VIDEO

163 10 6
                                    

VIDEO

"Guys, di ako makaka-video. Full storage na ako. Tapos lowbat na naman ako."- sabi ni Beatrice.
"Hala. Wala akong dalang cellphone. Ikaw Ellie?"- tanong ni Christen Kay Ellie.
"May dala ako, kaya lang malabo ang camera except sa front cam."- sabi ni Ellie at nilabas ang cellphone niya.
"OK na yan. At least meron."- sabi ni Leyan. Ang apat na babaeng magkakaibigan na sina Beatrice, Christen, Ellie at Leyan ay napag-isipang libutin ang buong campus habang vini-videohan ang dadaanan nila.

They believe that there are ghosts in the campus and they're going to prove it, through the video.

Nagsimula nang mag-record ang cellphone ni Ellie kaya nagsimula na rin silang maglakad. Habang naglalakad, ay kinukunan ni Ellie ng video ang bawat classroom.

Nagk-kwento si Leyan tungkol sa mga multo. Nang makarating sila sa medyo liblib na lugar sa loob ng campus, kinabahan sila.
"Ellie, kunan mo 'yan."- sabi ni Beatrice kaya kinunan ni Ellie ang isang classroom na tinuro ni Beatrice.

"Eto yung lugar kung saan sinapian ang isang babae."- sabi ni Leyan.
"Guys, may babaeng naka palda."- sabi ni Christen habang nakatingin sa room na kinuhanan ni Ellie ng video.

"Hayaan mo yan."- sabi ni Beatrice. Kinunan rin ni Ellie ang katabing classroom, pagkatapos ay umalis na sila.

Nang matapos nilang libutin ang buong campus, pinanood nila ang video.
"Hala. Na-full storage ako."- sabi ni Ellie na nakapoker-face.
"Mamaya mo na lang i-delete. Panoorin muna natin."- sabi ni Leyan. Ellie played the video at tutok na tutok silang apat.

"Ayun! Pause!"- sigaw ni Christen. Ellie paused the video kaya tinuro ni Christen ang nakita niya.
"Hala! Babae!"- sabi ni Beatrice. Pinag-patuloy nila ang panonood at ilang ulit na rin silang nakakita ng multo. They have proof and they're satisfied.

"Ellie, pwedeng papasa?"- tanong ni Leyan. Tumango si Ellie.
"Omaygad! 242 MB talaga?"- sabi ni Leyan.
"Full storage na is me."- dugtong pa niya.
"Ahm, sakin mo na lang ipasa."- sabi ng kaibigan ni Leyan kaya ipinasa na ni Ellie sa kanya.

Habang pauwi sina Beatrice, Ellie at Christen nang magkakasama ay pinag-uusapan nila ang nakita nila sa video. Naglalakad sila habang nag-uusap.
"Paano nakapasok ang babaeng naka-palda sa room? Naka-lock naman diba?"- sabi ni Ellie. Sumang-ayon sina Beatrice at Christen.
"Confirm. Multo nga yun."- sabi ni Christen.

"Guys, notice ko lang ha. These past few days parang nagiging haunted ang buhay natin. Nung isang araw may narinig tayong footsteps na paakyat sa hagdanan pero wala namang tao. Tapos ngayon may nakita tayong multo."- sabi ni Ellie.

"Curious tayo. Plus, malapit na ang undas at Halloween."- sabi ni Beatrice. Tumigil muna sila sa tapat ng isang school dahil may kinuha si Ellie mula sa bag niya.
"Hala! May bata kanina!"- sabi ni Christen at tinuro ang isang lugar malapit sa kinatatayuan nila.

"Nakita ko 'yon. Umalis pa nga ang isa eh."- sabi ni Beatrice.
"Di ko nakita."- sabi ni Ellie at binara siya ni Christen.
"Paano mo makikita? Eh may kinukuha ka sa bag mo diba?"- sabi ni Christen pero di na nagsalita si Ellie. Bigla silang kinabahan.

"Change topic!"- sabi ni Beatrice dahil may nararamdaman siyang presence. Nakauwi na sila ng safe.

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Kinaumagahan, nilibot ulit nila ang buong campus at syempre may video pa rin. Di nga lang natapos dahil full storage. Dala ni Christen ang cellphone niya at pinicturan ang bawat madadaanan nila gamit ang Negative na filter.

After nilang maglibot ay tiningnan nila ang mga pictures at mahigit 3 ang nakita nilang kakaiba.

Pinakita nila ito sa kaklase nilang may third eye at binalaan sila.
"Mag-ingat kayo. Marami sila."

Hanggang ngayon, di pa rin nila napapanood ang 2nd video at balak pa nilang gumawa ng ikatlong video kahit binalaan na sila.

--------

A/N:
Hi guys! True story po itong sinulat ko. I just wanna say that, mag-pray kayo palagi. Have faith in God and you'll be fine.

christiataryao
Parksujin123

Compilation of Short Stories and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon