CHAPTER 17

56 2 0
                                    

Guinevere's Pov

Eto ako ngayon sa kwarto nakakulong alam kong mali ang magalit sa magulang lalo na kapag marami na silang nagawa para mapabuti ka at lalo na ang mga gusto ko nabibigay nila pero kasi hindi ko mapigilang magalit at masaktan kasi ito ako eh ganito ako at dito ako masaya. 

*Knock* *knock*

"Ija kumain ka na" sabi ni manang sa labas ng aking kwarto.

"Busog po ako manang" nanghihina kong sagot kay manang.

"Ija hindi ka pa kumakain alas dose na ng tanghali" sabi ulit ni manang na may halong pag-aalala.

"Please manang I'm not hungry don't worry po baba po ako mamaya pag nagutom ako" sabi ko kay manang.

"Sige ikaw bahala" sabi ni manang at maya-maya pa ay narinig ko ang foot steps niya paalis na siguro siya.

"Bakit ba kasi nangyayari sakin ito?? Hindi ko alam kung bakit nangyayari sakin toh. Bakit ba ayaw nila akong maging masaya? Mahal ko rin naman ang magulang ko pero kasi mahal ko rin si zach sobra......" sabi ko habang merong tumutulong luha sa aking mga mata.

"Ayoko na pero kasi kung susuko ako paano si zach, paano kami?" sabi ko habang parang tangang tumatawa at umiiyak.

"Yesha anak kumain ka na wala ka pang kain kanina pa" malumanay na sabi ni mommy.

"I'm full" maikling sambit ko.

"Yesha please hindi ko kakayanin kapag nagkasakit ka" mahinang sambit ni mom kaya ayun lumabas ako ng kwarto ko.

Pagbaba ko nakahanda na ang pagkain ko sa mesa.

"Ako lahat nagluto nyan ano bang gusto mo ipaghahain kita." natatarantang sabi ni mommy kaya niyakap ko siya mula sa kaniyang likod at ramdam ko namang ngumiti siya.

"Ako na po mommy, ako na pong bahala sa akin salamat po" sabi ko habang nakayakap parin at maya-maya pa ay kumalas narin ako sa pagkakayakap sa kanya at umupo na para kumain.

Kumakain ako nang biglang umupo sa tabi ko si mom at hinawakan ang aking kamay.

"Anak please wag kang sumuko bata ka pa at sigurado akong marami ka pang makikitang ibang lalaki."

"But mom hindi ko gustong humanap ng iba dahil siya ang mahal ko please intindihin niyo naman ako please."

"Anak naiintindihan kita pero kasi anak bata ka pa eh ang gusto namin ng dad mo ang mag-aral ka ng mabuti" malumanay na sambit ni mom.

"Bakit mommy? Pinabayaan ko ba ang pag-aaral ko? Nawala ba ako sa honor? Diba hindi? I'm sorry but I can't accept the fact na hindi kami pwede nang dahil sa bata pa kami mom tao din po ako nagmamahal" sabi ko sabay akyat papunta sa kwarto ko, naririnig ko pang tinatawag ako ni mom pero hindi ko na kaya tumutulo na ang luha ko. Masyadong masakit yung salitang bata pa kami fvck may karapatan naman kaming mgmahal ah alam din namin ang dapat at hindi dapat ang problema kasi sakanila hindi nila kilala kung ano ang tunay na ugali ni zach, hindi nila alam kung gaano kabait si zach, hindi rin nila alam na malaki ang respeto ni zach sa mga babae.

Ayoko na hindi ko na kaya masyado na ito masakit na promise......

After 2hours...

Hmm.. Nakatulog pala ako syet pagtingin ko ng cellphone ko andaming missed calls galing kay zach at 20 messages din galing sakanya.

Ringgg!!!! Ringggg!!!!

(hello babe are you ok? Kumain ka na ba? May problema ba? Bakit hindi ka sumasagot sa text at tawag ko may nangyari ba? Ayos ka lang ba? Tell me ayos ka lang ba?) sunod-sunod na tanong niya sakin na dahilan ng pagngiti ko pero may halo paring sakit.

"Yeah I'm ok how about you babe? Kumain ka na rin ba?"sabi ko habang nakangiti parin.

" yup papasok ka ba bukas? " sabi niya habang may paglalambing sa tono niya.

" hmm pasok ka ah sige na may gagawin pa ako bye ingat palagi I love you babe. " sabi ko habang nakangiti at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at pinatay na ang tawag.

Tomorrow will be the last day.........

I'm sorry babe pero diko na kaya lahat nang ito sana mapatawad mo pa ako.

Zach's Pov

Bat parang may problema? Parang pakiramdam ko merong mangyayaring mali, ewan ko pero kinakabahan ako. Hmp hindi niya man lang akong pinasagot ng "I love you too" pinatay niya kaagad yung tawag.

"Shit parang may mali talaga eh bwisit naman." pagmamaktol ko sa kama.

Tok! Tok! Tok!

Pagbukas ko ng pinto magmamaktol sana ako dahil akala ko si mom pero mali ako dahil si alexia ang nakita ko.

"What kind of face is that honey?" What the heck?!?! anong honey?!! sira na yata utak nitong babaeng toh. 

"Zach yung pangalan ko" sabi ko habang walang emosyong nakatingin sakanya pero tumawa lang syang mahina at pumuluput sa braso ko.

"Yeah I know it's just an endearment" sabi niya bwisit daig pa nito yung 20 yrs old kung makalandi tangna di naman toh ganito dati ah.

"Tsk kailan na pa naging tayo bitch?! you know what? hindi na ikaw yung kilala kong alex, nagbago ka na ano bang nangyayari sayo?" sabi ko habang may pagkairita sa boses. 

"You change me" maikling sagot niya hah! baliw ba sya pano ko sya nabago.

"In what way alex?" tanong ko habang nakangisi "Don't tell me gusto moko? tsk alex you know that I already have a girlfriend which is guinevere and she is the one I love, no one can replace her in my heart." sabi ko at lalabas na sana ako ng kwarto nang yakapin niya ako mula sa aking likuran. 

"Yeah tama ka gusto kita ay mahal pala kita pero si guinevere yung pinili mo! zach bakit siya pa?! eh diba tayo ang matagal nang magkakilala?!" sigaw niya habang nakayakap parin sakin kaya padabog kong tinanggal ang kamay niya. 

"Wala yan sa tagal ng pagkilala! yes matagal na tayong magkakilala at magkaibigan but alex I'm seeing you as my little sister and nothing more of that." sabi ko at lumabas na ng kwarto ko tsk panira ng araw. 

After 30 minutes nakita ko siyang galing sa kusina mukhang magkausap sila ni mommy kanina at ako naman ay nandito sa sala nanonood ng tv. Maya-maya pa ay lumapit siya sakin.

"Ahm zach I'm going home na actually I bake a cake for you nandun sa mesa kainin mo nalang mamaya kapag gutom ka na bye" sabi niya at lumabas na ng bahay namin tsk as if I care.

Alexia's Pov

Don't try me zach, nagsisimula palang ako tandaan mo magiging akin karin. Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang.






Mahal Kita Pero Hindi PwedeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon