tambay

0 0 0
                                    

Ang hirap pala maging tambay. Ang sakit sa katawan, sa ulo at minsan pa, nakakamind zero. Alam mo yun?
Isang araw nalang bigla ang gaan-gaan sa ulo. Wala kang matinong maisip habang nakahiga sa bagong floorwax niyong sahig. Nung ako'y nasa paaralan pa, gusto ko palagi ay walang pasok. Babad ako kakabasa sa mga librong gusto kong basahin, manuod ng mga gusto kong cartoons habang nag-aabang ng mga bagong episodes ng gusto kong anime. Pero ngayong graduate na ko, nakakasawa rin pala. Yung tipong gigising ka araw-araw tapos ayaw mong bumangon. Di mo alam kung anong gagawin mo para sa araw na yun kasi di ka motivated. Magkukulong lang sa bahay kasi wala namang pupuntahan. Namamayani tuloy yung katamaran ko sa kawalan ng plano. Gusto kong maging motivated tulad nila. Paaano? Kasi ngayon di ko na alam kung ano ang gagawin ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just NonsenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon