My Love From The Heaven

103 3 0
                                    

Prologue

"Buti nga sa kanya!"

Pinapanood ko lang naman ang alaga ko na nakikipag bugbugan

Bakit sa dinamidami pa kasi ng maaassign na tao sa akin bakit ito pa ang kailangan kong bantayan super pasaway na lalaki! Tapos ang pula pula pa ng buhok parang kamatis

Pik*

Piniltik ko ang mga daliri ko para mahulog sa putik yung alaga ko kainis di kasi mag bago bago marami ko nang beses siyang niligtas pero di parin tumitino pinabundol ko na nga rin sa trak eh

"Hahahaha!!!" Tawa ko habang pinapanood siya na nahulog sa putik pinag tawanan din naman siya ng mga kaaway niya

"Hoy V!" Sigaw ni P

Kapwa Guardian Angel ko din siya kaya nga lang sa kabutihang palad mabait ang binabantayan niya

"Bakit P?" Tanong ko

"Kinakawawa mo na naman yang alaga mo" sabi niya

"Bagay lang sa kanya yan 'no ilang beses ko na nga siyang nililigtas sa mga away nakikipag away parin at niloloko ang mga babae" sabi ko

"Hay tsk! Tsk!" Sabi niya at umiiling pa

"V!" Nagulat naman ako sa sumigaw kaya naman napalingon ako sa nag salita

"M-Ms. H?" takot na sabi ko

Si Ms. H lang naman ang namamahala sa aming mga Guardian Angels at siya rin ang nag checheck kung tama ba ang pag aalaga namin sa mga binabantayan namin

"Pumunta ka sa OPISINA ko ngayon na!" Sigaw niya sa akin

"Sabi ko naman sayo eh" sabi ni P sa akin

Sumunod naman ako kay Ms. H papunta sa opisina niya at naupo roon

"V may nag sabi sa akin na pinapahirapan mo daw ang alaga mo" sabi niya

"Di ko naman po siya pinapahirapan eh" pag dadahilan ko

Tinignan niya lang ako

"Ginawa ko lang naman po yun para parusahan siya eh" sabi ko

"Kaya nga kita ginawamg Guardian Angel niya para patinuin siya hindi para parusahan siya!" Sabi ni Ms. H

"Sorry na Ms. H ilang beses ko na po kasi siyang nililigtas pero hanggang ngayon gumagawa parin siya ng kalokohan" sabi ko

"Alam mo bang lumabag ka sa rules?" sabi niya

Unti unti akong tumango sa sinabi niya

"Alam mo rin ba na may kapalit na kaparusahan ang ginawa mo?" Sabi niya

"Opo" sabi ko

"Dahil sa ginawa mong kasalanan bibigyan kita ng isang malaking misyon" sabi niya

"Ano po yun?" Sabi ko

"Kailangan mo bumaba sa lupa at ayusin ang buhay ng alaga mo" sabi niya

"ANO?! Pero paano ko naman po gagawin yun eh may mga pak pak po ako" sabi ko

"Gagawin kitang tao  at kailangan mo siyang magawa mag bago" sabi ni Ms. H

"Wala po ba akong kasama?" Ang hirap kaya maging mag isa 'no

"Meron si P ang isasama mo sa lupa pero mauuna kitang ipadala sa lupa dahil may mahalaga pa akong sasabihin kay P" sabi ni Ms. H

"Ok po Ms. H kelan nga po pala ang alis ko?" Nakangiting sabi ko

"Ngayon" sabi ni Ms. H

"Mabuti naman po M— What? Ngayon po? Pero hindi pa po ako nakapag handa" sabi ko

"Oo huwag ka mag alala mag papadala kami ng mensahe sayo" sabi ni Ms. H

"Paano po? Saka kelan ko malalaman kung kelan ako babalik dito?" Sabi ko

"Huwag ka mag alala tuwing matutulog ka ay babalik dito pero ang iyong katawang lupa ay maiiwan sa lupa para masabi namin ang mensahe" sabi ni Ms. H

Swerte talaga ni Ms. H super ganda niya siya nga ata ang dyosa sa aming lahat na naging Guardian Angels bagay lang naman sa kanya ang maging taga pamahala

Tulad din ng iba sa amin nabuhay din si Ms. H sa lupa pero namatay din siya at naging Guardian Angel marami sa amin ang nabuhay at meron naman sa kasamaang palad na hindi pa naiiluwal ay namamatay na dahil sa abursyon at nakukunan

Lahat ng namamatay na tao at nagiging Guardian Angel ay walang maalala sa nakaraan nila dahil siguro naiwan narin nila ang mga memorya nila sa lupa at tanging kaluluwa lang ang dala nila papunta dito

"Maraming salamat po Ms. H pero paano nga pala po ako makakapunta sa lupa" sabi ko

Paano nga ba ako makakapunta sa lupa hindi ko alam ang daanan higit na ipinag babawal kasi sa amin na bawal naming malaman ang daanan papunta sa lupa ng hindi kinakailangan dahil marahil ang iba sa amin at mag anyong tao sa lupa

"Mimi!" Tinawag ni Ms. H ang alaga niyang ibon

"Ano po yun Ms. H?" Tanong ni Mimi

Oo nakakapag salita si Mimi dahil narin siguro yun sa kapangyarihan ni Ms. H

"V isa din siya makakasama mo sa lupa" sabi ni Ms. H "Mimi ituro mo na sa kanya ang lagusan"

Sumunod naman dito sa puting ibon na 'to

"Sure ka bang Mimi dito ang lagusan?" Tanong ko ng huminto siya

"Oo naman silipin mo pa" sabi niya

At ginawa ko nga nakita ko ang lupa ng mga

"Mi— AHHHH" Pag balik ko kasi ng tingin sa kanya nag anyong tao na siya tapos natatawang tinulak niya ako sa lagusan

"MIMI LAGOT KA SA AKIN PAG DATING NATIN NG LUPA!!!" Sigaw ko sa kanya

Boogsh*

Krik*

"Ouch! Ang buto ko" sabi ko

Nasimulan ko ng maamoy ang usok dito sa pilipinas na galing sa mga tambutso ng mga sinasakyan nila, nag kalat din ang mga maduduming bagay malapit sa daan, mga iburnal at kung saan saan pa, may mga nakikita ding akong mga lalaking nakatalikod at umiihi at mga dahon na nalalanta na dahil sa hindi pag didiligan

"Tsk! Mga tao nga naman oh sinisira ang inang kalikasan" sabi ko sabay tayo ko "Kailangan ko pang hanapin yung kamatis na yun! Tss"

Nakasuot lang naman ako ng isang simpleng dress na kulay violet at sapatos din na tulad din ng kulay ng damit ko

Nilagay ko naman ang mahabang kong kulay violet na buhok sa sa may gilid ko

"Grabe naman pala talaga dito! Grabe narin pala Global Warming dito! Init! Kainis!!! Lagot ka sa akin kamatis ka pag nahanap kita kailangan pa kasing patinuin eh!" Napatingin naman sa akin ang mga tao

"Sorry po ^___^v pasensya na po talaga ^___________^V"

Haist! Kainis!!! Babatuhin ko talaga siya ng tsinelas ko kapag nakita ko siya

My Love From The HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon