Not Your Ordinary Love Story

97 5 4
                                    

Note: Lahat ng tauhan at pangyayari ay kathang isip lamang ng author.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

*Hays, paano ko ba uumpisahang ligawan si Zarina?* sabi ni Ronell sa sarili. Matagal nang may pagtingin si Ronell kay Zarina mula noong nasa highschool. Isang ideya ang pumasok sa isip niya noong gabing iyon.

(SMS fr. Ronell)

*uhm, Zarina... pwd pasama mag-interview sa circle?*

*Owkie, wat tym bua???* reply ni Zarina.

*3pm, pra 2 s thesis q*

*cgeh, teka kelan b?*

*Sunday, ipapasa q n kc s mondae ii*

*Ah, s isang araw n pla*

*Ay, kung busy k ok lng*

*Hindi ok lng.*

*Cgue, 3pm Sunday aa.*

*Cge. :) *

"Aysus, interview daw? gusto nya lang ako makasama eh." sabi ni Zarina sa sarili.

"Josie." sigaw ni Zarina.

"Ano?" sagot ni Josielyn.

"Niyaya ako ni Ronell lumabas!"

"Wow nice, natupad na pangarap mo."

"Oo nga eh. Thank you Lord. Thank you . pero anung gagawin ko, first time ko palang lalabas na may kasamang lalaki?"

"Basta hayaan mu lang siya na magdala ng date nyo."

"Kinakabahan ako, samahan mo nalang ako." pakiusap ni Zarina.

"Ano yon? date nyo tapos kasama ako?"

"Hindi! dun ka lang sa matatanaw ko hindi ka naman niya kilala eh. O kaya, isama mo si Joe para may kausap ka."

"Oo nga no sige itetext ko siya."

Maya-maya ay nagreply si Joe. Pumayag si Joe sa gusto nilang mangyari dahil hindi nila alam na may pagtingin si Joe kay Josielyn.

Samatala sa bahay ni Ronell...

"Yesssss!!!!" napahiyaw si Ronell sa sobrang saya dahil kumagat si Zarina sa plano niya. Sadyang torpe si Ronell kaya ganito ang naisip niyang plano upang mayaya si Zarina na lumabas.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dumating ang araw ng linggo at 1pm palang ay nasa QCMC na si Ronell. Sinadya niyang maging maaga para magkunwaring tapos na siya mag-interview.

Smantala sa bahay ni Zarina...

"Basta dun lang kami malapit sa matatanaw mo." payo ni Josielyn.

"Maghanda kana at baka ma -late ka." sabi ni Joe.

Nang makarating silang tatlo sa QCMC naghiwalay na ng daan sila Zarina at Josielyn na kasama si Joe sa underpass. Habang nasa daan, napatigil si Zarina sa tindahan ng salamin upang i-check ang mukha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not Your Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon