Kaming Dalawa

8 0 0
                                    

Together...
We fall
We grow up
We fight
We reconcile
We cry
We laugh
We hate
We love
We also kiss
As we are best friends.
And this is OUR story.
****
"Veero, kailangan kita! Punta ka dito sa kwarto ko", sigaw ko mula sa bintana ko matapos kong balibagin yung bintana niya na katapat lang ng sa'kin.

" Sandali! 'Di ko pa tapos yung pinapanood ko!"

"Hayp ka! Inuuna mo pang manood ng porn kaysa sa'kin!"

"Oo na! Ayan na!"

Alas-7 palang ng gabi porn na pinapanood ni loko. Makita nanaman siya ng kakambal niyang conservative. Hahaha

"Ano ba 'yon?" Bungad niya sa'kin at pabalibag na sinara ang pintuan ng kwarto ko. Wala siyang pantaas at gulo gulo pa ang buhok niya. Yung zipper nga nang shorts niya nakabukas pa.

"Ano ba 'yan? Yung zipper mo bukas."
Tiningnan lang niya ito at sinara sa harapan ko. Tumalikod naman ako sa kanya.

"'Yung dress ko 'di ko masara sa likod."

"Takte, ito lang pala ipapagawa mo sa'kin."
Matapos niyang isara ay binalibag na niya ang sarili sa kama ko.

"Saan punta mo?"

"Sa debut ng kapatid ni Sean."

"'Yung lalaki ba na parang aso mo?"
"Loko, makaaso ka naman. Maganda na ba ako?"
Habang umiikot pang tanong ko sa kanya.

"Hahaha. Oo na, maganda ka na. Alis na."

"Hatid mo ko..."

"Ayoko..."

"Sige na, ako gagawa ng asignment mo."

"Anong assignment?"

"Hmm, surveying!"

"Ok. Tara na." Tumayo na siya at kinamay nalang ang buhok niya.

"May T-shirt ka diyan sa drawer ko. Suot mo na dali. Tara na."

Hiniram na ni Veero ang sasakyan ni Tito. Sa daan nagkakantahan lang kami kasi naman traffick. Lagi nalang, oo. 'Di na natapos 'yang mga daan na 'yan.
8:10 na ng makarating kami sa venue.

"May pa-hotel pa, ha? Mayaman, pala 'yong aso mo. Hahaha"

"Malay ko ba, sige na. Bye na."

"Susunduin ka ba?"

"Hindi na. I love you."

"I love you too..." Tapos nag-kiss na kami sa lips at lumabas na ako sa sasakyan.

---
"Avee, buti nakadating ka? Tara."
Inaya niya na ako sa table. Tatlong buwan na akong nililigawan nitong si Sean. Isa siya sa pinakamabait na lalaking nakilala ko.

"Ang ganda mo..." Nakangiti niyang puri sa kanya. Ngumiti nalang ako sa kanya. Kuwari shy type. Hahaha

"Nagugutom ka na ba?"

"Medyo."
Lumipas ang dalawang oras at 'di na nga niya pinansin ang debut ng kapatid niya. Nilahad niya ang kanyang kamay na tinanggal ko naman at sumayaw na kami, ang slow nga ng music.

"Hindi kaba-bored?"

"Hindi naman. Ansaya mo ngang kasama. "
Napangiti nalang siya sa sinabi ko. Parang flirt bang pakinggan? Haha. Bigla siyang sumeryoso at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Avee, sa 3 months na panliligaw ko sayo..."

Bago pa niya tapusin ang mga sasabihin niya ay niyakap ko nalang siya at nagpaliwanag na agad sa kanya.

"Sean, si Veero mahal ko siya. Pag naging tayo mahal ko pa rin siya. Gagawin pa rin namin yung ginagawa namin.  Sinasabi ko na agad kasi ayokong maging misunderstanding pa."

Niyakap nalang din niya ako.

"Oo naman. Alam ko simula sanggol kayo. Hindi na kayo mapaghiwalay. Tsaka hindi ako seloso, alam ko namang magkaibigan lang kayo."

Mas humigpit pa ang yakap niya ng sinabi ko ang sagot ko sa kanya
---
"Salamat sa paghatid, Sean. Ingat."
---
Veero POV
"A! 'Yong ilaw patayin mo!"
Sigaw ko kay Avee na kinikiligkilig pang nagtatanggal ng make-up. Landi talaga, oo.

"Ba't kasi nandito ka? Haha"

"Nauna ko dito. Kanina pa ko dito simula noong umalis ka, dito ko matutulog."
Kinuha ko nalang yung unan niya tapos tinakip sa mukha ko.

"Sorry na."
Pinatay na niya yung ilaw at tumabi saking humiga. Maya maya tumatawa nanaman.

"Kwento ko na sayo, Vee. Dali gising ka"

"Bukas na, gigising pa tayo mamayang madaling araw at may quiz daw pala bukas."

"Quiz?! Anng subject?"

"Integral"
Sinipa-sipa niya yung paa niya. Tatke mawawala ang antok ko sa lagay na ito.

"Huwahhhh. Veero!"

"Tulog na! Gigisingin nalang kita mamaya." Magkaharap na kami ngayon at hinawakan ko na mukha niya para pumirmi siya.

"Hmf! Good Night"

"Good night."
Hinalikan na niya ako...sa cheeks. Ahhh, sinagot na niya si Sean. Kaya naman, tumayo na ako at hindi na tumabi sa kanya sa pagtulog.

Kung naaalala mo pa ako, sana kalimutan mo na ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon