ko sayo, kung ikaw yung nasa sitwasyon ko nung araw na yon, siguradong mas gugustuhin mo pang umuwi na lang o kaya man e mautot na lang kesa tumawa ng tumawa dahil sa mga nakikita mo. Imba yung mga kaklase ko, pakiramdam ko daig ko pa yung nag-aaral sa Monster Academy. May mukang sunog na parilya, asong may asthma, chinitong palaka, at marami pang iba. Aaminin ko, hindi ako kagwapuhan pero alam ko lamang ako ng ilang paligo sa kanila.
Pinapasok na kami sa kwarto. Tahimik ang buong klase. Lumabas si sir. Wala pa ring nagsasalita. Tila mga kuliglig na nakikiramdam yung mga kaklase ko. Napasimangot na lang ako sa sobrang pagkabato dahil hindi ganoong uri ng klase ang kinalakihan ko nung elementary. Wala kong kakilala kahit isa man lang sa mga kaklase ko. Nagpasiya na kong pairalin ang pagiging loner ko nung panahon na yun. Pero teka, sino tong kausap ni sir? Aba! Pinsan ko pala! Huli nang nagpaenroll naging kaklase ko pa! Haha. Bigla kong nabuhayan ng loob sabay kalampag sa lamesa naming kahoy. Salamat sa Diyos.
Dahil Geronimo ang apelyido ko at Lorrano naman ang sa pinsan ko, di kami nagkalayo ng upuan.
"Kingina ka. Late ka nanaman siguro nagpa-enroll no?"
"Oo. Tinamad kasi ako e. Haha."
"Tamad ka naman talaga e. Kelan kaba sinipag."
"Kahapon. Haha."
"Paano mo naman nasabing masipag ka?"
"Tumae ako tas di na ko nagpahugas kay mama. Haha!" "Ulul! Haha!" malakas na tawa ko sabay batok sa kanya.
"Tignan mo yun. Kamuka ni Noddy na cartoons dati. Haha." tuwang-tuwang sabi nya habang nakaturo sa kaklase naming may kalakihan ang namumulang ilong.
"Tangnanto. Sama talaga ng ugali. Haha."
"Totoo naman e. Haha. Kamuka nya nga si Ma'am Corazon matapos makain yung clay na hinagis ko sa hinihigop nyang lugaw e. Haha." malupit nyang tawa.
BINABASA MO ANG
High School Pandemonium
Teen FictionPara sa mga kabataang pumapasok na estudyante at lumalabas na mandirigma, sa mga gurong pinatanda ng panahon na pinalala pa ng kunsomisyon, para kay finn at jake, at para sa inyong lahat. -gallanoromantico©