(JUNE'S POV)
Naging pabaya kasi ako eh?! Dahandahan kaming lumapit. Nakapiring, nakatakip ang bibig at nakagapos si Angela.
"maraming atraso sa amin ang lolo mo ngayon.. ikaw ang magbabayad!!" Sabi ng mga kidnapper kay Angela umalis sila kasma ito. Sinubukan kong sundan.
"June tumigil ka... hindi tayo makakalapit... marami sila" sabi ni Tristan. Nakakainis! Pano ko malalaman kung nasaan sila?! Nababanas naman oh!? "Hwag kang magpadaig sa galit mo.. walang may kasalanan dito" dugtong nya. Eh sa naiinis talaga ako eh?!
"nababahing ako..." bulong ni Sandy. Agad namin tinakpan yung bibig nya. "Ummmmmm~ DI AKO MAKAHINGA!!!!" sigaw nya. Patay tayo dyan!
"BOSS! MAY MGA BATA DITO OH!?" sabi ng isang lalaki sabay turo kung nasaan kami. Pahamak talaga eh noh?! Pinuntahan nila kami at ginapos.
Malas talaga tong si Sandy eh?!
( =_=)
"Ayus Sandy! Ang galing mo talaga!?" asar kong sabi sa kanya. Buti may dala akong emergency tool ang kaso hindi ko maabot "emmmm~ Sandy pakuha yung maliit na kutsilo sa bulsa ko" request ko.
"Ayoko nga!!! Baka ano pa makapa ko dyan!!!" reklamo nya.
"tandaan mo ikaw naglagay sa atin ditto.. kaya kuhain mo na!!" pangungulit ko. Hanggang sa wala na syang nagawa. Kinuha nya yung kutsilyo... "Uyyyy! Bulsa mo yang kinukuhaan mo!! =_=" sabi ko
"ayyy sandali lang." sabi nya ng nakuha na nya yung kutsilyo sinimulan ko ng putulin yung tali na nakakabi kay Sandy.
"Isama na rin kaya nating tong bata na toh" sabi ng isang lalaki na lumapit kay Sandy. Inalis nya si Sandy sa tabi namin. Buti na lang at mapipigtas na rin yung taling nakagapos sa kamay nya.
"Pre! Ikaw na bahala dyan! Pupunta lang kami sa lumang Storage room. Dun namin syang papatayin!" sabi ng mga kasama nung lalaki. Iniwan nila kami sa lugar na yun. Isang lalaki lang ang iniwan para magbantay sa amin.
"Uyyy! Bata gusto mo bang sumama sa amin?" tanong ng lalaki kay Sandy. "Ha?!" dugtong pa nito.
"SABING HINDI NA AKO BATA!!!! HUKLUBAN!!!!" sigaw ni Sandy. "Ayyy ano pa ba ang masasabi ko eh?! ANG TANDA MO NA!!!! YUN YUN EH?! KAYA PALA BATA ANG TAWAG MO SA AKIN!" pang-asar ni Sandy. Ayan na naghahalimaw na yan!. Pero mga ilang saglit na lang papatulan na ng lalaki sa pikon si Sandy. Agad kong binilisan ang pagputol sa tali ni Tristan.
(SANDY'S POV)
Tae ka! June Bilisan mo naman! Nililibang ko naman eh!?
"OH ANO PIKON KA NA!!!!! HINDI KA MAKAGALAW DYAN AHHH!" sigaw ko. June bilis.... Nagsasalita na ako habang kinakalas yung tali ko ng hindi mahalata ng lalaking toh. "PATAWA KA LANG ATA EH!?" dugtong ko.
"tigilan mo na yan!" asar na sabi ng lalaki. Napipikon na... Oy! June bilis naman oh!. Lumapit sya sa akin na pagalit. Dahan dahan naman akong lumayo.
"ANO??? HINDI KO MARINIG???!!!!" sigaw ko. Napa upo ako. Habang lumalayo sa kanya. May nakapa akong bote. Kinuha ko yun.
"SABING!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ng lalaki. Pumikit ako at ibinato sa lalaki yung bote.
*CRACKKKKKK~
Pagkadilat ko.... O_O
"DARREN!" sigaw ko. Sya yung nabato ko ng bote. "Sira ulo ka! Bakit mo tinulungan yung lalaki!" sabi ko habang tinutulungan sya! Ano bang nangyare?!
"nakapikit ka kasi... di mo namalayang lumapit si Darren para iligtas ka" sabi ni Tristan. Ha??? Iniligtas pala nya ako. "buti na unahan nya ako sa paglapit sa'yo" dugtong pa nito. Nagpasalamat daw ba?
BINABASA MO ANG
LiveD Academy: DeviL's Grip (COMPLETED)
Misterio / SuspensoIsang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusin ang laro. Ang L.A. unit na binubuo nila Tristan, Sandy, Darren at June. Sila ang itinalaga na grup...