Ang Isla sa Gitna ng Lawa

71 7 4
                                    

Mayroong isang isla sa gitna ng lawa na pinalilibutan ng hamog. Ayon sa mga kuwento, walang bangka na pumasok ang nakalabas mula sa yakap ng hamog na iyon.

Gustong lakbayin ni Angel ang nasabing isla dahil sa nais nitong gawan ng artikulo sa radyo ang misteryo ng Lawa. Maraming mga alamat ang naglalahad kung ano ang nakatago sa isla: isang halimaw, aswang o ano pang nilalang na kayang basagin ang katinuan ng tao.

Alam na ng dalaga na ito ang magbibigay sa kaniya ng katanyagan.

Dala ang camera at kuwaderno, sumakay siya sa inupahang bangka at mag-isa itong sinagwan dahil ayaw ng bangkero na pumunta sa gitna ng lawa.

Namatay ang liwanag ng araw nang mapasok ni Angel ang hamog at matanaw ang isla. Maliit lamang ito at nakita niya ang munting bahay na gawa sa kawayan. Sa labas nito ay nakatayo ang pinakamagandang babae na nakita ng manunulat.

Magkasingtangkad silang dalawa at balingkinitang ang pangangatawan nito, kaakit-akit ang kaniyang dibdib at pilit na itinatago ng kaniyang damit na bahagyang masikip. Ang kaniyang balakang ay may magandang hugis na klaro kahit na siya ay nakasaya. Kasing-itim ng gabi ang kaniyang mga mata at kakaiba ang kurba ng kaniyang ngiti.

"Hinintay kita," bati ng may-ari ng bahay jang makababa si Angel mula sa bangka. Lumapit ang bisita sa nakatayong dalaga at tiningnan ang paligid. "Matapang ka para manatili rito," komento ng manunulat. "Marami akong narinig."

"Katulad ng?"

"Na walang nakalabas mula sa islang ito."

"Baka nahanap nila ang kailangan nilang mahanap dito, kaya hindi na sila bumalik."

Kasingtamis ng pulot ang boses ng dalagang walang pangalan, at hindi mapigil ni Angel ang kaniyang sarili na makadama ng init sa pagitan ng kaniyang mga hita. Humigpit ang kaniyang paghinga at nakatitig ito sa babaeng kaniyang kaharap.

"Alam ko ang nararamdaman mo," tugon ng babae na nabasa ang iniisip ng panauhin, "Huwag mong pigilin. Iyan ang layunin ng islang ito: ang ilabas ang tao sa loob ng kaniyang kulungan."

Lumapit ang dalaga kay Angel at hinaplos ang kaniyang pisngi. Dumaloy ang kuryente sa katawan ni Angel, at nang hindi na nito mapigil ang sarili ay marahas niyang hinalikan ang dalaga. Nadama niya ang mga kamay na pumaibaba sa kaniyang pagkababae at nilaro ito.

Namula ang mukha ng manunulat habang kumawala ang kaniyang sinturon at nahubad ang pantalon nito. Nagkaroon ng sariling isip ang kaniyang bibig at hinalikan ang suso ng kasama.

Hindi alam ni Angel kung ano ang nangyayari sa kaniya; tinanggal ng Isla ang lohika at iniwan ang hayop sa kaniyang personalidad ar wala siyang gustong gawin kundi abutin ang rurok ng kaligayahan kasama ang dalagang walang pangalan.

Napahiga ang dalawa sa damuhan at nilakbay ng dila ang pagkababae ni Angel. Basa na silang dalawa at di nila nararamdaman ang lamig ng paligid. Umakyat ang mga halik patungo sa tiyan at dibdib ng panauhin, hanggang sa madama ni Angel ang daliring gumagalaw sa loob niya.

Ilang minuto ang lumipas at sumabog na ang nakatagong pangarap ni Angel kasabay ng isang malakas na sigaw at nakalupasay siya sa damuhan habang pumipintig ang kaniyang ari.

Katabi niyang nakahiga ang nakahubad ding may-ari ng bahay, na hinihimas ang naninigas pang utong ng manunulat.

"Matagal ko nang hinahanap ito," mapang-akit na bulong ng engkanto. "Ngayon lang ako nakaranas na makipagtalik sa isang babae."

"Itinalik mo rin ba ang mga lalaking napunta rito?" tanong ni Angel. Isa itong tanong na mapanghamon upang mapukaw ang libog ng kaniyang kasama, na gusto pa ni Angel ng isa pang pagkakataon na makipagsiping ngunit hindi siya sinagot ng kapwa babae.

Nadama ni Angel ang mga damong punapalibot sa kaniyang hubad na katawan, hanggang sa itinikom nito ang kaniyang bibig at unti-unti siyang nilamon ng malamig na lupa.

Ang huling imaheng kaniyang nakita ay ang magandang mukha ng dalagang walang pangalan, na muling isinuot ang kaniyang mga damit upang batiin ang paparating na panauhin.

"Hinintay kita..." sambit ng may-ari ng bahay sa aninong hindi na natanaw ni Angel.

Eritque ArcusWhere stories live. Discover now