Toss Coin (One Shot)

530 18 4
                                    

Toss Coins (One Shot) 

"Tao." 

Pagkasabi ko nun ay binato ko na ang coin at sinalo, pagkatapos ay inalagay ko na sa likod ng palad ko at pag tingin ko tao. Bigla akong napangisi, lagi na lang ako swerte pag sa toss coin. Dito lang ata ako swerte eh, pinaikot ikot naman ang coin ko sa mga daliri ko.

"Hilig mo talagang mag laro nang ganyan Mish." 

Napatingin naman ako sa kaibigan ko na para bang ako na ang pinaka weirdong tao sa balat ng lupa.

"Shish, hayaan mo na ako. Dito na nga lang ako laging sinuswerte, alam mo naman na lagi akong malas sa buhay kong to." 

Inirapan na lang niya ako muling binalik ang tingin sa binabasa niyang libro.

"Alam mo Mish, swerte ka naman eh. Lagi mo lang tinatakbuhan ang swerte, minsan nga yung swerte na ang lumalapit ikaw lang ang lumalayo." 

Pagkasabi niya nun ay saktong dumaan si Eron.

"Tulad niyan, si Eron na ang pinaka sikat sa buong ca- este sa buong pilipinas na ang lumapit sayo ikaw pa lumayo."

Bigla naman ako napatigil na alala ko tuloy yung nangyari nung J.S Prom nung highschool pa kami. 

Flashback 

"Hoy Mish, Sigurado kang ayaw mo makisayaw sa iba?"

Tumango tango naman ako kay Shish.

"Haist, ano ka ba naman last year na natin to sa high school." 

Ngumiti na lang ako sakanya.

"Shish, pwede ka bang makasayaw?" 

Sabi nung lalake kay Shish, tumingin naman siya sa kaya naman ngumiti na lang ako sakanya.

"Sige, hoy Mish mag enjoy ka at wag kang mag drama."

Pagkasabi niya nun sakin ay tuluyan na siya umalis, napangiti na lang ako nang mapait. Nag break na kasi kami nang boyfriend ko kaya medyo di ako  ok ngayon. Hindi ko naman kasi siya talaga mahal, kaso nga lang parang nung nag break na kami dun ko lang na realize na mahal ko na rin pala siya. Haisst, buhay nga naman parang life lang.

"Hi Mish." 

Napatingin naman ako sa boses na yun at nakita si Eron na nakangiti sakin, kaya naman ngumiti na ako. Isang sikat na model sa pinas si Eron, malapit na rin siyang mag artista.

"Hi." 

Tipid na sabi ko sakanya.

Toss Coin (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon