Chapter 18 ~ Melon
Mia's POV:"You! How dare you to shout at me?!"
Inis na sigaw niya na may nanlalaking mga mata pa rin. Napatakip ako sa aking bibig at nanlaki rin ang aking mga mata nang marealize kong napasobra ako.
"Hindi! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin!" Agad kong paliwanag pero mukhahg huli na ang lahat.
"Then leave my house kung ganiyan rin naman ang ugali mo! Sino bang matinong buntis ang uuwi ng gabi?!" Sagot niya. "Magmula ngayon, 'wag ka nang umasa pa na papakialaman ko pa konti ang basura mong buhay!"
Tinalikuran na niya ako at handa na sanang maglakad paalis nang pigilan ko siya. Hinigit ko siya sa braso pero iwinaksi lamang niya iyon.
"Hindi pa ako tapos magpaliwanag!"
"Kung magpapalusot ka lang ng walang kwenta, 'wag na!" Huminga ako ng malalim.
Tulad ng sinabi ko kanina, wala akong cellphone. Isang bagong bili na Samsung pero nadukot kinabukasan. At hindi na muli ako nagbalak na bumili ng ganoong klaseng phone.
Pinagsikapan kong ipunin kahit mahirap. Ilang taon ko itong inipon. Hindi ko pa nasusulit ang paggamit nun. Talagang sumama ang loob ko.
Binilhan rin ako ni Hera ng bago pero nadukot ulit. Sana naman, naawa sa akin ang mga magnanakaw.
'O talagang malas lang ako?
"W-wala akong cellphone."
Nahihiya kong saad at napayuko sa takot na pagbintangan niya akong nagpapabili sa kaniya kahit na hindi naman.
"I will buy you a phone tommorow if that's what you want!"
Agad akong napaangat ng tingin sa kaniyang sinabi. Isang konting ngiti ang sumilay sa aking labi pero agad ding nawala nang maalala kong madudukot muli ito.
"Wag na, sayang lang pera mo." Kung nagkataon na bibilhan mo'ko.
"Why do you say so?"
Tanong niya na nakakunot ang noo. Napailing ako at ngumiti ng peke. Napabaling ang kaniyang tingin sa paper bag na nakapatong sa sofa.
"Kanino galing 'yan?" Tanong niya at linapitan ito.
"Kina Eunice."
Akmang hahawakan niya ang isang paper bag ng marinig ang sagot ko. Muling kumunot ang kaniyang noo at bumaling sa akin.
"What did they bought for you?"
"Damit tsaka pati na rin kay Baby." Tumaas naman ngayon ang kaniyang kilay.
"Close na agad kayo?"
"Oo, bakit ba?"
"I'm wondering kung bakit inapproach ka nila? When I introduce them to Lian, they were somehow aloof--" Napatigil siya sa pagsasalita. "Forget it."
Hindi na nito hinintay pang makapagsalita ako at tuluyan na akong tinalikuran. Muli akong napailing sa kaniyang inasal.
"Manang!" Sigaw ko sa matanda naming katulong dito sa bahay pero walang sumasagot. Tatawagin ko na sana ulit siya ng sumulpot si Brenda sa harap ko.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...