*Andrei's POV*
Alas 8 palang ng umaga ginigising na ako, ang aga aga pa ehh. inaatok pa ako. tutal sabado naman ngayon eh pwede naman siguro akong mag enjoy ng tulog diba. Once a week lang to please. kaso nga lang may maingay
"Gising ka na dali na!" pangungulit ni Alex, kanina pa niya ako ginigising. dinadaganan pa nga niya ako ehh at pinapalo ng mga malalaking unan. 6 palang ng umaga eh andito na daw siya sa bahay namin.
"Isang oras pa please!" pagtutol ko. habang nakabaon yung mukha ko sa kama at nakatakip ng una ang ulo ko. baka kasi matuloy pa yung panaginip ko kagabi. teka panaginip ba yun? pero parang totoo. Totoo nalang please. please please.
"dali na, gising na! Kamusta ang ball, kagabi?" nanlamig bigla ang buong katawan ko. teka panaginip parin ba to? ball? kagabi? waahhh totoo nga.napabangon ako bigla at nagtanong.
"Kagabi? galing ba talaga ako sa ball kagabi?"
"oo diba nga sabay tayong umuwi tapos ipinaalam kita tapos...." habang nagsasalita siya ehh naaalala ko yung mga nangyari kagabi pati yun. oo nung namatay yung ilaw. ganito kasi nangyari nun.
*Flashback*
wala akong ibang makita kundi yung mga maliliit na ilaw mula sa mga pintura sa mga braso namin. Pinaliwanag ng MC na ang pink ay mga babae at may band na blue sa kamay ang mga lalaki. pero bakit ganun sa akin may green? may premyo ba ang naiiba ang kulay?
nabigla ako habang nag iisip kasi biglang humila sa aking lalaki pero yung marahan lang. Mas matangkad siya sa akin pero hindi ko makita ang mukha. at biglang may nagplay na kanta.
Now Playing: The Air That I Breath
tapos humawak siya sa isang balikat ko, yung itsura ng magsasayaw.
habang nakahawak siya sa akin may kung ano akong nararamdaman sa loob loob ko, Tsunami ba to? Tidal wave. basta sobrang lakas na hindi ko maipaliwanag.
hmm parang naramdaman ko na to dati ehh hindi ko lang matandaan kung kailan. Nagsasayaw na kami tapos biglang..... Naapakan ko yung paa niya. aww nakakahiya.
"ay sorry, hindi kasi talaga ako marunong sumayaw" eh kasi nga diba ngayon lang ako nakipagsayaw kasi alam niyo na yun basta hahaba lang ang kwento kapag kwinento ko pa ulit.
So ayun nga nag aantay ako ng sagot niya pero nga nga. ni hindi man lang siya umimik. ang suplado, bato ba tong kasayaw ko? istatwa? parang si Keann lang ehh na may out of this world na mundo.
Teka nga pala. nakakainis ha matatapos na tong ball pero wala parin siya. tinamad sigurong magpunta. Sorry siya hindi niya ako nakasayaw. Malas niya. Siya nga lang sana ang isasayaw ko eh. Naunahan tuloy siya nitong si Mr. Ewan sa pagiging first dance ko.
"Aw" niglang nagsalita yung partner ko.
"Sorry ulit" tapos nakapeace sign ako na nakadikit sa gilid ng noo ko. nakakahiya na naka dalawang apak na ako sa kanya.
Yes malapit na matapos yung kanta, makakauwi na rin ako. Hindi lo na rin maaapakan tong partner ko.
"Now, every one please give your tokens to your partner"
token daw? akala ko ba kahit ano? eh bakit token daw? naku hindi pa naman ako nakapunta sa timezone para nakabili sana ako.
Nag iisip ako ng biglang may inabot siya sa akin. isang box. kaya naman kinuha ko nalang din sa bag ko yung ibibigay ko sa magiging partner nga daw.
buti nalang at kinarton ko pa yan ng posporo at binalot ng gift wrapper. pang christmas nga lang. pero ok na yan kesa naman wala. oh choosy pa ba siya diba. kunyari advance gift ko nalang sakanya yun sa pasko.
pagkaabot ko ng regalo ko ehh bigla nalang siyang nawala. hala hindi kaya multo yung nakasayaw ko? Papa ikaw ba yan? kaya ba ganun yung nararamdaman ko kanina? yung parang may tidal waves sa loob loob ko?
tapos bigla ng bumukas yung ilaw saktong pagkatapos ng kanta.
Nakita ko na lahat sila may partner, ako lang yung wala. :( iniwan ako agad ng tatay ko eh pagkatapos ako isayaw. ambastos lang. ayaw lang ata niyang may magsayaw na iba sa anak niya. sobrang strict huh' kulang nalang pati ngipin ko pabakuran ehh.
bumalik ako sa pagkakaupo kasi nagsisiupuan na rin yung mga iba. Nakita ko si Kaye na inis na inis.
"bakit Kaye anyare?" tanong ko. habang tawa lang ng tawa sina Sandra at Dianne.
eto daw kasi ang magkapartner:
Sandra at Gian
Dianne at Brix
at si
Kaye at Sam.
hahaha si Kaye at Sam? Hahaha ehh diba si Kaye ayaw na ayaw kay Sam kasi mayabang. Sa inis niya nagyaya na siyang umuwi. buti naman kasi ang sakit sakit na ng paa ko. feeling ko anytime matutumba na ako.
*End of Flashback*
natigilan ako ng pag alala kasi dinaganan ulit ako ni Alex.
"Ano na? natanga ka na? Kwento na dali"
"inaantok pa ako" sabay takip ko ulit ng unan sa mukha ko. ayoko ipakita sa kanyang kinikilig ako.
tapos bumangon ako ulit kasi baka bigla na naman magtampo to ehh at ayun nga nakasimangot na.
"Ah eh, boring yung party ehh. Hindi ako nakipagsayaw" yun nalang sinabi ko kasi kukulitin na naman ako pag kwinento ko.
"talaga? Ehh bakit may ganito ka?" sabay pakita niya sa akin nung ibinigay sa akin nung nakasayaw ko.
"Ah, eh napanalunan ko yan kasi ako daw ang may ibang kulay ng paint" sabay pakita ko sa kanya nung picture nung pintura sa braso ko. pinicturan ko kasi dahil nacucutan ako.
"yung iba kasi pink lang, akin may green, glow in the dark yan" nagtataka parin nga ako bakit ako lang ang may green ehh. hala baka may prize nga talaga ako kaso hindi ko nakuha kasi umuwi kami agad. baka ibibigay yun bago matapos ang ball. hayaan mo na nga.
"Wow, ang ganda naman" napatingin ako kay alex pagkasabi niya nun.
Wow, oo nga ang ganda! ito yun! ito yun! yung gustong gusto kong clip na nakita namin sa isang accessory shop. Si santa claus ba siya? bakit alam niya na gusto ko to?
"akin nalang" tapos ilalagay na sana niya sa buhok niya pero bigla kong inabot.
"hindi pwede, bigay sakin yan ehh. mag iipon nalang ako para bilhan kita" nalungkot siya pero
"sige basta bibilhan mo ako ha" wew buti nalang.
"promise" with the promise hand gesture pa yan. ngumiti naman siya
"oh sige ha uuwi na ako. may pupuntahan pa ako mamaya ehh" yes makakatulog na ako ulit.
"yung damit pano? bukas nalang ha at lalabhan ko pa."
"Sayo yun hindi akin" ehh? regalo niya sa akin.
"arigatou" (thanks) napajapanese tuloy ako bigla.
"sayonara" (goodbye) sabi niua na may malaking ngiti
"akin akasia" joke na corny
at natulog na ulit ako.
********
Guys abangan niyo ang first ever POV ko. Nasa next chapter na! I'm sure mapapuzzled kayo. Basahin niyo ha - Alex❤
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...