Stella's POV
"Sa hindi inaaasahan, pagtatagpo ng mga mundo, may minsan lang na nagdugtong—
*BLAG BLAG*
"KAKAIN NA!!!!BILISAN MO NA MALIGO DYAN! KAHIT KELAN TALAGA ANG BAGAL BAGAL MO KUMILOS!" sigaw ng nanay ko.
Gusto kong matawa kasi wala pang isang minuto akong naliligo pinapabilis na agad ako tsk tsk. Pero binilisan ko na din dahil aminado naman akong napakabagal ko talagang kumilos HAHAHAHAHA!
"Hoy! Malelate ka na! Bilisan mo!" pahabol ng aking ina.
Minadali ko na ang pagligo. At pagkatapos ay nagbihis na ako at dumeretso sa kusina.
"O nene, galingan mo ha? Tandaan mo no grades below 86 ka. Baka gusto mong mawala yong scholarship mo? Mahihirapan tayo at baka--"
"Opo opo, sige na po at ako'y malelate na," putol ko sa aking ina.
*nom*nom*nom*nom*
"Haaaaay bilis-bilisan mo naman ang pagkain mo. Hindi ka miss universe para magpapetiks-petiks jan, mahuhuli ka pa sa service mo," sabi ni mama na hindi ko na lang pinansin.
Arghhhh ninanamnam ko pa yung pagkain e hays. First day pa lang ng school tinatamad na ako huhu.
*Natapos na ako sa pagkain*
"O kumpleto na ga mga gamit mo? Dali at baka nandyan na--"
"Stella?" sabi ng service ko.
"O diba nandyan na dalian mo na d'yan at nakakahiya ay jusq!" sabi sa akin ng ina.
"Kumpleto na po gamit ko sige po papasok na po ako," sabi ko sa kanya sabay halik sa pisnge.
"Ingat ha! Good luck! " pahabol ng aking ina na tinanguan ko na lang.
Nakasakay na ako sa service at habang nasa byahe ay natulog na lang ako.
"Stella? Yuhooo! Nasa school na tayo" sabi nung---driver.
Omaygahd!!!! Nasobrahan ako sa pagtulog ko ako na lang pala ang natitirang nakasakay waaaah!
"Ayy sorry po hehe," sabi ko naman habang kinakain na ako ng hiya.
Pagkababa ko ng service ay inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang pumasok sa university.
~North Eastern UNIVERSITY~
Hinahanap ko yung class room number ko sa lobby ng biglang may nangulbit sakin.
"Miss? Ikaw si Stella diba?" sabi ni kuya na parang familiar.
"Ah opo ako nga po. Bakit po? Sino po kayo?" sabi ko habang iniisip pa rin kung sino ang kinakausap ko.
"Ah ako si Alexion Dainiel Mitra. Ako yung magbibigay sayo ng libro hehe," sabi niya.
Hala! Ito pala yun waaah nakakahiya!
"Ay ikaw po pala yun hehe sorry po medyo lutang pa ako ngayon hehe, salamat nga po pala sa mga libro," sabi ko sa kanya at tinanggap na yung mga libro.
"Sige haha mauna na ako," sabi niya.
Habang tinititigan ko yung libro naalala ko yung napag-usapan nina mama at papa.
~Flashback~
Papunta na sana ako sa kwarto ko ng aksidente kong naparinig ang pinag-uusapan nina mama at papa.

YOU ARE READING
Serendipity
Teen FictionSerendipity is not an accident. It comes to those who are prepared to have it. This is a story of how fate made Stella and Xion crossed paths.