Pag-ibig na aking ipinagdadamot sa iba.
Dahil sayo lang gustong ipadama.
Ngunit ano naman ang aking magagawa?
Kung hindi pala pagmamahal ko ang kailangan mo.
Kundi ang pagmamahal ng iba?Napaisip ako at napatayo.
Hindi mapakali't nalilito.
Isang tanong ang bumabagabag sa isipan ko.
Kung bakit sa milyong milyong tao sa mundo,
Doon pa tayo nagkakagusto sa taong hindi tayo gusto?Kahit na hindi tayo ganoong magkakilala.
Nais pa rin kitang makita.
Umaasa ka sakanya, umaasa siya sa iba.
At heto ako, umaasa na may pag-asa tayong dalawa.Ngunit isang araw,
Nabigla ang lahat at napasabing, "Uwian na, may nanalo na!"
Isa lang ang ibig sabihin noon, tayo na talaga.
At sa pagbigkas ko nang huling salita, aking iminulat ang aking mga mata.
Napapailing sabay tawa.PANAGINIP LANG PALA. 💭😢