"Bakit hindi mo 'ko crush?"

753 46 24
                                    

"Hay, ikaw nalang talaga ang rason kung bakit ako bumabangon." Kinakausap ko na naman ang larawan niya na nasa ilalim ng unan ko.

Gusto ko sanang ipa-frame at ilagay sa study table ko kaso baka magtaka nanay ko at sabihan pa ako ng marupok.

Lumalabas lang naman ang pagiging marupok ko kapag nandiyan yung crush ko e. 'Wag niyo nang itanggi, ganyan din kayo!

Ingat na ingat ko talaga ang larawan na 'to. Hindi ko man naipa-frame, pinalaminate ko nalang para hindi magusot o kaya'y mapunit at nilagay sa ilalim ng unan ko at madalas na kinakausap.

Oo, baliw na nga talaga ako sakanya. Pero 'wag kayo, crush ko lang yan pero 'di ko rin alam, basta ang lakas ng tama ko sakanya.

Siya na nga rin ang naging dahilan ko kung bakit ako pumapasok sa school e. Syempre sino ba namang babae ang hindi papasok kung araw-araw ba naman e masisilayan mo ang kagwapuhan ng crush mo?

Lalo na't seat mate ko pa siya dahil pareho ang first letter ng mga surname namin, destiny na ba 'to?

Kaya heto ako ngayon, naghahanda para sa pagkikita namin—este para sa pagpasok sa paaralan!

Civilian attire lang naman kami ngayon dahil foundation week kaya todo paganda at porma ako ngayon, baka sakaling mapansin niya alam niyo na, marupok e.

Tinext ko na rin ang bespren ko na sabayan ako sa pagpasok.


—•—

"'Teh naman, pumasok-pasok pa tayo ngayon e wala namang gagawin!" Reklamo ni bespren kaya binatukan ko siya.

"Ano ba! Ang saya-saya kaya ngayon dahil booth day! Wala tayong ibang gagawin kundi ang magsaya!"

"At mag sight seeing na naman sa crush mo from afar?" Sarkastikong dagdag niya.

"Oo tama! Ay teka, anong from afar e seat mate nga kami 'non!"

"So close yet so far pala ang peg niyo ganern? Malapit nga kayo sa isa't-isa pero ang layo namam ng loob niya sayo."

"Leche sige mang-realtalk ka pa!"

"Gano mo na ba kasi katagal crush yang si V?" Tanong niya.

Yup. His name is V. Ang haba 'no? Masipag mga magulang niya e.

Nagsimula naman akong magbilang sa kamay. "Uhm, pitong buwan."

"Oh kitams! Pitong buwan palang pala, pwede pang magbago yan!"

"Ano bang pake mo ha? Nakakainis ka na ha, napakapanira mo! Nako pag ikaw talaga nagkacrush, mas magiging panira pa 'ko sayong haeup ka."

"Oo na oo na! Tara na nga't pumunta na sa room! Naghihintay na sayo si V!"

Naitulak ko naman siya bigla. "Ayie 'wag ganyan! Pinapaasa mo 'ko lalo e!" Pero seryoso kinilig ako!


—•—

Pagpasok namin sa room ay umupo agad ako sa may dulong upuan kung saan ako nakaupo katabi ang crush ko. Napasimangot naman ako nang makitang bakante ang upuan sa tabi ko. Wala pa siya—

"Hi Crush!"

Omg, ayan na siya! Yup! You read it right, sabi ko naman sainyo na marupok ako diba? Hahaha! Aware siya na crush ko siya kaya nga crush na rin ang tawag ko sakanya e. Pano kasi, kalat kaya sa buong room na crush ko si V!

"Bakit hindi mo 'ko crush?" (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon