Exha's POV
Bigla akong nagising mula sa masarap kong pagkakatulog dahil sa awayan nila mama at Papa.
Hayyy palagi nalang bang ganito ang buhay ko wala na bang magbabago? Narinig kong sabi ni mama
Patawarin mo na ako mahal pinapangako ko hindi na mauulit yun. Hindi ko naman sinasadya. Sagot naman ni Papa kay Mama.
Nakarinig nanaman ako ng pangako mula kay Papa nasabi ko na ba sa inyo na hindi ako naniniwala sa mga pangako? Oo hindi ako naniniwala sa mga walang kwentang pangako na yan.
Mga pangakong kahit kailan ay hindi matupad tupad.
Di ko nalang sila pinansin at bumangon na lamang ako at nag ayos ng sarili dahil first day of school ngayon kailangan maayos ako. (But it doesn't mean na ngayon lang ako maayos)
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng school at hinanap ang room ko.
Sa kalagitnaan ng aking paghahanap ay nakita ko ang isang Prof dito sa campus, naglakas loob akong tanungin siya kung saan ang room ko.
"Good Morning Po, Pwede po ba magtanong kung saan ang room ng 1st year Architecture?"
"Are you Ms. Montreal?"
"Yes, Sir."
"Ohhh, Please follow me."
Tumango nalamang ako at sumunod sa Prof na tinanungan ko.
Nakita kong huminto na si Prof sa isang magulong klase.
Seriously Architecture class ba ito? Parang mga kulang sa aruga yung mga magiging kaklase ko ahhh...
Naunang pumasok si Prof sa classroom at sumunod naman ako napansin ko na halos lahat ng mga kalalakihan kong kaklase lang ang nakapansin sa presensya ko.
Samantalang ang mga babae naman ay may pinagkakaguluhan sa likuran.
"Class, Please go back to your proper places." Mahinahong sabi ni Prof. Ngunit binalewala lang nila ito
"Class, Please go back to your proper places!!!" Ulit niya na may halong pagbabanta.
Mabilis silang nagsitayuan at nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan.
"Good Morning Prof!" Masiglang bati nila na tila ba walang nangyari.
"Good Morning, take your seat." Dali dali silang nagsi-upo.
"Ms. Montreal" malumanay na tawag sa akin. Dahilan para lumapit ako sa kanya.
"Please introduce yourself" tumango lamang ako at tumayo sa gitna.
"Hi everyone !!! I'm Alexha Katarina Montreal but, you can call me Exha for short. Transferee ako galing sa Castillejos National Highschool hindi ako nag-aral ng highschool sa isang maganda at magarbong unversity pero sana maging kaibigan ko kayo." Isa-isa ko silang tinitignan ng may ngiti sa aking labi habang nagpapakilala ako, lahat naman sila ay nakikinig at nakatingin sa akin maliban sa isang lalaking misteryosong lalaking di man lang kumukurap at striktong nakatitig sa akin.