[43] Ivan's fiance

2.7K 43 4
                                    

Ivan's POV

Katatapos lang ng date namin ni Jaz. Masaya ako na napasaya ko sya. Hindi ko parin masabi sa kanya yung pinagusapan namin ni Lolo dahil alam ko, alam ko kung anong gagawin nya.

Makikipaghiwalay sya sakin. Sigurado ako. Knowing Jaz, mas uunahin nya pa ang kaligayahan ng iba kaysa sa sarili nya.

*flashback*

Nandito kami sa hotel kung saan naninirahan ang Lolo ko. Bukas na kasi ang reunion kaya naman pinuntahan namin sya.

Nagtaka din ako kung bakit kilala nya ang Lolo ni Jazrille. Hanggang sa pinatawag nya ako dahil maguusap daw kami. Pumasok kami sa room nya habang sila Jaz naiwan sa living room.

"Anong sinabi ko sayo?! Diba ang sabi ko hiwalayan mo na yang babaeng yan?! Wala yang maidudulot na mabuti sayo dahil isa syang Ramos!" galit na sigaw sakin ni Lolo.

"Lolo naman. Kung ano mang problema nyo ng Lolo ni Jaz, hindi nyo dapat kami idinadamay jan." Bakit ba ang kitid ng utak ni Lolo? Ganto ba kapag tumatanda na?

"Wala akong pakealam sa mga sinasabi mo. Basta hiwalayan mo yang babaeng yan dahil may ibang babaeng magpapakasal sayo." Hindi na ako nagtaka. Business is business pero hindi ko kayang hiwalayan si Jaz. Hindi ko kayang mawala ang buhay ko sakin.

She's my life.

"No Lolo! Hindi ako magpapakasal sa ibang babae. Hindi ko papakasalan kung sino man yang sinasabi nyo."

"Wala kang magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo, papakasalan mo si Cheska." Si Cheska? Yung childhood friend ko? Pero bakit yun?

"Alam kong alam mo na matagal ng may gusto si Cheska sayo. Okay ka na sana kay Elaine kaso naghiwalay kayo tapos ngayon, isang Ramos naman?! Yan ang hindi ko papayagan! Papakasalan mo si Cheska dahil sinabi ko. Wala ka ng magagawa. Sa oras na pumalag ka, mawawala ang lahat ng meron ka ngayon."

Nakakainis! Bakit naging ganito ang buhay ko? Magpapakasal? In your face Lolo. Kahit anong gawin mo, hindi ako magpapakasal kay Cheska.

*end of flashback*

Hanggang ngayon, hindi parin ako nakakaisip ng paraan para matigil na tong pesteng arrange marriage. Ayoko naman talaga nito in the first place. Ayokong magpakasal sa babaeng hindi ko naman mahal.

11pm na pero hindi parin ako nakakatulog. May pasok pa kami bukas. Aish!

Kinabukasan..

Late akong nakapasok ng school dahil nalate ako ng gising. Nagtataka ako kung bakit ang daming students na nakakalat sa school. May activity period ba?

Hindi ko na lang pinansin at nagtuloy tuloy na ako sa pagpasok ko sa classroom. Wala pang prof kaya naman tumungo ako at magsisimula na sanang matulog. Kaso nakarinig ako ng ingay mula sa labas.

"Aish! CAN YOU PLEASE LOWER DOWN YOUR VOICES!" Sigaw ko sa labas. Ang iingay naman kasi parang mga nasa palengke. Tumahimik naman sila tapos may isang babaeng pumasok ng room.

Sino naman to?

"Hi Ivan. Im Cheska Fernandez. Pinapunta ako ng Lolo mo dito." WTF? CHESKA?!

Hindi ko sya pinansin. Oo, sabihin nyo ng kabastusan yon pero wala akong pake. Ayoko syang makita dahil baka kung anong masabi ko sa kanya. Tumayo ako at lumabas ng classroom. Pupuntahan ko na lang si Jazrille sa room nila. Wala naman ata kaming prof gawa ng activity period.

Hindi ko alam na sinundan pala ako nung Cheska. Kahit childhood friends kami, hindi kami ganun ka close. Iritable ako sa presensya ng ibang babae.

"Why the hell are you following me?!" Mukhang mabait si Cheska at parang hindi gagawa ng masama.

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon