Title your Story Part

1K 7 2
                                    

I

Kami ay Pilipinong may sariling wika,
Wikang Filipino ang aming salita,
Wikang dahilan ng aming adhika,
Na pagisahin ang aming bansa.

II

Wikang Filipino bigay ni bathala,
Wikang nagtaguyod sa aming puso at diwa,
Wikang ginamit sa pakikibaka,
Sa mga dayuhang nangalipusta.

III

Ako man ay Tagalog at ikaw ay Cebuano,
Siya man ay Surigaonon at ikaw ay Batangueno,
Magkakaiba man tayo ng salita Iho!
Pinagbubuklod naman ng wikang Filipino.

IV

Yung mga Pilipinong nangibang bansa,
Pagbalik sa Pinas iba na ang salita,
Ingles ng Ingles balisa naman ang dila,
Di man lang pinagyaman ang sariling wika.

V

Aba! Makinig sa aking sasabihin,
Wika ni Rizal aking uulitin,
Pagkat itong mga kataga'y mahalaga sa atin,
Ito'y nagbubuklod sa pagka Pilipino natin.

VI

" Ang hindi magmahal sa sariling wika,
Ay higit sa hayop at malansang isda,
Kaya't pagyamaning kusa,
Gaya ng Inang sa atin ay nagpala".

VII

Salamat bayani, salamat Ina,
Wikang Filipino sadyang mahalaga,
Ating gamitin at huwag ipagkaila,
Pagkat ito'y simbolo ng pagkakaisa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Filipino Wika ng PagkakaisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon